Nakakita ako ng mga stratehiya na ginagawa ng mga Whales para manipulahin ang presyo ni bitcoin na kadalasan nilang ginagamit sa market, maari din itong magpaliwanag sa biglaang pagtaas at pagbaba ng presyo ng bitcoin
Whales= Malalaking investors
1. Pump and Dump
-Eto ang pinaka common na stratehiya ng mga Whales ang Pump and Dump,syempre kailangan mo ng malaking pera para maisagawa ito, simple lang ang kanilang ginagawa una ay bibili ang mga Whales ng malaking halaga ng coin dahil dito magkakaroon ng biglaang pagtaas sa presyo nito at dahil din dito tataas ang demand at maraming maeenganyo na maginvest dito dahil tumaas na ang presyo at nakikita nila ang "Potensyal" nito at dahil sa pagtaas at pagdami na ng mga investors ay lumaki at nagkaroon na ng malaking tubo sa kanilang pera ang mga Whales at isa isa na nilang ibebenta ang kanilang mga coins na magdudulot naman ng biglaang malaking pagbagsak sa presyo nito.
Ito ang isang halimbawa ng Pump and Dump
2. Sell Wall
-Ang Sell Wall naman ay nangangailangan din ng malaking pera at kaalaman sa market na iyong pinasukan, simple lang din ito ang una ay maghahanap ang mga Whales ng coin kadalasan Altcoin na may malaking potensyal sa mga susunod na buwan o taon at madaling manipulahin . Sa cryptocurrency market Maaari silang makakuha ng maximum na tubo kung bumili sila sa mababang presyo.Upang gawin ito kailangan nilang pigilan sa pagtaas ang coin. Paano nila ginagawa ito? magbebenta sila ng madaming bilang ng coin sa mababang presyo o sa presyong gusto nila. Dahil dito baba ang presyo ng coin na ito, na kung saan ito rin ang pangunahing layunin ng Whales - upang takutin ang mga investors at mapilitang magbenta ng mas mababa kaysa sa presyo na itinakda ng Sell Wall. Kadalasan, ang mga Wall ay nilalagay upang mapataas ang presyo ng mga coin, pagkatapos nito na maaari ng gamitin ng Whales ang stratehiyang Pump and Dump.
Ito naman ang isang halimbawa ng Sell Wall
skl