Pages:
Author

Topic: bakit ang baba ng price ng btc ngayon? - page 7. (Read 794 times)

full member
Activity: 378
Merit: 102
January 14, 2018, 10:18:17 AM
#8
Dahil lang talaga yan sa fake news na iba-ban daw ng korean ung mga exchange nila. Kasabay nito ang announcement ng china na ipinagbabawal na rin ang mining sa kanila. Maraming nagpadala sa FUD--nagbenta ng palugi. Ung iba naman, nag invest sa mga alts, particularly ung mga low market cap coins.
member
Activity: 99
Merit: 10
January 14, 2018, 09:33:12 AM
#7
Ganyan naman talaga yan ah ? Wala kang dapat na ipagproblema dyan dahil natural lang sa isang cryptocurrency coins na bumagsak ang presyo. Tingnan mo ilang araw lang mula ngayon makikita mo ulit na umaangat ang presyo ng bitcoins. Lalo na kung may mga bagong development na paparating sigurado na papalo ang presyo ng Bitcoins at baka nga umabot pa ito ng 2 Million, Pasensya lang tayo guys.
full member
Activity: 257
Merit: 100
January 14, 2018, 08:33:38 AM
#6
Bumaba ito dahil binibenta nila ang kanilang hinohold na bitcoin dahil sa pagbaba nito nagpapanic selling sila kaya bumababa ito lalo. pagnareach na ang price correction ng bitcoin, bibili uli sila at aangat na uli ang price nito.
sr. member
Activity: 518
Merit: 278
January 14, 2018, 07:16:04 AM
#5
Ang main reason sa pagbaba po ng presyo ng Bitcoin at iba pang cryptocurrencies ay dahil sa nangyaring speculations na ibaban ng South Korean government ang cryptocurrency sa kanilang bansa. Nangyari po yan ng premature na i-announce ito ng Minister of Justice ng South Korea na si Park Sang-ki ilang araw bago sumapit po ang kapaskuhan. Kung titignan mo po yung presyo niya, base sa Bitcoin Average, mula sa Dec 17 ay nasa $19,484 pa po siya, pero biglaan itong bumagsak pababa hanggang sa $12,742 noong Dec 22. 'Yan po yung mga panahon kung saan patuloy pa din po yung nangyayaring crackdown at debate kung tuluyan ngang ibaban ang cryptocurrency, particularly exchanges, sa SoKor.

Maliban pa po sa dahilan na yan, marami din kasing mga kilalang investors ang naglabas ng kanilang mga negative sentiments laban sa Bitcoin, at isa na nga po diyan si Warren Buffett. Alam mo po kasi kapag yang mga yan ang mga naglabas ng kanilang opinyon, positibo man ito o negatibo, marami ang naniniwala sa kanila at yan yung isang rason kung bakit nagpapanic sell yung ibang tao. Ang nangyayari kalaunan kapag nagpanic selling sila, nagkakaroon ng mataas na supply pero sa kabaligtaran ay bumabagsak naman yung presyo. Tignan mo nalang po yung halimbawa ng nangyari noon ng tinawag ni Jamie Dimon na "bubble" ang Bitcoin. Nagkaroon ng slight change sa presyo ng Bitcoin at bumaba ito ng ilang porsyente.

Sa kasalukuyan, kung ako ang tatanungin, maganda siguro kung ililipat mo muna po ang bitcoins mo sa altcoins o ibili mo nalang muna nito. Hindi ko sinasabi na tentative na magtutuloy-tuloy ang magiging pagbagsak ng Bitcoin, hindi po. Pero kasi kapag wala pa tayong makikita talagang pagbabago sa presyo nito, sabihin natin, halimbawa, hindi pa siya umangat sa $15,000 sa loob ng ilang araw, posibleng mangyari nga na tuluyan siyang bumagsak. Ang expectation kung mangyayari yan ay pwede siyang bumulusok pababa hanggang sa $10,000. Siyempre, kung bumili ka ng BTC sa price na $15,000-$19,000 ay malaking lugi yun. Kaya might as well convert nalang sa USDT, USD, PHP, o kaya ibili nalang ng ibang altcoins. At least kapag yung huli ang pinili, makakatubo ka pa kung sakali nga na tuluyang bumagsak ang BTC kung walang mangyayaring consolidation sa presyo niya.
sr. member
Activity: 327
Merit: 250
January 14, 2018, 06:49:01 AM
#4
bakit ang baba ng price ng btc ngayon?

Bumaba ang price ng bitcoin dahil sa mabilis na pagtaas ng value nito last year 2017. Bago kasi matapos ang taon tumaas ng kalahati ang value ng bitcoin.  Umabot ito ng 800K,  expected ng nakararami hanggang 500K lang ito pero nagulat silang lahat ng bigla itong humarurot pataas. Sa ngayon ang bitcoin ay huminto ang pagtaas sa kadahilanang napaagang pagtaas ng value nito.  Kaya ngayon marami ang umiinda at nagrereklamo,  hindi na daw tumataas ang bitcoin steady o pababa na ang nangyayari ngayon.
member
Activity: 504
Merit: 10
January 14, 2018, 06:35:44 AM
#3
bumababa ito dahil nabawasan ang mga investor ng bitcoin sa pilipinas dahil sa napapanood nila sa t.v na ang bitcoin ay scam kaya natakot rin sila na baka mawala ang kanilang mga pera.
hero member
Activity: 938
Merit: 500
CryptoTalk.Org - Get Paid for every Post!
January 14, 2018, 05:32:01 AM
#2
bakit ang baba ng price ng btc ngayon?

Bumaba ito dahil noong nakaraang taon bago magtapos ang disyembre nagtaas ang bitcoin ng halos sa kalahati.  Naabutan ko kasi bago magtapos ang nobyembre 400k mahigit pa yun pero bago matapos ang taong 2017 umarangkada ito hanggang sa 800k mahigit.  Marami sa iilan ang nagulat dahil sa mabilisang pagtaas ng value ng bitcoin,  masyado napaaga ang pagtaas nito kaya ngayong taon ito ay huminto.  Pero don't worry babalik din sa normal ang bitcoin tataas din ito soon Smiley wag lang tayo ma excite.
jr. member
Activity: 336
Merit: 3
January 14, 2018, 03:45:52 AM
#1
bakit ang baba ng price ng btc ngayon?
Pages:
Jump to: