Ewan ko ba jan kay Jihoz at ng kanyang team. Di naman sila kapos sa budget pero para sa akin pangit ang tinatahak nila so far. Di rin ako agree na gagawa pa sila ng maraming tokens. Dahil nga possible na iiwan rin nila mga yan later on pag di na nila mapagkaperahan at gagawa na naman ng bagong coin. Yung SLP nga kung tutuusin gagawa nila ng usecase para naman hindi madiscourage yung mga previous players at investors. Kaya it's a no talaga for me ang Axie or any projects ni Jihoz na merong new coins.
Unpredictable na nga ng takbo lalo na sa new coins aspects nito, same tayo, hindi rin ako agree sa pag create nila ng new coins dahil nga sa posibleng hindi na masuporthan in the future. Wala na yung dating essence ng laro at ng kanilang platform kaya no doubt na mahirap na maibalik yung tiwala ng ibang mga players at investors. Hindi rin sila marunong tumanngap ng constructive criticism tulad na lang ng ginawang pag block nila sa discord sa naging manager ko noon, siya yung founder ng First Axie scholarship.
Hirap na siguro silang kumita kompara dati na sobrang laki pa talaga ng kitaan nila at para masustain nila ang kanilang proyekto ay kailangan talaga nila maghanap ng ibang paraan para makalikom pa ng pundo kaya siguro nila naisipan na gumawa ng panibagong token para manghikayat ng bagong investor. Pero tingin ko mahirap na e market ang anumang bagong gawa nila since iiwas ang mga tao dyan dahil karamihan ayaw maipit. Sa ngayon ok lang ang takbo ng kanilang bounty quest advantage kung may marami kang axie ay may makukuha ka talagang AXS na enough lang pambayad ng kuryente.
Isa din yan sa ayaw ko sa kanila di sila marunong makinig kung ano ang gusto yun ang masusunod kaya marami ang galit sa kanila dati. Kaya wag nalang talaga mag invest ng panibago at hayaan nalang kung kumita ba o hindi gamit ang old axie natin.
Ako rin ay ayaw na talaga gumastos pa para sa Axie na yan. Ilang former players ko na lang din at kakilala at tumry na econvince akong maglaan ng pera kahit ilang libo lang raw dahil meron pa earning sa Axie.
Marami pa akong axie at baka umabot pa yun ng 100. Balak ko talaga sila ibenta noon pa kaso time consuming rin dahil meron prices sa kanya kanyang traits ng pet. Madali lang ba daily quest kabayan? Hindi ba magconsume ng ilang oras para sa katiting na earning? Gusto ko rin etry if ever pwede mag earn basta wala ng dagdag gastos.
Di na need gumastos kabayan at tama na yung existing axie natin at bahala na kung kikita ba tayo dun or hindi. At wag nalang talaga mag lagay ng panibagong pera dyan dahil sobrang risky at tingin ko hirap na nadin sila makabangon since la na masyado nagtitiwala sa kanila dahil marami din ang natalo nung nag invest ang ibang tao ng sobrang mahal pa ng axie.
Siguro pakinabangan mo muna yang mga axie mo at madali lang naman ang daily quest kailangan mo lang ng isang panalo sa origin at isa din sa classic then pray sa atia dun madali mo nang matatapos daily quest mo. Lagay ko sa baba ang kailangan gawin at yung article narin para mas madali ma intindihan.
Key Points
The Axie Daily Bounty Board is a daily Axie quest system. Complete daily bounties, accumulate points, and earn AXS rewards.
10,000 AXS are up for grabs every week, encouraging good Lunacian habits, to bring in even more rewards.
The Bounty Board launches with a set of inaugural daily bounties, enabling Lunacians to earn a total of 115 points per day. Remember to click “Verify” on the Bounty Board after you’ve completed every Bounty!
Pray to Atia
Roll a Lucky or Premium Pouch in the Garuda Shrine Shop
Achieve victory in the Origins and Classic arenas
Basahin mo ito dito mo malalaman lahat ng information
https://blog.axieinfinity.com/p/bounty-board-is-liveYang premium pouch di mo yan kailangan e achieve since need mo bumili ng collectible axie at gaya nga ng sabi ko risky bumili kaya ignore nalang yan.
Hirap na siguro silang kumita kompara dati na sobrang laki pa talaga ng kitaan nila at para masustain nila ang kanilang proyekto ay kailangan talaga nila maghanap ng ibang paraan para makalikom pa ng pundo kaya siguro nila naisipan na gumawa ng panibagong token para manghikayat ng bagong investor. Pero tingin ko mahirap na e market ang anumang bagong gawa nila since iiwas ang mga tao dyan dahil karamihan ayaw maipit. Sa ngayon ok lang ang takbo ng kanilang bounty quest advantage kung may marami kang axie ay may makukuha ka talagang AXS na enough lang pambayad ng kuryente.
Isa din yan sa ayaw ko sa kanila di sila marunong makinig kung ano ang gusto yun ang masusunod kaya marami ang galit sa kanila dati. Kaya wag nalang talaga mag invest ng panibago at hayaan nalang kung kumita ba o hindi gamit ang old axie natin.
Parang ang hirap intindihin minsan kung bakit hindi nila narerealize 'yung mga valid concerns ng community. Sana nga magkaroon sila ng realization at magawan ng paraan para maibalik 'yung tiwala ng mga tao. Dapat silang makinig sa mga feedback at suggestions ng kanilang community para ma-improve ang kanilang platform at laro. Sa ganitong paraan, mas magiging sustainable ang kanilang proyekto at mas marami pang players ang magiging interesado na sumali. Pero for now, siguro tama na muna na mag-hold back at obserbahan kung paano nila haharapin 'yung mga challenges na ito.
Siguro mas mapapadali ang trabaho nila kung yung mga nakalatag na plano yung kanilang susundin dahil mahirap din naman isingit yung gusto ng mga tao at baka magkagulo pa. Kaya siguro ganyan nangyayari sa kanila. Dapat talaga sila makinig sa suggestion ng mga tao dahil sila ang bumubuhay sa project nila kaya nga dami naumay dahil naging kwenta na din yung mga nakaraang updates na ginawa nila/