Pages:
Author

Topic: Babagsak Pa Kaya? (Read 400 times)

legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
December 25, 2020, 03:59:11 PM
#22
...pero tiyak ako babagsak ito hindi nga lang sa level na sinasabi mo.
yun na nga din, tingin ko nga malayo sa malayo pa mangyari yung hinihiling ko para makasabay sa trend, lalo na ngayon eh muhkang ihihit ni BTC ang 30k sa pagtatapos ng taon, we still have 5 days left para makita ito, possibilities  are quite high IMO para sa gantong price... At sa charts na nakikita ko eh parang February pa ito bababa kung mangyari man.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
December 25, 2020, 10:13:02 AM
#21
Babagsak pa kaya ang BTC sa $2,000 or atleast mga 3k-4k USD,yung mga panahong makakapag invest pa ng malaki laki at makakapaghold pa ng marami? Tingin nyo kaya ma reach pa yung ganung value lalo na ngayon na patuloy yata ang pagtaas ni BTC? kung posible eh kelan kaya?
Bago bago pa lang nakakaluwag Tongue sana makahabol pa
Sa tingin ko malabo nang bumagsak sa $2,000 ang Bitcoin dahil mas naging popular na ito ngayon at maraming bansa na ang nag-adopt maliban dyan marami na rin ang mga kompanya at institusyon na nag-iinvest at bumili ng libo-libong Bitcoin. Yun ay dahil malaki ang tiwala nila sa Bitcoin at ang tiwala na yan ay nakakahawa na nag-aattract ng mas maraming investors.
hero member
Activity: 2940
Merit: 613
Winding down.
December 25, 2020, 04:41:30 AM
#20
Malayo nag mangyari na babagsak pa ang bitcoin sa price level na yan, tingin ko lang mukhang hindi na nga siguro babagsak pa sa $10,000 kahit may correction na mangyayari. Napaka bullish ng bitcoin ngayon, daming influencer na nag sasabing invest, pero tiyak ako babagsak ito hindi nga lang sa level na sinasabi mo.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
December 25, 2020, 12:01:23 AM
#19
Babagsak pa kaya ang BTC sa $2,000 or atleast mga 3k-4k USD,yung mga panahong makakapag invest pa ng malaki laki at makakapaghold pa ng marami? Tingin nyo kaya ma reach pa yung ganung value lalo na ngayon na patuloy yata ang pagtaas ni BTC? kung posible eh kelan kaya?
Bago bago pa lang nakakaluwag Tongue sana makahabol pa
I'd say maybe sa 10k or 15k area let's wait by the next year but we could go sideways at baka mga higher highs at higher lows lang gaya ng nangyayari sa kasalukuyan kasi nasa taas parin tayo ng EMA200 at sa area na yan nasa 15k area siya. Kung may milyon lang kahit 500k sana na pwede pang hold ok na yun. $2k-$4k area at always na possible pero I doubt that will ever happen again, just my two cents.

A little bit off topic but I think kung tataas pa ang bitcoin better na maghold ng mga huge market cap altcoins like ETH na may mga rumors na it may into valuation sa mga $5k area.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
December 24, 2020, 02:30:06 PM
#18
...Pero ang kagandahan nito, is baka hindi na siya bumaba sa 10KUSD, which would indicate na malalamangan ulit nito soon yung ATH niya ngayon.
parang nakakaiyak naman yata yon...  laki pa rin at mahirap habulin sa investments... pero tingin ko din naman nasa possibility na tayo ng 50k USD, at yun naman ang hahabulin natin dahil na reach at na break out na natin ang 20k USD.

sr. member
Activity: 1162
Merit: 450
December 24, 2020, 01:13:15 PM
#17
Babagsak pa kaya ang BTC sa $2,000 or atleast mga 3k-4k USD,yung mga panahong makakapag invest pa ng malaki laki at makakapaghold pa ng marami? Tingin nyo kaya ma reach pa yung ganung value lalo na ngayon na patuloy yata ang pagtaas ni BTC? kung posible eh kelan kaya?
Bago bago pa lang nakakaluwag Tongue sana makahabol pa

