Palipat nalang if not suitable sa section na ito @Mr. BigKung tutuusan tayo na yata ang isa sa mga bansa dito sa SEA na may madaming mga crypto user. Halos kalevel natin ang Vietnam kung sa bilang lng ng mga tao na gumagamit ng crypto pero bakit kayo walang developers dito sa atin na nagfofocus gumawa ng sariling blockchain para magkaroon din tayo ng mga sarili nating dapps ecosystem. Kulang ba sa pondo?-Sa tingin ko hindi ito problema dahil napadaming crypto investors sa bansa natin na willing maginvest sa ganitong breakthrough project.
Kulang sa suporta ng kapwa Pilpino?-May posibilidad dahil typical na may crab mentality tayong mga Pilipino. May gugustuhin natin maginvest sa technology ng mga banyaga kumpara sa sariling atin kaya nahuhuli lagi tayo sa innovation. Mahina kasi ang loob ng mga Pilipino makipagsabayan sa technology development even though may kakayanan ang mga developers natin. Mas preferred nila na magtrabaho nalang para sa iba para sa malaking salary since wala din naman matinding suporta na makukuha galing sa kapwa Pilipino, Kung meron man iilan lang.
-Axie infinity at iba pang NFT games, Isa ang bansa natin sa nagbigay ng malaking contribution sa pagsikat ng mga ito. What if kung sa sarili nating dapps or blockchain pinasok ang liquidity na ito? Bansa natin ang makakakuha ng profit galing sa pera natin at mga pera ng banyaga.
Walang pake ang government?-Sa palagay ko, Ito talaga ang pinaka dahilan kung bakit wala tayong sariling blockchain technology. Wala kasing pake ang government natin sa blockchain technology at focus lang sa goal sa pagkuha ng sahod nila sa gobyerna at sa iba pa nilang pinagkakakitaan. Wala kasing initiative lagi ang government para sa mga technology innovation kagaya ng blockchain kaya halos hindi ito napapansin ng majority na mga Pilipino na kabaliktaran sa mga mayayamang bansa.
***********************************************
Nakakalungkot lang na sa kabila ng madaming pilipino na exposed na sa cryptocurrency ay wala padin tayong mga sariling atin na maipagmamalaki sa larangan ng ganitong teknolohiya. May mga nakikita ako na Pilipino made project pero more on short term or nagiging scam dahil wala talagang nagtitiwala kapag kapwa pinoy ang gumawa.
Madami tayong magagaling devs sa pinas dahil galing ako sa symbianize forum kaya sa tingin ko kakayanin nating maachieve ang goal na ito kung magtutulungan lang tayo.