Hindi mo paba nasubukan magencash ng bitcoin dyan sa moneybees via tambunting pawnshop op? tanung ko lang naman, Sa tingin ko madami narin ang nakakasubok na gumamit nyang merchants na yan. At isa narin ako sa mga nakasubok gumamit nyan. Over the counter talaga ang mararanasan mo dyan, ang pinagkaiba lang ay from tambunting pawnshop ay ililink nila ang kanilang pawnshop sa Moneybees.
Kumbaga maisasagawa lang natin ang transaction sa remittances na kagaya nyan kung ito ay affiliated sa Moneybees, kung walang moneybess ay hindi natin maisasagawa ang transaction sa bitcoin.
Curious lang ako dito sa Moneybess na ito since lagi ko itong narieinig as suggestion dito sa board natin. Need pa ba gumawa ng account jan or pwede rekta send ng Bitcoin sa wallet address nila then bibigyan ka nila ng code para ma claim yung cash mo OTC.
Maganda kasi ito kung di na need gumawa ng account para wala ng KYC requirements. Namiss ko tuloy dati yung cardless withdrawal sa security bank gamit ang coins.ph wallet. Pwede kasi iclaim anytime yung cash sa mga ATM machine na hindi na need ng ID sa pag claim.
Hindi pwedeng rekta kana agad, remittance outlet kasi na affiliated sila sa moneybees. So kailangan magregister ka muna sa Moneybees free naman din siya, iask mo lang sa tambunting kung pano ka magregister, ngayon yung attending teller pwede ka nun iassist kung ano dapat mong gawin.
at kapag nagawa mo na yan, para nalang siyang ordinaryong remitance outlet na makakapagencash ka ng bitcoin to peso ganun ang mangyayari kapag nagtransact ka sa kanila. At dahil remittances siya ang maximum nila na encashment ay 50k sa pesos, ngayon kung halimabawa 200k ang ilalabas mo ang gawin mo lipat ka naman sa ibang outlet ng tambunting, kasi per outlet 50k cash ang maximum nila a day.