Pages:
Author

Topic: BABALA: Twitter Hacked Incident! Don`t Click (Read 335 times)

sr. member
Activity: 1764
Merit: 260
Binance #SWGT and CERTIK Audited
August 06, 2020, 01:30:04 AM
#31
Update dun sa hearing ng kaso laban sa 17-year-old na hinihinlang nang hack:

Napilitang isuspend ng judge yung hearing patungkol dun sa pagbawas ng bail sa akusado.
Dahil raw yun sa rap musics at porn na paulit-ulit na nag pa-pop sa hearing.
The hearing was held via Zoom.

Tinuloy naman ulit, pero ginawa ulit ng yung interruptions (rap music at porno) ng mga users na nagkunwaring CNN at BBC.
Kaya sa huli, hindi na sinang-ayunan ng judge ang pababawas ng bail, at dinismiss na ang hearing.

Quote
After the judge suspended the hearing, and eventually resumed it, hackers went at it again -- with interruptions that disguised their user names as organizations such as CNN and BBC.
In the end, judge Nash ruled against reducing the youth's bail.

Source:
https://news.abs-cbn.com/classified-odd/08/06/20/porn-video-interrupts-us-court-hearing-for-accused-twitter-hacker
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
Pero umabot ito ng dalawang uras bago ma actionan, kung nagawan nila ng action agad di dadami ang mga biktima, kase surely may mag rereport talaga yun.
Kaya nga medyo naging mabagal pag responde nila. Siguro nga kung wala pa yung mga media na nakapansin baka mas tumagal pa kasi bad exposure sa kanila yun.

Compromised account ng sa isang twitter employee na may access sa admin panel ng twitter na may access sa mga verified accounts. Kung inside job man yun, possible, pero wala akong nakikitang dahilan para gawin yun kung ir'risk niya trabaho niya sa ganyang kalaking halaga which is kaya ng isang twitter employee na ma earned yun just for several months.
Tama. Na exploit lang talaga yung staff na yun at nagamit ng mga hackers para magka-access doon sa DB nila para sa mga malalaking accounts. May separate staff pala sila sa pagmanage at monitor sa mga malalaki at verified na accounts.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Madali lang sana itrace kung sino tong hacker na ito once na magcash out kaso mukhang pinapadaan nila sa mga mixer ang transactions.  Hindi ko rin maintindihan bakit dami pa ring naloloko sa ganitong modus.  Tagal na itong strategy na ito, ang pagiging ganid talaga kapag pumasok sa utak ng tao nawawala ang tamang pag-iisip at pagtimbang-timbang ng mga bagay-bagay.  Daming beses na akong nakakita ng ganitong scam scheme, mabuti na lang at medyo marami tayong natutunan dito sa forum na ito tungkol sa mga pangloloko ng mga scammer kaya naiiwasan natin ito.
Ang dali nilang nahulog sa patibong ng mga scammer at hacker na yan. Siguro madami din sa kanilang naniwala agad na akala nila totoo kasi nga mga legit na twitter accounts yung nag-tweet eh. Tayo alam natin na kahit legit na twitter accounts di tayo magpapaniwala sa mga ganyang style kasi nga wala namang mabilis na kitaan maliban nalang kung trader ka talaga. Posible rin siguro na merong mga tao na nabiktima na walang alam sa crypto at napilitan lang makipagsapalaran kasi mga kilalang personalidad yung nagtweet.

Para sa akin ha, opinyon lang naman. Ang mas apektado dito ay ang Twitter kasi security nila ang nacompromise dito. Biruin mo nga naman mga verified accounts and naapektuhan dito at mga accounts pa ng kilalang mga personalidad. May mga nagsasabi nga na baka inside job ito. Kaya para sa akin hindi malayo na mahuhuli nila agad ang salarin ng scamming na ito. Mayaman nga sila pero hindi naman siguro habambuhay sila makakatago. Tignan natin mangyayari sa mga susunod na araw.

Twitter naman talaga ang pinag uusapan dito at hindi ang bitcoin or crypto. Laking breach ang nangyari ang mga sikat na personalidad ang apektado, lalo na sa crypto space. Ayon sa kanila, may isa silang empleyado na compromise kaya ito ang naging daan para maka pasok ang hacker ang magawang makapag tweet gamit ang verified account. Pumasok na sa eksena ang FBI dito, kaya malamang puspusang manhunt ang gagawin sa hacker, baka hindi pera ang habol lang, baka mga data rin. At alam naman natin na bawat galaw ng addresses ay masusundan. Ang masakit lang talaga at hindi mo rin naman masisisi ang mga biktima dahil galing mismo sa mga verified account ang tweet.
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
Umaksyon naman na sila agad at tingin ko kahit may ganitong nangyari, hindi basta basta mawawala ang mga users nila.
Pero umabot ito ng dalawang uras bago ma actionan, kung nagawan nila ng action agad di dadami ang mga biktima, kase surely may mag rereport talaga yun.

May mga nagsasabi nga na baka inside job ito.
Compromised account ng sa isang twitter employee na may access sa admin panel ng twitter na may access sa mga verified accounts. Kung inside job man yun, possible, pero wala akong nakikitang dahilan para gawin yun kung ir'risk niya trabaho niya sa ganyang kalaking halaga which is kaya ng isang twitter employee na ma earned yun just for several months.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
I just searched for it and it is all over the news and on the internet. Pati twitter accounts ng mga kilalang tao ay apektado. Base sa nabasa ko, millions daw ang nakulembat ng mga hacker na ito. Para sa akin magkakaroon siguro ng repercussions ang bitcoin dahil dito kaya handa handa tayo sa kung anumang mangyayari.

Sa aking nakita na mga nanakaw na Bitcoin hindi pa ata aabot ng milyon ng dolyared ang nakulimbat ng mga hackers, yung nanakaw nila is around 120,000$ lang as stated by businessinsider which yung ganitong value ay hindi naman makaka-apekto sa presyo ng Bitcoin kung ibenta ito sa merkado. Pero kung ang pinag-uusapan mo is tungkol sa presyo ng Bitcoin na ma-aapektuhan dahil sa mga magiging legal actions nito ay medyo speculative pa kasi hindi naman natin masasabi na ang isisisi na naman ng gobyerno is yung Bitcoin dahil sa nangyari na ito dahil matagal na nilang alam na ang mga kriminal ang gumagawa ng krimen na ito at hindi yung Bitcoin.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino

Para sa akin ha, opinyon lang naman. Ang mas apektado dito ay ang Twitter kasi security nila ang nacompromise dito. Biruin mo nga naman mga verified accounts and naapektuhan dito at mga accounts pa ng kilalang mga personalidad. May mga nagsasabi nga na baka inside job ito. Kaya para sa akin hindi malayo na mahuhuli nila agad ang salarin ng scamming na ito. Mayaman nga sila pero hindi naman siguro habambuhay sila makakatago. Tignan natin mangyayari sa mga susunod na araw.
Umaksyon naman na sila agad at tingin ko kahit may ganitong nangyari, hindi basta basta mawawala ang mga users nila. Antayin nalang natin yung moment na yun na ibubulgar nila kung sino ba nasa likod ng hacking na yan. At sigurado hindi lang twitter ang magbibigay ng punishment sa kanila.
Pati na rin yung mga taong naabala nila, ginulo at ginamit sa pangii-scam nila.
hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Madali lang sana itrace kung sino tong hacker na ito once na magcash out kaso mukhang pinapadaan nila sa mga mixer ang transactions.  Hindi ko rin maintindihan bakit dami pa ring naloloko sa ganitong modus.  Tagal na itong strategy na ito, ang pagiging ganid talaga kapag pumasok sa utak ng tao nawawala ang tamang pag-iisip at pagtimbang-timbang ng mga bagay-bagay.  Daming beses na akong nakakita ng ganitong scam scheme, mabuti na lang at medyo marami tayong natutunan dito sa forum na ito tungkol sa mga pangloloko ng mga scammer kaya naiiwasan natin ito.
Ang dali nilang nahulog sa patibong ng mga scammer at hacker na yan. Siguro madami din sa kanilang naniwala agad na akala nila totoo kasi nga mga legit na twitter accounts yung nag-tweet eh. Tayo alam natin na kahit legit na twitter accounts di tayo magpapaniwala sa mga ganyang style kasi nga wala namang mabilis na kitaan maliban nalang kung trader ka talaga. Posible rin siguro na merong mga tao na nabiktima na walang alam sa crypto at napilitan lang makipagsapalaran kasi mga kilalang personalidad yung nagtweet.

Para sa akin ha, opinyon lang naman. Ang mas apektado dito ay ang Twitter kasi security nila ang nacompromise dito. Biruin mo nga naman mga verified accounts and naapektuhan dito at mga accounts pa ng kilalang mga personalidad. May mga nagsasabi nga na baka inside job ito. Kaya para sa akin hindi malayo na mahuhuli nila agad ang salarin ng scamming na ito. Mayaman nga sila pero hindi naman siguro habambuhay sila makakatago. Tignan natin mangyayari sa mga susunod na araw.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
Madali lang sana itrace kung sino tong hacker na ito once na magcash out kaso mukhang pinapadaan nila sa mga mixer ang transactions.  Hindi ko rin maintindihan bakit dami pa ring naloloko sa ganitong modus.  Tagal na itong strategy na ito, ang pagiging ganid talaga kapag pumasok sa utak ng tao nawawala ang tamang pag-iisip at pagtimbang-timbang ng mga bagay-bagay.  Daming beses na akong nakakita ng ganitong scam scheme, mabuti na lang at medyo marami tayong natutunan dito sa forum na ito tungkol sa mga pangloloko ng mga scammer kaya naiiwasan natin ito.
Ang dali nilang nahulog sa patibong ng mga scammer at hacker na yan. Siguro madami din sa kanilang naniwala agad na akala nila totoo kasi nga mga legit na twitter accounts yung nag-tweet eh. Tayo alam natin na kahit legit na twitter accounts di tayo magpapaniwala sa mga ganyang style kasi nga wala namang mabilis na kitaan maliban nalang kung trader ka talaga. Posible rin siguro na merong mga tao na nabiktima na walang alam sa crypto at napilitan lang makipagsapalaran kasi mga kilalang personalidad yung nagtweet.
legendary
Activity: 3010
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Madali lang sana itrace kung sino tong hacker na ito once na magcash out kaso mukhang pinapadaan nila sa mga mixer ang transactions.  Hindi ko rin maintindihan bakit dami pa ring naloloko sa ganitong modus.  Tagal na itong strategy na ito, ang pagiging ganid talaga kapag pumasok sa utak ng tao nawawala ang tamang pag-iisip at pagtimbang-timbang ng mga bagay-bagay.  Daming beses na akong nakakita ng ganitong scam scheme, mabuti na lang at medyo marami tayong natutunan dito sa forum na ito tungkol sa mga pangloloko ng mga scammer kaya naiiwasan natin ito.
hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
I just searched for it and it is all over the news and on the internet. Pati twitter accounts ng mga kilalang tao ay apektado. Base sa nabasa ko, millions daw ang nakulembat ng mga hacker na ito. Para sa akin magkakaroon siguro ng repercussions ang bitcoin dahil dito kaya handa handa tayo sa kung anumang mangyayari. Wag lang kayo mabigla kung magkakaroon ng bear period after this. Pero sa tingin ko sa dami na ng nangyari noon na scams at hacks eh andito parin ang Bitcoin at mga Alts kaya kampante parin ako na malalagpasan natin ito.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 277
Nahila na naman ang pangalan ng bitcoin sa kalokohan ng mga hacker na ito.

Ang mali nga lang medyo kahina-hinala agad sa paulit-ulit at pare-parehas na tweet ng mga kilalang tao.
Swerte mo kung follower ka ng lahat ng pangalan ng sikat na tao na nagamit ang account.
Sa gantong paraan medyo madali ka ng maghihinala.
Kawawa lang yung kung isa lang na-follow mo sa kanila. May pag-asang mapaniwala ka.
Ngunit may isa pang butas ulit.
Hindi ako mageffort na magpapalit pa ng bitcoin para mag-donate.
Kaya hindi ganon kaeffective ito.

May balita na ba magkano nakamkam nila ayon sa bitcoin address?

Mahirap matukoy ang ganyang bagay kabayan, anonymous ang mga may hawak ng address na yan. Kung malalaman man natin, sigurado ako na nasa safe wallet na ang mga ito at ang iba baka converted na ng physical money. Talagang obvious na maghihinala tayo sa kanila dahil makikita talaga ang tweet nila sa buong mundo kasi naka public ang replies. Magsisimula na ang mga tanong sa isipan ng bawat tao, at posibleng mag trending ang mga impormasyon na gusto malaman.
legendary
Activity: 2520
Merit: 1113
Nahila na naman ang pangalan ng bitcoin sa kalokohan ng mga hacker na ito.

Ang mali nga lang medyo kahina-hinala agad sa paulit-ulit at pare-parehas na tweet ng mga kilalang tao.
Swerte mo kung follower ka ng lahat ng pangalan ng sikat na tao na nagamit ang account.
Sa gantong paraan medyo madali ka ng maghihinala.
Kawawa lang yung kung isa lang na-follow mo sa kanila. May pag-asang mapaniwala ka.
Ngunit may isa pang butas ulit.
Hindi ako mageffort na magpapalit pa ng bitcoin para mag-donate.
Kaya hindi ganon kaeffective ito.
oo nakakapang hinala para satin kasi naktia na natin ang buong pangyayari pero sa ibang tao lalo na sa mga bago pa lang sa bitcoin malamang akala nila totoo ito dahil nanggaling sa mga sikat na tao at mayayaman pa.

May balita na ba magkano nakamkam nila ayon sa bitcoin address?
sa ngayon 12.869btc ang nakakalam nila. latest transaction ay kahapon pa. pwede mo i check from time to time(kung interesado ka) ang link na to https://www.blockchain.com/btc/address/bc1qxy2kgdygjrsqtzq2n0yrf2493p83kkfjhx0wlh . pinapakita nyan ang mga transactions na nangyayari sa address nung hacker.

member
Activity: 1120
Merit: 68
Sa panahon ngayong pandemic, marami talagang nang-hahack ngayon sa mga social media accounts at mga bank accounts dahil mas maraming tao ngayon ang nakababad sa kanilang mga smartphone at laptop. Kaya mas madali para sa mga hackers gumamit at magpakalat ng mga phishing links upang mas madali nilang maipasok ang mga ito. Kaya dapat iniiwasan natin ang magclick ng kahit anong mga link sa internet, lalo na ang mga sikat na kumpanya at tao dahil sila ang madalas na target sa mga hacking.
legendary
Activity: 3318
Merit: 1133
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Nahila na naman ang pangalan ng bitcoin sa kalokohan ng mga hacker na ito.

Ang mali nga lang medyo kahina-hinala agad sa paulit-ulit at pare-parehas na tweet ng mga kilalang tao.
Swerte mo kung follower ka ng lahat ng pangalan ng sikat na tao na nagamit ang account.
Sa gantong paraan medyo madali ka ng maghihinala.
Kawawa lang yung kung isa lang na-follow mo sa kanila. May pag-asang mapaniwala ka.
Ngunit may isa pang butas ulit.
Hindi ako mageffort na magpapalit pa ng bitcoin para mag-donate.
Kaya hindi ganon kaeffective ito.

May balita na ba magkano nakamkam nila ayon sa bitcoin address?
sr. member
Activity: 1932
Merit: 370
Flagged na ren yung link ng Cryptoforhealth so wala na talagang mahuhulog sa scam na ito. Sa sobrang laki ng insidente na to, magiging part to ng history hindi lang ng bitcoin pero ng buong crypto community, imagine puro verified accounts ang na hack at sobrang dami nila para sa iisang araw, kaya naniniwala din ako na coordinated attacks at hindi ito gawa lang ng isang tao. Wala pa ring nilalabas na result ng investigation, mukang mahihirapan sila dito or distracted sila masyado to resolve this, idk. Totoo bang may mga nafall sa ganto? magkano na lahat ng nakuha ng mga scammer kung meron man?
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Eto guys, tuloy parin yung mga panghahack sa mga influential na tao naman ngayon katulad naman nina Barack Obama, Bill Gates, Floyd Mayweather, at Eleon Musk

Hindi na yata tuloy yung hack bro kasi this tweets happened last two days ago as stated by the article I have seen. Sa ngayon investigation pa din ang ginagawa ng Twitter support pero wala pa sila nabibigay na update kung ano yung pinaka root ng problema. And yung temporary solution nila is to block some verified accounts on posting para na din malessen yung chance sa pag post ng ganitong klaseng attack ulit. And as far as Jack Dorsey's Twitter page mukhang limitado lang ang kanyang statement na binibigay tungkol sa recent hack sa kanyang social media website and wala pa syang binibigay na statement sa Bitcoin in particular which we all know na malaking supporter sya rito so baka magkaroon sya ng statement na related dito kung may nag-tanong sakanya in particular.
sr. member
Activity: 1764
Merit: 260
Binance #SWGT and CERTIK Audited
Eto guys, tuloy parin yung mga panghahack sa mga influential na tao naman ngayon katulad naman nina Barack Obama, Bill Gates, Floyd Mayweather, at Eleon Musk

https://twitter.com/PMBreakingNews/status/1283509287772397569

Sensya guys di ko maliitan picture, now lang ako nag try mag lagay ng picture eh haha. Pano ba paliitin yan?
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Degen in the Space
Related to sa na-hack na twitter accounts ng mga known personality katulad nila elon musk right? Kasi kung oo, hindi ata cause ang phishing sites dyan kundi sa tinarget talaga mismo ng mga hackers yung mga taong taga twitter company. Katulad nalang sa recent twitter hack na nangyari sa PLDT, may connection or may access yun sa server ng PLDT mismo at nalaman yung data sa account ng twitter.
Itong pangyayaring ito ay isa na namang kasiraan sa larangan ng cryptocurrency. Hindi basta bastang mga pangalan ng exchanges at tao ang hinack nila para makapanlinlang. They've also used this pandemic situation to give out some fake giveaways.

Lahat talaga ay gagawin ng mga hacker para makapanloko at magkapera. Anyway, twitter did some actions already  about this issue. From what I saw madami ang nag retweet sa mga fake giveaways and I do hope na hindi sila nagpaloko sa mga ganitong fake double schemes.

Hindi rin, more on dagdag popularity siguro,hehe..
Alam natin na maraming scam sa crypto, so yung mga taong matured, alam na nila na risky talaga, kaya, maaring advertisement lang ito, at tingin ko maganda ang maging effect nito sa crypto dahil nagpaparamdam na sila, tiyak nasa mainstream news na yang hack at magbibigay ng idea yan sa mga tao kung ano talaga ang crypto.
Parang bad publicity is still a publicity? Pero yun nga ang case don, some people thought na hindi safe ang paggamit ng cryptocurrency dahil maraming scam ang nagaganap and what more pa kung malaman nila yung known twitter accounts sa cryptocurrency at ilan sa mga kilalang tao ay na-hack. Ito ay magiging bad impression sa mga tao at mas tatangkilikin nalang ang traditional way at mag-invest sa mga ponzi kaysa magtiwala sa cryptocurrency.
hero member
Activity: 2940
Merit: 613
Winding down.
Itong pangyayaring ito ay isa na namang kasiraan sa larangan ng cryptocurrency. Hindi basta bastang mga pangalan ng exchanges at tao ang hinack nila para makapanlinlang. They've also used this pandemic situation to give out some fake giveaways.

Lahat talaga ay gagawin ng mga hacker para makapanloko at magkapera. Anyway, twitter did some actions already  about this issue. From what I saw madami ang nag retweet sa mga fake giveaways and I do hope na hindi sila nagpaloko sa mga ganitong fake double schemes.

Hindi rin, more on dagdag popularity siguro,hehe..
Alam natin na maraming scam sa crypto, so yung mga taong matured, alam na nila na risky talaga, kaya, maaring advertisement lang ito, at tingin ko maganda ang maging effect nito sa crypto dahil nagpaparamdam na sila, tiyak nasa mainstream news na yang hack at magbibigay ng idea yan sa mga tao kung ano talaga ang crypto.
sr. member
Activity: 1330
Merit: 326

Jump to: