Sa tingin ko legit naman yung ginagamit niyang wallet. May dalawang reasons kung bakit ito nangyayari :
1. Mali ang kinacopy mong address. Alam kong nakakatawa itong reason pero sa lahat ng naturuan kong gumamit ng coins, halos kalahati nila ang kinacopy na address ay sa PHP wallet. Hindi naman porket na bago sila hindi na nila malalaman yun pero kapag web browser talaga ang gamit mo, nakakalito kung alin ang kinacopy mo.
2. May virus ang PC mo. Nangyari na ito dati and nung Newbie pa lang ako, may nakita akong thread about dito at ang rason nga daw nito ay ang virus pero mas malala naman yung sa kanya dahil kapag pinipaste niya yung BTC address niya walang lumalabas kundi kung ano ano lang.
Ingat sa mga softwares na iniinstall natin kasi hindi natin alam isa na itong software ng mga hackers online. Mahal ang presyo ng digital currencies ngayon at ang pinalamadaling paraan para makakuha noon ay ang manloko.