Hello mga lods! pa tanung lang. need ba talaga ng 40-50k Php para makapag start sa axie infinity? nakita ko kasi sa axie marketplace nasa $100+ lang isang axie eh, so $300+ lang isang team.
Depende kasi yan sa seller/breeder na nagbebenta na ng isang set of team. Yung mga presyong nasa ganyang ng 40-50K ay reasonable naman dahil pwede mo naman i-check ang mga cards kung merong pang combo lalo na kong mga virgin pa ang mga ito (hindi pa nagagamit for breeding). Pitong beses lang kasing pwedeng gamitin ang isang Axie sa breeding... Meron pa nga akong nakikitang mas mahal pa dyan, merong nasa 65K ang isang set of team na, maganda naman kasi talaga ang line-up ng team, may laban sa PVP.
Kung bibili ka naman ng paisa-isa, maaaring meron kang makita na nasa around $100 ang isa, pero maghahanap ka pa ng dalawa na mas mahal na at syempre na mag woworkout as a team lalo na sa Arena kapag ginamit mo ang cards nila as a chain for offense/defense.
Thanks for this info since baguhan palang den ako sa axie pero super laki ng naitulong nito sa akin. Ang goal ko talaga is to earn and i’m planning to have my scholar pero my takot na baka ma ban, i’m still thinking kung ano ba ang best way. Ok lang ba new wallet, new account for my scholar?
Iskolar pa lang din ako kaya di ko pa alam lahat kung paano ang proseso ng pagpatakbo as a manager/owner. Meron ako nakita na hindi ko alam kung shinare lang o sariling gawa ni Kookoo sa FB group kung paano magsimula ng scholarship program, share ko rin dito kapag nahanap at nakita ko ulit.
Oo, syempre ang ibibigay mong account sa iyong skolar ay bago, new wallet talaga na ikaw ang may hawak ng private keys ng Metamask at Ronin wallets na naka link sa ginawa mong account para sa kanya.