Pages:
Author

Topic: Bakit sa Thailand at hindi sa Pilipinas? - page 2. (Read 680 times)

legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
February 16, 2024, 01:43:20 PM
#42
PDAX or coins.ph lang yan pero pwede ding gcrypto, noh?
Kung tama ang pagkakaalala ko, umaasa lang si GCrypto sa mga services ni PDAX kaya I'd rule them out, pero sumasang-ayon din ako na most likely sina Coins at PDAX ang dahilan ng mga ito.

Sana tinitignan nila lahat ng anggulo kung ano ang puwedeng maging solusyon sa lagay ni Binance.
Kung hindi corrupt ang mga officials natin, matagal na silang nakahanap ng mga solusyon.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
February 16, 2024, 04:04:09 AM
#41
Ano gamit mong local exchange kabayan para maitransfer ang iyong sahod sa signature campaign? Ako kasi sa coins.ph lang nagtatransact dati, hindi ko pa sya nasubukan ngayon kasi iniipon ko muna yung weekly rewards ko sa isang non-costudial wallet.

Sa tingin mo kabayan magkakaroon din kaya sila ng support sa Bech32 segwit address or pang non-costudial lang talaga ito?
Nung huling trade ko kabayan ay Coins Pro gamit ko, kampante pa naman ako sa kanilang serbisyo. Pero this recently, same lang tayo, inipon ko lang din lahat ng natatanggap ko sa sigcamp sa Electrum.

Actually, hindi ko alam kung pwede ba gamitin ng isang custodial wallet ang bech32 segwit address. Baka nga pang non-custodial wallet lang ito dahil kung possible na magkaroon ng support tulad ng Coins.ph sa bech32 segwit address ay ginawa na nila ito sa kanilang development. Pero hindi eh, mas nauna pa nilang suporthan yung Lightning network, pero di ko pa rin nasusubukan kasi di ko pa alam kung paano.



Kung tuluyan ng ma block ang Binance dito sa Pinas, punta na lang daw tayo sa Thailand para makapag trrade, mura lang daw group package hehe  Grin
hero member
Activity: 1862
Merit: 601
The Martian Child
February 16, 2024, 03:04:14 AM
#40
Gaya ng nasabi ng ibang comments. Gusto ni Binance pumasok sa Pilipinas noon pa. Gusto ni Binance magkaroon ng license at makipagtulungan sa gobyerno. Ang problema ayaw ng ating mga officials na pagbigyan si Binance. Nabasa ko noon, sabi ng mga Ph officials ay puno na yung targeted companies na bigyan nila ng licenses.

In short itong mga opisyales ng Pinas ay hindi tinitingnan ang kabutihang dala ni Binance. They don't care about the ordinary people na tulad satin. Pera-pera lang gusto nila. Sobrang sakit pa naman ng spreads at fees nina Coins, GCash, etc.

Ang sisi pala ay dahil sa restrictive policy ng gobyerno natin at ito ay lubos na nakakasama sa ating mga users, parang gusto ng ating mga officials at atin muna kahit pa mas ok ang mga inooffer ng mga foreign companies tulad ng Binance, kung sana lang maganda ang mga features ng Coins.ph at Gcash ang mga users dito ay hindi mas tatangkilikin nila ang mga ito kaysa Binance.
Sana dumating ang panahon na tanggapin ng mga officials ang Binance kung willing naman sila na mag business sa atin kasi kung kawalan ng Binance kawalan din ng mga users dito sa bansa natin.

Agree ako sa sinabi ni @0t3p0t. Involved ang kurapsyon dito for sure. Otherwise, pagka-review pa lang ng mga officials sa mga services ni Binance compared kina Coins at Gcash, Paymaya ay napaka-obvious na sobrang malayo ang quality. Sobrang beneficial si Binance sa mga local Ph users. Kung ikaw opisyal ng gobyerno ang trabaho mo ay kung ano ang nakabubuti sa mga citizens. Kaya blocking Binance means something fishy.

Gaya ng nasabi ng ibang comments. Gusto ni Binance pumasok sa Pilipinas noon pa. Gusto ni Binance magkaroon ng license at makipagtulungan sa gobyerno. Ang problema ayaw ng ating mga officials na pagbigyan si Binance. Nabasa ko noon, sabi ng mga Ph officials ay puno na yung targeted companies na bigyan nila ng licenses.

In short itong mga opisyales ng Pinas ay hindi tinitingnan ang kabutihang dala ni Binance. They don't care about the ordinary people na tulad satin. Pera-pera lang gusto nila. Sobrang sakit pa naman ng spreads at fees nina Coins, GCash, etc.
Kung ganyan lang din naman ang galawan ng mga corrupt na yan eh di wala din pala talaga tayong laban kasi yung mga anay ng gobyerno na yan ay yan yung mga sisira sa ekonomiya ng bansa natin. Sana nga ay masilip yan sila ng senado at magkaroon ng hearing patungkol dyan dahil tayong mga crypto enthusiasts ang apektado sa mga pinagagawa nila. Ang tanong lang ay kung meron bang magtatanggol sa atin na senador or experts sa larangan ng crypto dyan sa senate?

Super agree ako jan kabayan. Pera-pera na talaga dito sa ating bansa. Si attorney Terry Ridon at ang kanyang Infrawatch hindi ko maintindihan kung bakit parang galit na galit kay Binance. Hindi siguro binigyan at panay ang kanyang krusada to block Binance. Nakakagulat rin kasi ang dami naman mga dapat e-block or hingan ng papers pero bakit si Binance lang? Yung Pornhub kung saan number 1 for many years ang Pinas wala naman permit yan diba? Ba't di niya unahin yun?

I doubt meron magtatanggol sa Binance sa senado. I believe most if hindi lahat ay sponsored yan ng mga giant corporations at oligarchs ng bansa. Pero sana meron. Si Pacman sana dahil involved siya sa crypto kaso tapos na termino.
hero member
Activity: 2632
Merit: 582
Payment Gateway Allows Recurring Payments
February 16, 2024, 01:16:12 AM
#39
Nakakainis itong Infrawatch na ito, relevant ba talaga silang maging basis ng government natin tungkol sa mga ganitong issue?
Considering the timing ng mga requests nila, sa tingin ko may connection sila sa isa sa mga local exchanges natin dahil pinapalabas nila na malaking threat ang Binance sa bansa natin.
PDAX or coins.ph lang yan pero pwede ding gcrypto, noh?

Kasi noong nagche-check ko parang may ilan ilan sa mga yan na zero volume naman at parang walang planong iupgrade o gawan ng marketing. Kaya mas maganda sana kung ganoong style nalang ng acquisition gawin ni Binance para maging legal.
Maganda tlga sana kung pwedeng ganoon nalang, kaya lang mukhang tinatarget nila ngayon ang mga inactive VASP providers:

Ouch, yun lang at parang nabasa ko na hindi na din ata sila maga-approve ng panibagong VASP providers kaya puwede na siguro itong matransfer. Sana tinitignan nila lahat ng anggulo kung ano ang puwedeng maging solusyon sa lagay ni Binance.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
February 15, 2024, 11:04:12 PM
#38
Gaya ng nasabi ng ibang comments. Gusto ni Binance pumasok sa Pilipinas noon pa. Gusto ni Binance magkaroon ng license at makipagtulungan sa gobyerno. Ang problema ayaw ng ating mga officials na pagbigyan si Binance. Nabasa ko noon, sabi ng mga Ph officials ay puno na yung targeted companies na bigyan nila ng licenses.

