Wala ng magagawa yung mga naunang nakabili at kung may lakas pa ng loob na sumagal pa ulit eh mag iinvest talaga para masubukan kung sulit
or mag antay na lang para mabenta yung mga slp na nakatago nila, mukhang gegewang itong bagong setup kasi kung walang magpapsok ng investment
tyak na wala din mangyayaring cycle at maiipon lang ng maiipon yung makukuhang slp rewards, wlang chance na umangat yung value sa mas
malapit na hinaharap.
Ako hindi na ako susugal ulit, masyado nilang pinapaikot yung economy ng axie at hindi na ako optimistic sa kanila. Kasi ang gusto lang ng karamihan ay burning na simple lang at maayos na gameplay. Ang nangyari, mas pinatagal na gameplay at upgrades para lumakas. Hindi na natin afford yung ganyan kaya yung isang scholar ko na masipag, wala na suko nalang din. Sabi ko okay lang, wala na tayong magagawa. Antay nalang tumaas value ng slp at pati mga axie bago ibenta lahat.
Mas nagfocus na sila sa players na nag-grigrind talaga sa game. Mas vinavalue nila ung players na naglalaan talaga ng time para makarating sa leaderboard kaya kung titignan mo, ang laki ng prize sa mga top players.
Base na rin sa experience ko bilang manager (noon), hindi scholar friendly tong origin dahil walang kikitain ung scholar kung maglalaro sila dahil sa baba ng SLP na pwedeng kunin. Ang way na lang para kumita ang scholar ngayon ay kung makakatungtong siya sa leaderboard at take note, depende pa yun sa manager if maghahati sila or ibibigay lahat sa scholar pero if ibibigay lahat, lugi si Germany (Manager)
. Pinull-out ko na rin lahat ng mga axies ko sa scholar ko at sa ngayon nag-eexperiment ng team na pwede kong gamitin.
Marami pa ring nag-iinvest sa ngayon sa Axie Infinity. Kung titignan nyo ung statistics sa marketplace nila, merong $1.76M ang kabuuang sales sa loob ng isang linggo at $6.30M sa isang buwan. Maliit kumpara noon pero at least may mga bumibili pa rin.
Madami pa ring nag iinvest pero tingin ko ito nalang yung mga hard core players talaga at optimistic pa rin sa laro. Sa ating mga pinoy kasi karamihan nawalan na ng gana kaya ang ginagawa ni Sky Mavis ay nage-explore sila sa ibang region like South Korea. Wala eh, ganun talaga ang p2e market, kapag hindi na sila popular sa isang region o country tulad sa bansa natin, lilipat lang sila ng ibang region para sa market nila. Quit na lahat ng scholars ko, hold ko nalang lahat ng slp at axies na meron ako pero tatry ko ako naman maglaro sana hindi nakakatrigger.