Hindi naman kasi ganun kadali ang trading pero mapapag aralan. Medyo matagal tagal rin kasi ang kita or profit sa trading at hindi mo pa sure kung tataas ung value or bumaba ung value. May mga kilala akong trading ang pagpapaikot ng bitcoin / pera nila, minsan malaki kita at minsan lugi rin.
Tama na hindi madaling pag aralan ang pagtitrading. Pero mas magandang paraan ito kaysa sa paggambling matagal na antayan nga lang. sa trading kasi taas baba ang presyo kaya kailangan ng tamang panahon para magkaroon ng mataas na profit mula dito. Bumili na habang mababa ang presyo at mag antay ng panahon kung kelan mataas ang bentahan. May kakilala ako na laging nanghihinayang tuwing nag titrading kasi biglang tumataas ung presyo pero nabebenta nya lng ng mababa ang tokens nya.
Hehehe minsan nagyayari sa akin yan. Kaya minsan maigi magtira ng coins na di ibenta baka may potential pa na tumaas pa.
hindi mo naman kasi kailangan ilahat ng coins mo sa trading syempre magtira ka ng iba para kung may paggamitan ka ay makapagcashout ka agad ng mabilis. hindi rin basta basta ang trading dapat ay tutok ka sa coin na iyong gusto
So far, trading talaga ang pinakada best para sa akin dito sa crypto. Na sa huli mapapansin mo na ang tanging kalaban mo lang talaga dito ay yung sarili mo,
"EMOTION" at "PATIENCE". Pag makontrol mo lang ang dalawang iyan tiyak na kikita ka talaga.
Malulugi ka lang sa trading kung:
1. Ibenta mo ito palugi! (bakit mo naman ibenta kung tataas pa ito sooner, DUMP is absolutely natural in the market, so why panic?!)
2. Makabili ka ng mga deadcoins na totally abandon na (Kaya research din talaga bago sumabak). May tendency din na itake over ito ng community pero not all.
3. Magsara ang exchange na pinagstoran mo ng alts o btc which is maliit na percent lang na mangyayari. (ok lang magstore sa exchange kung short term ka lang nagtitrade pag hindi download talaga ng wallet ng alts at dun mo istore ito.)
Ang karamihan sa atin, malulungkot kung magdadump ang market ng isang coin, HELLO!, natural lang po yan, eh dahil jan dapat ka nga magsaya eh dahil may opportunity na naman na makabili ka ng mura.
look at BTCs play in the market, halos lahat ng coins ganyan lang din ang laro.