Kaya nakakatakot din ang paggamit ng mga credit card transction online dahil nga sa mga possible leakage na ganito. Kahit anong ingat natin sa paggamit ng CC online kung ang site naman na napasukan natin for payment ay compromised posibleng ganito nga ang mangyayari.
Sa pagkakaalam ko may possibility pang marecover iyang fund since nareport mo ng maaga at naagapan naman agad.
Nagbabalak pa naman sana akong magbukas ng account dyan sa metrobank, pero dahil sa balitang yan ay ayaw ko na ituloy. Hindi mo naba nabawi pa yung 30k na nawala sa CC mo dude?
Malaking halaga din yan, nakakapanglambot din yan, Ang nakakapagtaka lang ay bakit nahayaan lang nilang makapag-authorized na makapagtransact yung hacker na gumawa nyan sayo?
Napakapanget talaga ng sistema ng mga banko sa totoo lang, hindi talaga totoo yung slogan ng ibang mga banko na safe ang fund ng kanilang mga clients o customer na magpapasok ng pera sa kanilang banko. Hay naku, kung minsan wala din naman tayong magawa at choice. Sana naman ayusin nila yung ganyang mga senaryo sa totoo lang.
Pwede namang debit card lang ang gawin mong account na needed maintaining balance lang ay Php2k. Kung daanan lang naman ng fund mula sa conversion ng crypto to cash ang pagagamitan mo ayus na iyong ganung klaseng bank account.
Puro debit card nga lang yung gamit ko, debit/Visa card ng gcash at maya ang gamit ko sa ngayon, kahit yung Seabank debit card meron din ako, pero yung sa Gotyme wala pa, baka sa Lazada kumuha din ako dahil parang may nakita narin akong offered nila na debit card kung hindi ako nagkakamali.
Pero subukan ko sa ibang banko like sa Bpi at Security bank o Rcbc, yan yung mga options ko, this month try ko na bumisita sa kanilang mga branches na malapit dito sa lugar namin