Possible connection problem lang ito, sinubukan ko sa akin all goods naman pati na din sa mobile app ko. Walang ibang prob na lumalabas or anything na kagaya ng posted pic OP. Try mo nalang din siguro gumamit ng ibang internet or refresh ng internet mo at baka sakaling umayos na ang Binance mo.
note: mas mabuting ilipat ang thread na ito sa Pamilihan section.
Maayos naman yung connection ng internet ko, gamit ang chrome browser ganyan ang lumalabas. Pero ng sinubukan kung gumamit ng ibang browser ay nakapag-open naman ako ng Binance. Ibig sabihin nasa chrome browser ang problema kasi okay naman sa ibang browser gamit desktop ko.
Nagworried ako kanina sa totoo lang, ifull out ko na ang mga crypto assets ko dito sa binance mahirap na maunahan, hindi rin kasi natin masasabi yung mga posibleng mangyayari. Mas maganda na yung unahan na nating sila.
Chrome naman ang gamit ko pero wala naman problema , until now ba ganon pa din? baka simula na to ng pagpaparamdam ng gobyerno para sa banning sooner? pero bakit sayo lang nagkakaganito kasi sinubukan ko sa lahat ng browser ko ok naman and lahat is working .
teka may mga holdings ka sa binance? naku kabayan alisin mo lahat yan ilipat mo nalang muna sa electrum or sa ibang wallets, mahirap na magkabiglaan baka pagsisihan mo.
Kaninang umaga tinesting ko ulit buksan gamit ang chrome browser, at nagbalik naman na din sa normal at nakapag-open naman na ako. Pasensya na kung nakapagbigay ako ng pagkabahala sa ibang mga kababayan natin dito. Sino ba naman ang hindi mawiwirduhan sa ganun na lumalabas gamit ang chrome. Tapos malalaman at mababasa ko na okay naman sa iba na nagsabi dito. Tapos nung sinubukan ko sa ibang browser kahapon okay naman.
Bukod tangi lang talaga sa chrome browser na ganun lumalabas dahil okay naman ang internet ko kahapon sa totoo lang. May mga crypo assets ako na nagkakahalaga din ng around 400$ something dahil sa ngyari kahapon inalis ko na muna sa Binance at inilipat sa ibang exchange kasi nagsasagawa ako ng daily trade.
Microsoft edge ang gamit ko eh , wala ako nakikitang problema pero baka nga sa chrome lang to or baka naman OK na now? pa update nalang kami kabayan tyak may mga nababahala na din lalo nat may naka abang an blocking from SEC to binance , aakalain ng iba na advancement na to ng pwede mangyari in which tingin ko naman ay maling isipin .
Okay naman na ngayon sa chrome browser ko, pero like what I said pull out ko na lahat ng cryptocurrency ko sa binance. Gamitin ko nalang siya kapag magtransfer ako ng pera sa p2p ng Binance.