May chance na mangyari pa ito especially if magfofork ulit ang Bitcoin and/or may malaking changes ang gagawin ng developers ng bitcoin para mas mapaimprove ang system nito. Though oo super labo naman na kasi madami na din yung volume and malawak na din yung market, meron at meron pading chance kahit maliit. But one sure thing is that its ccurrent price would only last for one to two months, then it would be months to years again before it reach its ATH. Pero ang kagandahan nito, is baka hindi na siya bumaba sa 10KUSD, which would indicate na malalamangan ulit nito soon yung ATH niya ngayon.
copper member
Activity: 658
Merit: 402
December 24, 2020, 11:32:52 AM
#16
Sa ngayon ay mahirap masabi kung darating sa point na yan though alam naman natin na pwede paring mangyari yan. Pero kung titignan sa performance nya ngayon sa market, mukhang malabong bumagsak sya ng ganyan kababa or matagal pa (kung sakaling mangyayari man yang sinasabi mo).  Kaya kung darating tayo sa ganitong sitwasyon ay siguro naman mayroon na tayong sapat na extra funds para makapag invest pa ng mas malaki.
sr. member
Activity: 1540
Merit: 420
www.Artemis.co
December 24, 2020, 09:39:52 AM
#15
Meron pang posibibilidad na bumaba yan lalot madaling manipulahin ang merkado kaya bantay-bantay nalang para makasakay pero sa ngayon mabilis makarecover ang BTC at solid talaga ang momentum. Sa tingin ko nalagpasan na ng Bitcoin lahat ng hadlang sa paglago nito since marami nang institutional investors ang tumatangkilik.
legendary
Activity: 2534
Merit: 1115
December 24, 2020, 08:55:08 AM
#14
Babagsak pa kaya ang BTC sa $2,000 or atleast mga 3k-4k USD,yung mga panahong makakapag invest pa ng malaki laki at makakapaghold pa ng marami? Tingin nyo kaya ma reach pa yung ganung value lalo na ngayon na patuloy yata ang pagtaas ni BTC? kung posible eh kelan kaya?
Bago bago pa lang nakakaluwag Tongue sana makahabol pa
gaya nga nang lagi kong sinasabi samga speculation na "there is no way to tell" pero lagi namang may posibilidad yan na mangyari. ang tanong lang ay kung kelan, paano or bakit. pero ang tanong ko do we really want BTC to crash down that low again? kung ako tatanungin mas ok sakin na tumaas na lang ng tumaas yung presyo at kung babagsak man wag na sana bumaba sa $2k or $3k-$4k.
hero member
Activity: 1498
Merit: 547
Be nice!
December 24, 2020, 08:17:00 AM
#13
Sa tingin ko naman ay magiging katulad lang yan nung 2017, after ng ilang buwan ay bumagsak din kaagad. Panigurado diyan marami ring nagbebentahan na ng BTC nila, especially yung mga tao na may mistakes during 2017 kasi akala nila magreresist pa ng mas malaki.

So posible na bumagsak pa ang price ng BTC, pero hindi pa ngayon at hindi natin alam kung kailan. Maybe ilang years pa ulit? 2025 ang next bitcoin halving, baka magkaroon ulit ng halving effect at magstart ng panibagong ATH soon. Baka nga yung pricing ngayon is tumaas pa ng tumaas, patuloy na nagreresist ang BTC ngayon.
Kabayan, pasensya na pero mag-disagree ako sa opinyon dahil maraming pagkakaiba ang taong 2017 at taong 2020 at isa na dito ang pag-expect na mga tao sa aabot at lalagpas pa ang presyo ni bitcoin sa 20k USD, hindi katulad nung nangyari noong 2017 na kung saan lahat ay nabigla sa pagtaas ni bitcoin at ito rin ang naging dahilan kung bakit ang hype ni bitcoin ay grumabe.

Isa pang malaking pagkakaiba ay ang malaking resistance ng bitcoin dahil sa mga institusyon na nagadopt sa bitcoin at mga malalaking investors na hindi nagpullout sa kanilang bitcoin investments at mas pinili magstay for the long run.

Tama ka kabayan na maaring pang bumagsak ang price ng BTC sa mga darating na buwan ngunit mag stay na ito sa price range na 20k USD o possible bumaba hangang 17k USD dahil sa maraming wall na pumipigil sa tuloy tuloy nitong pagbagsak. By the way, kabayan ang next halving ay sa taong 2024 dahil every 4 years nangyayari ang bitcoin halving na kung saan ang pagmina ng bitcoin ay nangangalahati at nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng bitcoin.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
December 24, 2020, 06:30:09 AM
#12
Depende sa panahon kabayan kung tataas pa ba or baba pa ang bitcoin, pero ngayon tingin ko lang ah tuloy tuloy ang pagtaas ng bitcoin hanggang mataas ang taon na ito pero maaari namang magshorterm trade ka kung gugustuhin mo. Mahirap timplahin ang ang lagay ng market ngayon dahil anytime pwede ito bumagsak pero sana huwag namang big dump ang maganap dahil baka magtuloy tuloy magbulusok pababa pagnagkataon.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Modding Service - DM me!
December 24, 2020, 05:44:45 AM
#11
Sa tingin ko naman ay magiging katulad lang yan nung 2017, after ng ilang buwan ay bumagsak din kaagad. Panigurado diyan marami ring nagbebentahan na ng BTC nila, especially yung mga tao na may mistakes during 2017 kasi akala nila magreresist pa ng mas malaki.

So posible na bumagsak pa ang price ng BTC, pero hindi pa ngayon at hindi natin alam kung kailan. Maybe ilang years pa ulit? 2025 ang next bitcoin halving, baka magkaroon ulit ng halving effect at magstart ng panibagong ATH soon. Baka nga yung pricing ngayon is tumaas pa ng tumaas, patuloy na nagreresist ang BTC ngayon.
sr. member
Activity: 1820
Merit: 436
Catalog Websites
December 24, 2020, 03:35:36 AM
#10
Babagsak pa kaya ang BTC sa $2,000 or atleast mga 3k-4k USD,yung mga panahong makakapag invest pa ng malaki laki at makakapaghold pa ng marami? Tingin nyo kaya ma reach pa yung ganung value lalo na ngayon na patuloy yata ang pagtaas ni BTC? kung posible eh kelan kaya?
Bago bago pa lang nakakaluwag Tongue sana makahabol pa

For sure kapag nagbentahan na ang mga traders at investors sa market malaki ang ibabagsak ng market price ng bitcoin,Pero sa tingin ko ang pagbagsak ng presyo sa market ay dahil sa pandemic.

And then nakarecover din naman agad ang bitcoin, possible na bumagsak pa rin ang presyo sa 3k-4k USD pero sa tingin ko habang dumadami at lumalaki ang community safe siguro na iassume around 10k$ ang magiging presyo ng bitcoin kapag nagdump na.

Kahit patuloy ang pagdami ng mga investors babagsak pa rin ang presyo soon kapag nagbentahan na.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
December 24, 2020, 02:38:02 AM
#9
Posible siya sa posible kaso ang tanong lang ay kailan kaya mangyayari. Kumbaga sa 100% na chance, parang 1% o di kaya mas mababa pa doon. Para sa akin kung magkaroon ng malaking crash ay baka $10k siya o di kaya $5k. Kumbaga para sa akin yan na yung sagad.

Most likely talagang hindi bababa ng ganyan ka-baba pag typical price correction ang pinag uusapan. Though wag parin natin irurule-out ang regulatory risk. Isang malalang batas lang sa U.S. concerning Bitcoin at cryptocurrencies, e pwede talagang bumaba sa $3k levels. Alam naman natin kung gaano ka easily affected ang mga crypto investors pagdating sa bad news.

Ayun din ang nasa isip ko. US ang may pinakamaraming Bitcoin Node sa buong mundo (according sa article na ito https://thenextweb.com/hardfork/2019/02/27/3-countries-50-perecent-bitcoin-network/). Imagine mo kung may biglang malaking regulation sa US na mag hihinder dito, malaki talaga ang epekto nito sa Bitcoin. Medyo malabo nga lang na mangyari ito lalot dumadami na ang supporter sa US.

hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
December 24, 2020, 12:30:41 AM
#8
Posible siya sa posible kaso ang tanong lang ay kailan kaya mangyayari. Kumbaga sa 100% na chance, parang 1% o di kaya mas mababa pa doon. Para sa akin kung magkaroon ng malaking crash ay baka $10k siya o di kaya $5k. Kumbaga para sa akin yan na yung sagad.

Most likely talagang hindi bababa ng ganyan ka-baba pag typical price correction ang pinag uusapan. Though wag parin natin irurule-out ang regulatory risk. Isang malalang batas lang sa U.S. concerning Bitcoin at cryptocurrencies, e pwede talagang bumaba sa $3k levels. Alam naman natin kung gaano ka easily affected ang mga crypto investors pagdating sa bad news.
Tama ka dyan. Kapag may mga bansa tulad ng US nagpataw ng kung ano anong mga lawsuit katulad ng ginawa nila sa XRP. Pwedeng maka-apekto ng todo talaga sa price. Pero sa case kung bitcoin ang bababa, mga exchanges ang pwede nilang targetin. Pero kahit na may magandang support price nitong mga nakaraang araw parang ayaw ko pa rin makampante kahit na palo ng $21k-$23k nalang ang nangyayari ngayon. Isang biglaang surpresa, bagsak talaga. Meron pa rin akong inaabangan na balita yung sa Tether, posible rin yun maka-apekto kung ano man ang maging resulta nung issue sa kanila.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
December 24, 2020, 12:18:58 AM
#7
Posible siya sa posible kaso ang tanong lang ay kailan kaya mangyayari. Kumbaga sa 100% na chance, parang 1% o di kaya mas mababa pa doon. Para sa akin kung magkaroon ng malaking crash ay baka $10k siya o di kaya $5k. Kumbaga para sa akin yan na yung sagad.

Most likely talagang hindi bababa ng ganyan ka-baba pag typical price correction ang pinag uusapan. Though wag parin natin irurule-out ang regulatory risk. Isang malalang batas lang sa U.S. concerning Bitcoin at cryptocurrencies, e pwede talagang bumaba sa $3k levels. Alam naman natin kung gaano ka easily affected ang mga crypto investors pagdating sa bad news.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
December 23, 2020, 10:57:17 PM
#6
Posible siya sa posible kaso ang tanong lang ay kailan kaya mangyayari. Kumbaga sa 100% na chance, parang 1% o di kaya mas mababa pa doon. Para sa akin kung magkaroon ng malaking crash ay baka $10k siya o di kaya $5k. Kumbaga para sa akin yan na yung sagad. Sayang kabayan nung March mababa siya kaso karamihan sa atin nun humaharap sa pandemic at bagong adjustment dahil sa lockdown. Ngayon ang daming nagiging pula, halos lahat ng altcoins. Ang sarap sana bumili sa mga altcoins kaso mas priority ko muna ang mga bills at iba pang gastos bago mag-invest. Pag nakaluwag luwag din ako, stock time na ulit.
sr. member
Activity: 1330
Merit: 326
December 23, 2020, 10:11:11 PM
#5
Sa akin lang ay hindi na ito babagsak sa ganyang presyo sa mga susunod na buwan mag retrace man ito sa tingin ko ay  nasa 20k to 19k level lang. Ang  buwan ng April-july next year ang aking pinakahihintay sana hindi mabigo. Gayunpaman nasa volatile market tayo at lhat ay posible ring mangyari. Need din nating maging ready at magkaroon ng back up plan kung sakali man.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
December 23, 2020, 10:07:17 PM
#4
Ang pagcrash ng presyo ng bitcoin ay always possible. Though as lalo pang tumaas ang presyo, bumababa rin ung likeliness na bumaba sa ganyang levels as tumataas rin ung price support(but again, still not impossible).

Pro-tip: Dollar(peso)-cost average. https://dcabtc.com/
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
December 23, 2020, 05:41:47 PM
#3
Babagsak pa kaya ang BTC sa $2,000 or atleast mga 3k-4k USD,yung mga panahong makakapag invest pa ng malaki laki at makakapaghold pa ng marami? Tingin nyo kaya ma reach pa yung ganung value lalo na ngayon na patuloy yata ang pagtaas ni BTC? kung posible eh kelan kaya?
Bago bago pa lang nakakaluwag Tongue sana makahabol pa

Sa movement ngayon? parang walang chance na bumagsak pa ito sa presyo ng $2k-$4k, ibang iba na ang narrative ng bitcoin, dati store of value, payment system or speculative asset, ngayon ang daming mga mid to large companies na kahit hindi IT or blockchain related eh ginagawang hedge ang kanilang asset sa BTC. Tulad na lang ng MicroStrategy na bili ng bili tapos yung mayayamang investors din kaya nga may news na nauubusan talaga ng newly minted bitcoin kasi nga scoop talaga at maramihan ang bilihan.

At wala pa tayo sa bubble, kung ikukumpara natin ang chart eh parang 2016 pa lang to at hindi ung eventual bull run na nangyari nung 2017. Kaya pag pasok ng 2021 eh sa tingin ko aangat pa talaga ang presyo ng bitcoin at malabong bumaba sa 4 figures. Kaya ipon ipon na lang kahit pakunti kunti sa ating singature campaign at mga panalo sa sugal, hehehe.
Pages:
Jump to: