Pages:
Author

Topic: bakit dapat mong maintindihan at wag matakot sa dip (Read 302 times)

full member
Activity: 2086
Merit: 193
There’s a lot of FUD during dump market and hinde talaga maiiwasan yung mga fear na ito since may kaakibat naman talaga na risk for every investment. Well, lucky to those who are able to buy during the bear market kase sila ngayon ang kumikita ng malaki since pataas na yung market. For you not to be afraid about bear market you need to equip yourself with the right mindset, and the right knowledge para alam mo kung ano ang dapat mong gawin.
full member
Activity: 896
Merit: 117
PredX - AI-Powered Prediction Market
Noong nagsisimula pa lang ako ganito rin yung mindset ko eh kasi wala pa akong alam. Ilang beses din akong na scam. Kaya nga hindi maiwasan sa mga bago or wala masyadong alam tungkol sa crypto na mag-isip ng negative kapag bumaba ang price. Wala naman kasi silang idea sa history o kung may experience man na mag invest, shitcoins naman ang napili kaya hindi maganda yung tingin nila tungkol sa crypto as a whole.

Eto ang dahilan kung bakit importanteng bago ka pumasok sa pag-iinvest, dapat meron kang kaalaman. Para mas maintindihang mabuti kung pano ba ito mag work at ano ang dapat gawin or bilhin na coins para makaiwas ma scam.

Ako wala pa sa Bitcoin sawa na ako sa pagiging biktima ng mga scam opportunity hehehe, lintek na MLM scheme sobrang dami nun pag-maalala ko pa. But since na nandito na ako ng ilang taon sa cryptocurrency ay kahit papaano naman ay nakakatulong na ito sa akin.

Magandang opportunity talaga yung may alam ka sa crypto space o sa Bitcoin, dahil mataas ang chances na makakuha tayo ng profit dito for sure. So, kailangan lang talaga marunong lang tayo gumamit ng tamang timing sa pagbili o pagbenta sa ganitong mga pagkakataon.
newbie
Activity: 23
Merit: 0
Marami satin mga pinoy na bago lang sa crypto ang kpag nakita na bumagsak or pababa ang coin, for example bitcoin negative ang palagi nating response dito for example ganeto ang maririnig mo:
  • Scam
  • Tama ako buti hindi ako ng invest
  • Hindi ninyo ako maloloko, anu ka ngayon sinayang mo ang pera mo
  • Naniwala kasi kayo ayan tuloy talo ka

Obvious naman na yung mga nagsasabi nyan, sila yung may kakarampot na ideya kung ano nga ba ang bitcoin at ano yung mga kaya nitong ioffer. Nakakatuwa lang rin diba na sa dami ng ganyang sabi sabi, bitcoin always prove them wrong. Siguro marami pa hanggng ngayon yung naghihintay na malugi yung mga naginvest sa btc pero mapapagod lang sila kahihintay at kajajudge dahil hindi naman sila yung mismong naginvest. Sayang oras nila na makinig sa fake news kaysa inaral inaral nalang sana nila ang crypto.
May punto, Karaniwan sa ibang Pinoy na wala gaanong alam e hindi sila naniniwala na kesyo scam daw ang bitcoin. Ang mali lang sa mga taong nag iinvest na walang alam sa Bitcoin e yung sa tao nila pinapadaan yung pera nila. E samalantalang do it yourself ito. Sarili mo lang ang kakampi mo sa pag iinvest mo sa bitcoin. Hindi mo kailangan na ibigay sa ibang tao ang pera mo at porket sinabi sayo na bitcoin iinvest e ibibigay mo na yung pera mo. Ayun ang isang problemang nakikita ko sa mga taong nag iinvest basta-basta sa BTC.
full member
Activity: 1148
Merit: 158
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Marami satin mga pinoy na bago lang sa crypto ang kpag nakita na bumagsak or pababa ang coin, for example bitcoin negative ang palagi nating response dito for example ganeto ang maririnig mo:
  • Scam
  • Tama ako buti hindi ako ng invest
  • Hindi ninyo ako maloloko, anu ka ngayon sinayang mo ang pera mo
  • Naniwala kasi kayo ayan tuloy talo ka

Obvious naman na yung mga nagsasabi nyan, sila yung may kakarampot na ideya kung ano nga ba ang bitcoin at ano yung mga kaya nitong ioffer. Nakakatuwa lang rin diba na sa dami ng ganyang sabi sabi, bitcoin always prove them wrong. Siguro marami pa hanggng ngayon yung naghihintay na malugi yung mga naginvest sa btc pero mapapagod lang sila kahihintay at kajajudge dahil hindi naman sila yung mismong naginvest. Sayang oras nila na makinig sa fake news kaysa inaral inaral nalang sana nila ang crypto.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
Malaking tulong kung alam ng bawat kababayan natin ang tamang oras para bumili at magbenta ng cryptocurrency. Kung hindi, ang diskarte na gusto mong gawin ay hindi papansinin. Baka mamaya magbenta ka, tapos tataas pa ang market price.

Pero kung mabibili mo ito sa pinakamababang presyo at pangmatagalan, masasabi kong panalo kapag nangyari iyon dahil siguradong malaki ang babalik nito kapag biglang tumaas in the future, at ang savings na babalik sayo dito malaki din. tama ba?
To be honest mahirap talaga makuha yung pinaka mababang presyo at ma predict if tataas pa ang market price ng token. May charts tayong sinusunod as a guide pero alam ko na alam din ng mga traders na hindi lahat ng potentials is nag mamaterialize, it's just a guide pero it's better padin na may guide kesa wala. Just make sure to do risk management, hindi sobrang basic yung crypto market, kahit maraming yumayaman dito ay maraming ring nalulugi. Wag maging kampante kasi yun yung isa sa mga naging mali ko last bull market.
full member
Activity: 2170
Merit: 182
“FRX: Ferocious Alpha”
Snip
parang mabibilang lang yata ang may first impression na good things about Bitcoin dahil halos lahat ng nakilala at nakausap ko ay may same impressions here na "SCAM" ang bitcoin.. pero yong dalawang quotes parang di  kopa naman narinig dahil hindi naman ako nag lure or nag encourage ng tao para mag invest dito , instead pinapakita ko sa kanila ang success ko kaya never nila magagamit sakin yang dalawang yan.

Makakakita ka lang ng good impression kung nakakuha sila ng maganda/malinaw na explanation. Kadalasan nasa isip ng ibang tao na scam ang bitcoin dahil kulang sila sa impormasyon lalo na kung bigla nalang mag dip ang Bitcoin. Nasa isip nila na tuloy tuloy na babagsak, pinakauna nilang naiisip ay "mabuti nalang hindi ako nag invest".

Yung huling dalawang scenario, siguro makakarinig ka lang niyan kung ang taong nakausap mo o hinikayat mo sa Bitcoin ay ma-pride at yung feeling Mr. know it all. Gaya ng naexperience ko noon na akala niya pyramyding ang Bitcoin dahil inaaya ko ang kakilala ko ng investment sa Bitcoin, pero mas bumagsak pa ang market nung time na yun. Ganyan ang sinabi niya sa akin na akala niya naghahabol ako sa perang iinvest niya. Kaya simula noon, naging tahimik nalang ako tungkol sa Bitcoin, kung may mag tanong tyaka lang ako nagtuturo.
kaya nga din naniniwala ako na yon ang kailangan nating ma develop dahil hindi man natin obligasyon na magpaliwanag sa kanila pero para sa kanilang kalinawan at sa tulong na din natin sa crypto world lalong lalo na sa bitcoin eh dapat explain natin bakit ganon at bakit ganito , nasa kanila na yon kung makikinig at maniniwala sila satin importante eh nag effort tayo.
lalo na yong  mga taong malapit satin na talaga namang kailangan ng ating tulong at gabay , dahil nakakapanghinayang pag hindi natin sila naencourage at pag dating ng araw na umabot na sa pinapamataas ang biton eh don pa tayo magsisisi bakit di natin ginawa ang bagay na sana pwede pa natin gawin.

Kaya nga noon paman ayaw ko talaga mag open up ng kahit anong diskusyon tungkol sa usaping crypto lalo na kapag hindi talaga interesado yung nakikinig dahil malamang ganyan lang din ang mangyayari at mapagkamalan pa tayong scammer. Mostly hinihintay ko talaga na sila ang unang mag approach sa akin at mag tanong para di kargo ng konsensya ko kung ano man ang mangyari sa investment nila pero nag wawarning din naman ako sa mga possible dangers na maaari nilang makasalamuha at tsaka dapat natotoo talaga sila sa paliwanag o turo natin kung ano ba ang crypto.

Matatakot lang naman talaga ang mga yan kung di natin sila na guide ng maayos pero kung realistic naman ang approach natin at pinag iingat natin sila sa scams lalo na sa unexpected na pagbagsak ng market for sure aware naman sila at matuto din kung ano ang dapat nilang gawin kung nakinig talaga sila satin.
Simulan lang natin sa mga malalapit satin , hayaan muna natin yong mga taong paghihinalaan tayo instead mas magandang mag focus tayo sa kanila kasi one way or another medyo magkakaron tayo ng kumpiyansa kung ang aakayin natin ay mga taong medyo maninilawa na sa atin instead na paghinalaan tayong lolokohin or gugulangan lang sila.
tulad ko na nagsimula akong i encourage ng kamaganak ko pero at least sa sipag nya eh nahatak nya ako at now lbusan akong nagpapasalamat sa kanya , ganon din naman ang gusto kong gawin sa mga taong close ko.
full member
Activity: 938
Merit: 108
OrangeFren.com
Malaking tulong kung alam ng bawat kababayan natin ang tamang oras para bumili at magbenta ng cryptocurrency. Kung hindi, ang diskarte na gusto mong gawin ay hindi papansinin. Baka mamaya magbenta ka, tapos tataas pa ang market price.

Pero kung mabibili mo ito sa pinakamababang presyo at pangmatagalan, masasabi kong panalo kapag nangyari iyon dahil siguradong malaki ang babalik nito kapag biglang tumaas in the future, at ang savings na babalik sayo dito malaki din. tama ba?
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Kaya nga sinasabi na lamang talaga ang may alam.
Agree ako dito pero meron din tayong kasabihan na "little knowledge is dangerous". Dahil nga merong may mga kaalaman pero kakaunti lang at iniisip nila na alam na nila ang lahat. Sa tingin nila, tama ang kanilang ginagawa at nangyayari sa market natin at maging sa bansa natin.
Yung tipong akala mo okay lang pala mag diversify sa iba't-ibang cryptocurrencies to the point na parang sari sari na hinohold mo at wala ka ng finofocusan na holdings. Ganyan nangyayari sa ibang mga holders at akala nila ayos lang yun pero ang masaklap pa, pangit yung mga tokens na pinagpipili nila, na parang mga pump and dump tapos karamihan pa mga meme coins.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
Marami satin mga pinoy na bago lang sa crypto ang kpag nakita na bumagsak or pababa ang coin, for example bitcoin negative ang palagi nating response dito for example ganeto ang maririnig mo:
  • Scam
  • Tama ako buti hindi ako ng invest
  • Hindi ninyo ako maloloko, anu ka ngayon sinayang mo ang pera mo
  • Naniwala kasi kayo ayan tuloy talo ka
Marami pang sinasabi ang iba hingigil dito , subalit sa iba hindi nila ito kinakpanghinaan ng loob
dahil para sa iba ang pagbagsak ng bitcoin ay isang oppurtunity para sa kanila, para makabili ng mura
kung natatandaan ninyo bumagsak ang bitcoin at ibang coins, around 15K usdt about million peso ang value, subalit ngayon umakyat ito sa 30k+
kung sakali na naginvest ka kumita ka, probably mas malaki pa sa sahod mo for 1 year ang iyong kinita, if sa pinas ka, anu ang ibig sabhn ko sa sinasabi ko, huwag kang mawalan ng pagasa, kung ikaw ay nagsstart palang sa crypto, marami talagang pinagdadaan, bull market, at bear market, subalit, dapat wala sa bukabularyo mo ang pagsuko, gawing oppurtunity ang bear market, at wag basta basta mawalan ng tiwala sa iyong ginagawa, dahil hindi naman lage down darating din ang liwanag.
Anu masasabi sa aking tingin regarding bitcoin and crypto?
Kaya tayo nag-iisip ng kung anu-ano yan ay dahil sa hindi sapat ang ating kaalaman patungkol sa mga bagay-bagay lalo na sa usaping investment lalo na kay Bitcoin. Well, tama naman ang sinabi mo kabayan aince yan naman talaga ang nangyayari sa totoong buhay marami ang in doubt marami ang takot at of course marami din naman ang matapang na tulad nating mga Bitcoiners na inaantay lang ang tamang oras habang sinasabayan ang flow ng market. Kaya nga sinasabi na lamang talaga ang may alam.
member
Activity: 560
Merit: 17
Eloncoin.org - Mars, here we come!
Marami satin mga pinoy na bago lang sa crypto ang kpag nakita na bumagsak or pababa ang coin, for example bitcoin negative ang palagi nating response dito for example ganeto ang maririnig mo:
  • Scam
  • Tama ako buti hindi ako ng invest
  • Hindi ninyo ako maloloko, anu ka ngayon sinayang mo ang pera mo
  • Naniwala kasi kayo ayan tuloy talo ka
Marami pang sinasabi ang iba hingigil dito , subalit sa iba hindi nila ito kinakpanghinaan ng loob
dahil para sa iba ang pagbagsak ng bitcoin ay isang oppurtunity para sa kanila, para makabili ng mura
kung natatandaan ninyo bumagsak ang bitcoin at ibang coins, around 15K usdt about million peso ang value, subalit ngayon umakyat ito sa 30k+
kung sakali na naginvest ka kumita ka, probably mas malaki pa sa sahod mo for 1 year ang iyong kinita, if sa pinas ka, anu ang ibig sabhn ko sa sinasabi ko, huwag kang mawalan ng pagasa, kung ikaw ay nagsstart palang sa crypto, marami talagang pinagdadaan, bull market, at bear market, subalit, dapat wala sa bukabularyo mo ang pagsuko, gawing oppurtunity ang bear market, at wag basta basta mawalan ng tiwala sa iyong ginagawa, dahil hindi naman lage down darating din ang liwanag.
Anu masasabi sa aking tingin regarding bitcoin and crypto?
Halos mga hindi pa nag cycrypto yung may mga mindset na ganyan and some newbies. I think marami nakong na experience sa crypto market at alam ko na yung mga dapat gawin para hindi malugi like others. Ilang beses ko na na experience na nag down yung market at hindi ako nalugi dahil siguro alam ko na yung gagawin which is bumili pa ng marami given na mataas ang trust level ko sa mga inaaccumulate kong assets ngayon. Hindi ko masisi yung iba na ampangit ng tingin nila sa crypto dahil siguro sa very bad experience nila ng pag kalugi or may kakilala sila na ganun. In short kulang sila sa experience and knowledge kung pano maging profitable just like others na baguhan pa sa negosyo na may mindset na hindi lalaki ang business mo at malulugi ka lang.

Ang ayaw ko lang sa mga ganung tao is sila pa yung gusto yung easy money at panay talpak sa mga ponzi crypto schemes kaya yung bineblame nila is buong crypto.

  May mga iba kasi na wala pang ginagawa or wala pang nilalabas na pera ay lugi na agad ang iniisip, yung ganitong mga mindset ay masasabi kung isang katangahan or kamangmangan, sorry sa word noh, isipin mo nalang, panong ngyari na nalugi sila eh wala pa naman silang nilabas na pera, ang galling din kasi mag-isip ng iba, sa sobrang advance mag-isip, ayun naiwan yung utak nila kaya madalas yung mga katwiran ay wala din sa hulog.

  Pero kung may alam ka sa pinapasukan mo ay siguradong mararanasan mong makabili sa mababang presyo ng isang cryptocurrency tapos ihold mo ito sa plano mong gusto na presyo, ganun lang naman yung kasimple maintindihan diba?
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
Marami satin mga pinoy na bago lang sa crypto ang kpag nakita na bumagsak or pababa ang coin, for example bitcoin negative ang palagi nating response dito for example ganeto ang maririnig mo:
  • Scam
  • Tama ako buti hindi ako ng invest
  • Hindi ninyo ako maloloko, anu ka ngayon sinayang mo ang pera mo
  • Naniwala kasi kayo ayan tuloy talo ka
Marami pang sinasabi ang iba hingigil dito , subalit sa iba hindi nila ito kinakpanghinaan ng loob
dahil para sa iba ang pagbagsak ng bitcoin ay isang oppurtunity para sa kanila, para makabili ng mura
kung natatandaan ninyo bumagsak ang bitcoin at ibang coins, around 15K usdt about million peso ang value, subalit ngayon umakyat ito sa 30k+
kung sakali na naginvest ka kumita ka, probably mas malaki pa sa sahod mo for 1 year ang iyong kinita, if sa pinas ka, anu ang ibig sabhn ko sa sinasabi ko, huwag kang mawalan ng pagasa, kung ikaw ay nagsstart palang sa crypto, marami talagang pinagdadaan, bull market, at bear market, subalit, dapat wala sa bukabularyo mo ang pagsuko, gawing oppurtunity ang bear market, at wag basta basta mawalan ng tiwala sa iyong ginagawa, dahil hindi naman lage down darating din ang liwanag.
Anu masasabi sa aking tingin regarding bitcoin and crypto?
Halos mga hindi pa nag cycrypto yung may mga mindset na ganyan and some newbies. I think marami nakong na experience sa crypto market at alam ko na yung mga dapat gawin para hindi malugi like others. Ilang beses ko na na experience na nag down yung market at hindi ako nalugi dahil siguro alam ko na yung gagawin which is bumili pa ng marami given na mataas ang trust level ko sa mga inaaccumulate kong assets ngayon. Hindi ko masisi yung iba na ampangit ng tingin nila sa crypto dahil siguro sa very bad experience nila ng pag kalugi or may kakilala sila na ganun. In short kulang sila sa experience and knowledge kung pano maging profitable just like others na baguhan pa sa negosyo na may mindset na hindi lalaki ang business mo at malulugi ka lang.

Ang ayaw ko lang sa mga ganung tao is sila pa yung gusto yung easy money at panay talpak sa mga ponzi crypto schemes kaya yung bineblame nila is buong crypto.
sr. member
Activity: 1932
Merit: 370
Noong nagsisimula pa lang ako ganito rin yung mindset ko eh kasi wala pa akong alam. Ilang beses din akong na scam. Kaya nga hindi maiwasan sa mga bago or wala masyadong alam tungkol sa crypto na mag-isip ng negative kapag bumaba ang price. Wala naman kasi silang idea sa history o kung may experience man na mag invest, shitcoins naman ang napili kaya hindi maganda yung tingin nila tungkol sa crypto as a whole.
Yeah, agree ako dito, "duda" minset is newbie mindset, alam naman nating mga matagal na sa crypto na malaking hamon satin ang volatility ng crypto, kung tayo nagreregret bakit hindi tayo bumili ng bitcoin nung una nating nakita ito, yung mga bago naman nagdududa or natatakot na pumasok kasi masyado nang mataas para sa kanila yung price, which is very normal naman talaga para sa isang investment, if hindi ka nagdududa sa investment then might best to do is not to enter. Isa yan sa natutuanan ko sa pagiinvest sa crypto if naghehesitate ako mag invest o magtrade, I do it anyways para walang regret, HAHA!

Eto ang dahilan kung bakit importanteng bago ka pumasok sa pag-iinvest, dapat meron kang kaalaman. Para mas maintindihang mabuti kung pano ba ito mag work at ano ang dapat gawin or bilhin na coins para makaiwas ma scam.
Hindi lang dapat knowledge, kailangan mo rin maexperience, so kahit kakaunti pa lang alam mo or yung mga basic pa lang, try to enter and engage with the market para mas maintidihan mo, wag ka lang totodo sa umpisa para hindi expensive ang experience lesson  Cool
full member
Activity: 2590
Merit: 228
Tama ka, ganito yung nararamdaman ko dahil hindi ko pa talaga kabisado ang bitcoin at crypto.
Medyo takot ako dahil pera nga ang usapan at bago lang ako sa ganito, oo alam ko yung buy low sell high pero di rin kasi ako marunong magbasa nung chart ba yun yung tataas ba o baba kaya inaaral ko pa talaga ngayon yung mga pasikot sikot sa crypto to make sure na hindi na ulit ako mascam o malugi.
minsan hindi natin kailangan maging magaling sa reading of chart instead bantayan mo lang din ang mga magagandang thread dito sa forum at magbasa ka ng mga post ng mga prominenteng account na pro bitcoin , and also try mo din magtanong wala naman mawawala kung mag ask ka ng market flow , dahan dahan mona matututunan lahat ng yan , basta importante eh willing ka mag risk pero yong amount na kaya mo maipit , wag yong iaasa mo ang buhay mo sa investment dito dahil dyan kana masisira .
hindi ganon kadali sumugal pero kailangan natin dito sa crypto yan , isa pa ang instinct mo paganahin mo dahil malaking tulong din yan sa future investments mo.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
Snip
parang mabibilang lang yata ang may first impression na good things about Bitcoin dahil halos lahat ng nakilala at nakausap ko ay may same impressions here na "SCAM" ang bitcoin.. pero yong dalawang quotes parang di  kopa naman narinig dahil hindi naman ako nag lure or nag encourage ng tao para mag invest dito , instead pinapakita ko sa kanila ang success ko kaya never nila magagamit sakin yang dalawang yan.

Makakakita ka lang ng good impression kung nakakuha sila ng maganda/malinaw na explanation. Kadalasan nasa isip ng ibang tao na scam ang bitcoin dahil kulang sila sa impormasyon lalo na kung bigla nalang mag dip ang Bitcoin. Nasa isip nila na tuloy tuloy na babagsak, pinakauna nilang naiisip ay "mabuti nalang hindi ako nag invest".

Yung huling dalawang scenario, siguro makakarinig ka lang niyan kung ang taong nakausap mo o hinikayat mo sa Bitcoin ay ma-pride at yung feeling Mr. know it all. Gaya ng naexperience ko noon na akala niya pyramyding ang Bitcoin dahil inaaya ko ang kakilala ko ng investment sa Bitcoin, pero mas bumagsak pa ang market nung time na yun. Ganyan ang sinabi niya sa akin na akala niya naghahabol ako sa perang iinvest niya. Kaya simula noon, naging tahimik nalang ako tungkol sa Bitcoin, kung may mag tanong tyaka lang ako nagtuturo.
kaya nga din naniniwala ako na yon ang kailangan nating ma develop dahil hindi man natin obligasyon na magpaliwanag sa kanila pero para sa kanilang kalinawan at sa tulong na din natin sa crypto world lalong lalo na sa bitcoin eh dapat explain natin bakit ganon at bakit ganito , nasa kanila na yon kung makikinig at maniniwala sila satin importante eh nag effort tayo.
lalo na yong  mga taong malapit satin na talaga namang kailangan ng ating tulong at gabay , dahil nakakapanghinayang pag hindi natin sila naencourage at pag dating ng araw na umabot na sa pinapamataas ang biton eh don pa tayo magsisisi bakit di natin ginawa ang bagay na sana pwede pa natin gawin.

Kaya nga noon paman ayaw ko talaga mag open up ng kahit anong diskusyon tungkol sa usaping crypto lalo na kapag hindi talaga interesado yung nakikinig dahil malamang ganyan lang din ang mangyayari at mapagkamalan pa tayong scammer. Mostly hinihintay ko talaga na sila ang unang mag approach sa akin at mag tanong para di kargo ng konsensya ko kung ano man ang mangyari sa investment nila pero nag wawarning din naman ako sa mga possible dangers na maaari nilang makasalamuha at tsaka dapat natotoo talaga sila sa paliwanag o turo natin kung ano ba ang crypto.

Matatakot lang naman talaga ang mga yan kung di natin sila na guide ng maayos pero kung realistic naman ang approach natin at pinag iingat natin sila sa scams lalo na sa unexpected na pagbagsak ng market for sure aware naman sila at matuto din kung ano ang dapat nilang gawin kung nakinig talaga sila satin.
full member
Activity: 896
Merit: 117
PredX - AI-Powered Prediction Market
The fall in the price value of coins usually worries the holders here in the crypto space instead of what we should be happy about if we are aware of the movements of their prices in the market. Because if not, it's no wonder we get anxious and afraid of the unexpected devaluation.

That's why most people who have extensive knowledge in the crypto space often take advantage when there is a massive dump that happens in the market, especially if investors see that it used to be expensive and now the price has suddenly fallen.
full member
Activity: 2170
Merit: 182
“FRX: Ferocious Alpha”
Snip
parang mabibilang lang yata ang may first impression na good things about Bitcoin dahil halos lahat ng nakilala at nakausap ko ay may same impressions here na "SCAM" ang bitcoin.. pero yong dalawang quotes parang di  kopa naman narinig dahil hindi naman ako nag lure or nag encourage ng tao para mag invest dito , instead pinapakita ko sa kanila ang success ko kaya never nila magagamit sakin yang dalawang yan.

Makakakita ka lang ng good impression kung nakakuha sila ng maganda/malinaw na explanation. Kadalasan nasa isip ng ibang tao na scam ang bitcoin dahil kulang sila sa impormasyon lalo na kung bigla nalang mag dip ang Bitcoin. Nasa isip nila na tuloy tuloy na babagsak, pinakauna nilang naiisip ay "mabuti nalang hindi ako nag invest".

Yung huling dalawang scenario, siguro makakarinig ka lang niyan kung ang taong nakausap mo o hinikayat mo sa Bitcoin ay ma-pride at yung feeling Mr. know it all. Gaya ng naexperience ko noon na akala niya pyramyding ang Bitcoin dahil inaaya ko ang kakilala ko ng investment sa Bitcoin, pero mas bumagsak pa ang market nung time na yun. Ganyan ang sinabi niya sa akin na akala niya naghahabol ako sa perang iinvest niya. Kaya simula noon, naging tahimik nalang ako tungkol sa Bitcoin, kung may mag tanong tyaka lang ako nagtuturo.
kaya nga din naniniwala ako na yon ang kailangan nating ma develop dahil hindi man natin obligasyon na magpaliwanag sa kanila pero para sa kanilang kalinawan at sa tulong na din natin sa crypto world lalong lalo na sa bitcoin eh dapat explain natin bakit ganon at bakit ganito , nasa kanila na yon kung makikinig at maniniwala sila satin importante eh nag effort tayo.
lalo na yong  mga taong malapit satin na talaga namang kailangan ng ating tulong at gabay , dahil nakakapanghinayang pag hindi natin sila naencourage at pag dating ng araw na umabot na sa pinapamataas ang biton eh don pa tayo magsisisi bakit di natin ginawa ang bagay na sana pwede pa natin gawin.
sr. member
Activity: 952
Merit: 303
Kaya nga bago di ba? Expect mo na bago rin sila sa mga pakiramdam kapag nakakaranas ng dip.

Hayaan lang natin ang mga newbie na maexperience ang iba't-ibang emotions kasi part yan ng challenge e. Kung may mga successful na matutunan kung paano ihandle ang emotion sa kahit anong trend masasabi natin na may good progress ang mga yan. Kung di naman kinaya ihandle ang isang market trend, eh mukhang di para sa mga taong to ang crypto.

Tandaan na maraming feeling genius bull run at naglalaho bigla pag bear market na. Mas magandang maranasan ng mga taong to ang both trend at tingnan natin sino ang matitira at magpapatuloy sa kanilang crypto journey. Kung puro UP lang ang mararanasan ng mga yan, kawawa mga yan pag nag bearish trend.

Saka simple lang sabihin na wag matakot sa dip pero in actual, kaya mo ba talaga makita na puro pulado ang majority ng assets mo, na tipong ang laki na talaga ng binagsak ng portfolio value mo at no choice ka kundi ihold or benta na lang ng palugi?

     -   Speaking of feeling mga genius, ang dami ko nanamang nakikitang mga content creator na feeling mga experts, pero kapag pinakinggan mo ay pawang mga sabaw lang sa totoo lang, dahil siguro alam nilang papalapit na naman tayo sa bull run.

Kahit sa ibang mga pinoy influencers, na madalas pang nagseself-proclaimed na mga mentor daw sila sa crypto trading.
Natatawa nalang ako sa mga tolongges na pinoy na yan sa totoo lang. Pero ganun pa maganda na bili lang tayo ng bili hanggang may pagkakataon at huwag ng magisip pang bababa pa ng husto si Bitcoin baka maya nyan ay bigla kang mapag-iwanan.
legendary
Activity: 2940
Merit: 1083
Kaya nga bago di ba? Expect mo na bago rin sila sa mga pakiramdam kapag nakakaranas ng dip.

Hayaan lang natin ang mga newbie na maexperience ang iba't-ibang emotions kasi part yan ng challenge e. Kung may mga successful na matutunan kung paano ihandle ang emotion sa kahit anong trend masasabi natin na may good progress ang mga yan. Kung di naman kinaya ihandle ang isang market trend, eh mukhang di para sa mga taong to ang crypto.

Tandaan na maraming feeling genius bull run at naglalaho bigla pag bear market na. Mas magandang maranasan ng mga taong to ang both trend at tingnan natin sino ang matitira at magpapatuloy sa kanilang crypto journey. Kung puro UP lang ang mararanasan ng mga yan, kawawa mga yan pag nag bearish trend.

Saka simple lang sabihin na wag matakot sa dip pero in actual, kaya mo ba talaga makita na puro pulado ang majority ng assets mo, na tipong ang laki na talaga ng binagsak ng portfolio value mo at no choice ka kundi ihold or benta na lang ng palugi?
full member
Activity: 938
Merit: 108
OrangeFren.com
Marami satin mga pinoy na bago lang sa crypto ang kpag nakita na bumagsak or pababa ang coin, for example bitcoin negative ang palagi nating response dito for example ganeto ang maririnig mo:
  • Scam
  • Tama ako buti hindi ako ng invest
  • Hindi ninyo ako maloloko, anu ka ngayon sinayang mo ang pera mo
  • Naniwala kasi kayo ayan tuloy talo ka
Marami pang sinasabi ang iba hingigil dito , subalit sa iba hindi nila ito kinakpanghinaan ng loob
dahil para sa iba ang pagbagsak ng bitcoin ay isang oppurtunity para sa kanila, para makabili ng mura
kung natatandaan ninyo bumagsak ang bitcoin at ibang coins, around 15K usdt about million peso ang value, subalit ngayon umakyat ito sa 30k+
kung sakali na naginvest ka kumita ka, probably mas malaki pa sa sahod mo for 1 year ang iyong kinita, if sa pinas ka, anu ang ibig sabhn ko sa sinasabi ko, huwag kang mawalan ng pagasa, kung ikaw ay nagsstart palang sa crypto, marami talagang pinagdadaan, bull market, at bear market, subalit, dapat wala sa bukabularyo mo ang pagsuko, gawing oppurtunity ang bear market, at wag basta basta mawalan ng tiwala sa iyong ginagawa, dahil hindi naman lage down darating din ang liwanag.
Anu masasabi sa aking tingin regarding bitcoin and crypto?

Tama naman yang sinasabi mo dito, subok naman nadin ang buy in the dip para makakuha ng magandang profit sa hinaharap. Kaya lang ang isang problema kapag hindi pa natin alam kung kelan dapat bumili ay pwede rin tayong matalo din or mapunta ang pera natin sa wala.

Dahil may mga ibang investors wrong timing ang pagbili, yung inaakala nilang nasa dip na yung sitwasyon ng presyo ay biglang mas bababa pa ng husto yung value edi lalabas na agad sa kanilang paningin na lugi na agad sila at talo. Pero gaya nga ng sinabi mo dapat huwag sumuko kapag gusto talaga natin itong gawin.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1225
Enjoy 500% bonus + 70 FS
Uusally ang mga nagsasabi nito ay yung mga baguhan na walang malalim na kaalaman sa kung ano ang tunay na katayuan ng Cryptocurrency ni hindi nga nila alam kung ano ang Bitcoin o nabasa man lang ang Bitcoin whitepaper.
Meron akong post na nagpapatatag sa paniniwala sa Bitcoin

Nirerecomend Mo Ba Ang Article Na Ito Sa Mga Baguhan Sa Bitcoin

Naniniwala ako na kung ang baguhan o newbie ay sapat ang kaalaman sa Cryptocurrency at marunong bumasa ng chart hindi sya magsasabi ng mga negative bagkus opportunity pa ang makikita nya tuwing magkakaroon ng dip sa market.
Pages:
Jump to: