Nakita niyo na ba yung bagong balita? Pwede na bumili ng ibang crypto sa marketplace. Pwede na bumili ng Axie gamit ang mga sumusunod;
WETH
AXS
SLP
USDC
Maganda to' para sa mga nakaipon ng slp, no need na iexchange sa katana. Ang akala ko pati bitcoin idadagdag nila eh pero okay na rin yang mga choices na yan ang kulang lang ay yung isa nilang token na RON.
In effect na ba ito? Parang di ko yata napansin nung tiningnan ko ang marketplace. Speaking of prices, nakakaiyak tingnan ang presyo ng mga axie ngayon
. Yung dating Php20k to Php40k wala pang 5k ngayon.
Yes, chineck ko mismo sa market place at nag try ako magpurchase at nandun na talaga. Nako sa presyo ng axie, pinakamahal atang nabili ko ay $700 worth na beast at tuwang tuwa pa ako kasi binenta ng mura ng unang nakabili, ngayon, hindi ko nalang aalalahanin.
Maganda tong update nato dahil nadagdag nadin sa use case ni slp ang update ng sky mavis at dahil dito di na talaga tayo mahihirapang bumili ng gusto nating axie. Mas lalong pinapadali ng mga devs buhay ng mga players so we can still say that this will give a short term hype on this project. Hopefully mapaganda pa nila ang Origin dahil dito mas may malakas na impact sa mga players at ito ang deciding factor ng mga whales kung magpapatuloy o hindi.
Kaya nga, no need na magconvert sa katana into weth para lang makabili. Mas pinadali nila pero tingin ko yung hype na meron dati, baka matagalan pa tayo ulit bago makita yun ulit.
Eto ren yung inaantay ko eh, kung ano ba talaga ang plano nila kay SLP, kase parang nag less focus sila dito and parang prinopromote pa nila na hinde na ganoon kaprofitable si Axie as a P2E. Though they encourage the investors to just have fun playing the games pero since may money involve dito, nageexpect talaga yung iba kay SLP. Let’s see if meron ba talagang plano and see if this updates are worth the wait, wala ren naman kase tayo magagawa sa ngayon.
No choice na talaga tayo. Sa mga naipit tulad ko, benta ng patalo o magstay at ienjoy nalang.