In short itong mga opisyales ng Pinas ay hindi tinitingnan ang kabutihang dala ni Binance. They don't care about the ordinary people na tulad satin. Pera-pera lang gusto nila. Sobrang sakit pa naman ng spreads at fees nina Coins, GCash, etc.
Kung ganyan lang din naman ang galawan ng mga corrupt na yan eh di wala din pala talaga tayong laban kasi yung mga anay ng gobyerno na yan ay yan yung mga sisira sa ekonomiya ng bansa natin. Sana nga ay masilip yan sila ng senado at magkaroon ng hearing patungkol dyan dahil tayong mga crypto enthusiasts ang apektado sa mga pinagagawa nila. Ang tanong lang ay kung meron bang magtatanggol sa atin na senador or experts sa larangan ng crypto dyan sa senate?
full member
Activity: 2324
Merit: 175
February 15, 2024, 06:38:29 PM
#37
Gaya ng nasabi ng ibang comments. Gusto ni Binance pumasok sa Pilipinas noon pa. Gusto ni Binance magkaroon ng license at makipagtulungan sa gobyerno. Ang problema ayaw ng ating mga officials na pagbigyan si Binance. Nabasa ko noon, sabi ng mga Ph officials ay puno na yung targeted companies na bigyan nila ng licenses.

In short itong mga opisyales ng Pinas ay hindi tinitingnan ang kabutihang dala ni Binance. They don't care about the ordinary people na tulad satin. Pera-pera lang gusto nila. Sobrang sakit pa naman ng spreads at fees nina Coins, GCash, etc.

Ang sisi pala ay dahil sa restrictive policy ng gobyerno natin at ito ay lubos na nakakasama sa ating mga users, parang gusto ng ating mga officials at atin muna kahit pa mas ok ang mga inooffer ng mga foreign companies tulad ng Binance, kung sana lang maganda ang mga features ng Coins.ph at Gcash ang mga users dito ay hindi mas tatangkilikin nila ang mga ito kaysa Binance.
Sana dumating ang panahon na tanggapin ng mga officials ang Binance kung willing naman sila na mag business sa atin kasi kung kawalan ng Binance kawalan din ng mga users dito sa bansa natin.
hero member
Activity: 1862
Merit: 601
The Martian Child
February 07, 2024, 06:35:18 AM
#36
Gaya ng nasabi ng ibang comments. Gusto ni Binance pumasok sa Pilipinas noon pa. Gusto ni Binance magkaroon ng license at makipagtulungan sa gobyerno. Ang problema ayaw ng ating mga officials na pagbigyan si Binance. Nabasa ko noon, sabi ng mga Ph officials ay puno na yung targeted companies na bigyan nila ng licenses.

In short itong mga opisyales ng Pinas ay hindi tinitingnan ang kabutihang dala ni Binance. They don't care about the ordinary people na tulad satin. Pera-pera lang gusto nila. Sobrang sakit pa naman ng spreads at fees nina Coins, GCash, etc.
member
Activity: 560
Merit: 17
Eloncoin.org - Mars, here we come!
February 06, 2024, 06:46:08 PM
#35
Ang pagkakaalam ko before nagkainterest naman si Binance to do business here and humarap pa mga si CZ sa mga agencies pero ayun nga maybe because of the restrict policy and the recent issue with SEC, kaya siguro hinde na ito natuloy.

Let’s be more positive and hope na gawan parin ni Binance na magpatuloy dito, at sana bigyan den ng consideration ni SEC para naman sa ikakabuti natings lahat.

   Huwag na tyong umaasa pa dyan sa Binance, alam naman natin na kapag umasa tayo for sure na masasaktan lang tayo sa huli. Malapit na pala yung palugit sa binance dito sa bansa natin diba? Kelan o anong date ba sila binigyan ng date ng SEC natin kasi pebrero na ngayon.

   Basta move on nalang tayong mga nasanay sa binance, dapat meron na tayong mga alternative replacement sa binance ngayon, madami pa dyan na mas maganda pa dyan for sure. Kung anuman ang kanilang mga binabalak dito sa bansa natin ay wala na tayong pakialam dun siguro, diba?
full member
Activity: 467
Merit: 100
Binance #Smart World Global Token
February 06, 2024, 03:25:46 PM
#34
Para sa akin lang, kahit na ok ang decentralized exchanges para sa privacy, mas gusto ko pa ring gumamit ng CEX dahil sa dami ng options na available for trading.  Kadalasan kasi sa mga DEX ay within the blockchain ang mga pwedeing itrade.  Kapag ibang blockchain na maraming mga  proseso at need pang magbridge.

Ayan din naman talaga ang pagkakaiba nila. Nakadepende na din sa user kung ano ang mas priority nila kung trading ba o long term holding. Sa CEX kasi madami silang option to trade at hindi na need gumastos ng additional fee to transfer dahil nga available na yung coin na gusto nila, kumpara sa DEX na hindi lahat ng coin ay available.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
February 06, 2024, 02:05:09 PM
#33
Simula na kaya ito ng pagtangkilik ng mga traders sa mga decentralized exchanges or mas prefer padin ng lahat yung SEC compliant CEX?

Para sa akin lang, kahit na ok ang decentralized exchanges para sa privacy, mas gusto ko pa ring gumamit ng CEX dahil sa dami ng options na available for trading.  Kadalasan kasi sa mga DEX ay within the blockchain ang mga pwedeing itrade.  Kapag ibang blockchain na maraming mga  proseso at need pang magbridge.

About naman sa pagpili sa Thailand, malamang nabigyan sila ng license to operate.  Hindi talaga mapipili ang Pilipinas dahil di pa naaaprove ang request ng Binance for license at kasalukuyang oh hold ang pagapruba ng mga bagong exchanges na nag-aaply sa bansa.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
January 25, 2024, 04:51:30 AM
#32
Nagiging global issue na ang regulation ng crypto exhanges at mas naghihigpit na ang stance ng government sa cryptocurrency, parang ninanais na nila na magkaroon ng higit na control sa mga crypto exchanges.
Tingin ko nga kabayan nagsama-sama itong mga bansa na ito para isulong ang kompanya laban sa mga colorum na cryptocurrency exchanges.

For me, mas prefer at komportable pa rin ako sa traditional na CEX lalo na kung SEC compliant ito, mas madali kasing gamitin at maunawaan. Maaaring mas makilala at maraming gumamit ng DEX kung magiging user friendly ang interface nito, mas mabilis na mga transaksyon at mas malaking liquidity.
Ano gamit mong local exchange kabayan para maitransfer ang iyong sahod sa signature campaign? Ako kasi sa coins.ph lang nagtatransact dati, hindi ko pa sya nasubukan ngayon kasi iniipon ko muna yung weekly rewards ko sa isang non-costudial wallet.

Sa tingin mo kabayan magkakaroon din kaya sila ng support sa Bech32 segwit address or pang non-costudial lang talaga ito?




hero member
Activity: 2464
Merit: 594
January 24, 2024, 08:52:02 PM
#31
-snip
Simula na kaya ito ng pagtangkilik ng mga traders sa mga decentralized exchanges or mas prefer padin ng lahat yung SEC compliant CEX?
Nagiging global issue na ang regulation ng crypto exhanges at mas naghihigpit na ang stance ng government sa cryptocurrency, parang ninanais na nila na magkaroon ng higit na control sa mga crypto exchanges.

For me, mas prefer at komportable pa rin ako sa traditional na CEX lalo na kung SEC compliant ito, mas madali kasing gamitin at maunawaan. Maaaring mas makilala at maraming gumamit ng DEX kung magiging user friendly ang interface nito, mas mabilis na mga transaksyon at mas malaking liquidity.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
January 24, 2024, 08:25:54 AM
#30
Wala pa din akong nasasagap at wala pa din naseshare tungkol dito, sana nga at makalimutan na nila na gagawin nila 'to kasi nakakatamad talaga maghanap ng bagong CEX na gagamitin para bumili at magbenta ng crypto, ang weird lang din na bakit pa nila tayo pinapakialaman kung wala naman tayong problema sa kanila?
Pati din pala India at hindi lang Pilipinas ang bumira sa mga major crypto exchanges sa bansa nila so parang pinagkaisahan na nga sila. Ano na kaya next na mangyayari dito. Parang gusto talaga ng governments na makuha ang full control ng crypto exchanges.

Source: https://www.binance.com/en/feed/post/1991681172033

Simula na kaya ito ng pagtangkilik ng mga traders sa mga decentralized exchanges or mas prefer padin ng lahat yung SEC compliant CEX?
sr. member
Activity: 1666
Merit: 426
January 22, 2024, 03:08:30 AM
#29
~
So ano sa tingin natin ang posibleng maging update sa issue na ito? Until now wala padin kasing balita kung magpapatuloy pa ba ang binance sa pag ooperate dito sa pilipinas, o baka tuluyan na talagang mabblock 'no? Hindi na siguro inasikaso ng binance yung issue dito sa pilipinas kaya siguro mas pinili nalang nila sa thailand kaysa maglabas sila ng pera para masecure ang business nila dito sa bansa natin.
Wala pa din akong nasasagap at wala pa din naseshare tungkol dito, sana nga at makalimutan na nila na gagawin nila 'to kasi nakakatamad talaga maghanap ng bagong CEX na gagamitin para bumili at magbenta ng crypto, ang weird lang din na bakit pa nila tayo pinapakialaman kung wala naman tayong problema sa kanila? Kung ako sa SEC, pagplanuhan nalang nila kung paano itatax yung mga crypto users sa Pinas kesa irestrict kasi wala silang mapapala kapag ganun ginawa nila eh kahit saang anggulo tignan.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
January 21, 2024, 02:19:17 AM
#28
Una sagutin ko muna yung title ng thread base sa sarili kong opinion; Sa tingin ko pinili at inuna ang Thailand dahil may on going issue pa ang Binance dito sa Philippines. Tsaka mas maganda ang economiya sa Thailand kumpara dito sa atin sa Philippines.

Pangalawa; Kung sakali mang maging Legal na ang Binance dito sa Philippines wala silang magiging bagong kumpitesyon yun at yun pa rin naman at sila pa rin ang sa tingin kong number 1 ng mga Pilipino. Ang tiwala ng mga Pilipino nasa kanila na kasi well established na sila.

Ganun nga ang nangyari dyan since mahihirapan pa talaga si Binance na mag establish ng business nila sa Pinas since ongoing pa ang issue nila dito kaya pinili na muna nila ang Thailand since hindi sigruo kupal ang mga namamahala dyan. At tumatanggap sila ng lehitimong business na mag operate sa bansa nala basta mag comply lang sa mga requirements na kinakailangan nila. Sa pinas kasi bayad muna bago lisensya kaya mukhang mahihirapan pa siguro ang binance na makakuha ng license dito.

Sana nga maging legal ang binance dito dahil sila naman din ang pangunahing platform na ginagamit ng tao at tsaka mura ang fees nila kaya mas prefer sila ng mga tao. At tsaka di naman din sobrang strict ni Binance di gaya ni coins.ph kaya mas pinipili pa nila si binance kaysa gamitin tong local exchange natin.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
January 20, 2024, 08:34:22 PM
#27
-snip
Meron tayong hindi alam kung bakit mas pabot sila sa Thailand at nileft out nila ang Pilipinas gayung tayo ay malakas na market at matagal na ring user ng Binance, kung ako sa Binance isama na nila ang Pilipinas kaysa kung wala na sila dito at magkaroon ng void sa market at tsaka may pumalit sa market nila na sing lakas o mas malakas pa sa kanila.

kung magkakataon wala na sila mababalikan dahil komportable na ang mga users dito sa Pilipinas na wala na sila, malakas ang kutob ko na may magtatangka na pumalit sa iiwan ng Binance, maraming exchange local o international na aware sa kalagayan ng Binance dito.
Sana mapansin din nila ang malaking market dito at huwag iwanan ang Pilipinas. Kung tuluyan ngang mangyari yan, posibleng may ibang international exchange ang magkaruon ng pagkakataon na punan ang puwang na iniwan ng Binance. Pero sa ngayon itong local exchanges ang nakikinabang sa situation na ito. Iniisip pa kaya nila ang kahalagahan sa pag-handle ng kanilang market presence?

Ayon dito, 5 Top Crypto Exchanges In The Philippines
Ang Pilipinas ay may mataas na rate ng pagtanggap sa crypto, na may 10% ng mga Pilipino na may hawak na kahit isang crypto asset. Ito ay nagpapakita na malaki ang potensyal ng merkado ng cryptocurrency sa Pilipinas.
sr. member
Activity: 1638
Merit: 364
https://shuffle.com?r=nba
January 20, 2024, 04:23:25 PM
#26
Una sagutin ko muna yung title ng thread base sa sarili kong opinion; Sa tingin ko pinili at inuna ang Thailand dahil may on going issue pa ang Binance dito sa Philippines. Tsaka mas maganda ang economiya sa Thailand kumpara dito sa atin sa Philippines.

Pangalawa; Kung sakali mang maging Legal na ang Binance dito sa Philippines wala silang magiging bagong kumpitesyon yun at yun pa rin naman at sila pa rin ang sa tingin kong number 1 ng mga Pilipino. Ang tiwala ng mga Pilipino nasa kanila na kasi well established na sila.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
January 20, 2024, 04:09:31 PM
#25
Ang pagkakaalam ko before nagkainterest naman si Binance to do business here and humarap pa mga si CZ sa mga agencies pero ayun nga maybe because of the restrict policy and the recent issue with SEC, kaya siguro hinde na ito natuloy.

Let’s be more positive and hope na gawan parin ni Binance na magpatuloy dito, at sana bigyan den ng consideration ni SEC para naman sa ikakabuti natings lahat.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
January 20, 2024, 12:39:07 AM
#24
Considering the timing ng mga requests nila, sa tingin ko may connection sila sa isa sa mga local exchanges natin dahil pinapalabas nila na malaking threat ang Binance sa bansa natin.
Yan din duda ko kabayan noon pang pinagdidiskitahan na ng US yung Binance dun pa lang ay niluluto na ng mga yan yung gagawin nila. Hindi na nawawala dito sa atin sa Pinas yang ganyan parang yung sa Telcos din yan eh at yung nangyari sa plastic cards ng LTO same lang pera pera at kung sino yung mabango yun yung papaboran. I could be wrong pero halatado naman siguro.

full member
Activity: 1442
Merit: 153
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
January 19, 2024, 06:28:53 PM
#23
Quote
Binance is finally opening its Thailand exchange to the general public eight months after it announced an expansion into the country.

Link: https://cointelegraph.com/news/binance-thailand-general-public-launch-compete-incumbent

Bakit kaya nagkaroon ng interes ang Binance na maging legal na mag-ooperate sa Thailand kesa dito sa atin sa Pinas?

Nakasaad pa dyan na maging isa sa pinaka competensya ng Binance ang isa sa Major player na local exchange ng Thailand yung Bitkub. Kung mangyari man yan dito sa atin mga kabayan ano sa tingin nyo ang pinakadikit na pwedeng kumpetensya ng Binance if ever na magbukas din sila dito sa atin?

Alam naman natin kung gaano ka convenient ang Binance compared sa mga local exchanges natin yun nga lang ay wala pa yata silang updates hinggil sa nasabing issue at ito pa hindi lang pala ang Binance ang mahaharap sa banning meron pa palang iba...

Quote
In addition to Binance, Lee said that OctaFX and MiTrade, two other exchanges recently issued advisories for unregistered operations, also face bans after three months.

Link: https://www.binance.com/en/feed/post/1360070679738

Sa tingin ko dahil mas maluwag sa thailand at mas maganda yung ekonomiya nila kesa satin at mas maganda yung bansa nila, pahirap kasi dito sa pilipinas kumuha ng mga bagay na ganyan. Pilipino nga pinapahirapan nila paano pa kaya yung mga taga ibang bansa diba, marami rin kasing gutom na taga goverment kaya siguro pinapahirapan sila. About naman sa pagblock ng binance dito sa bansa tingin ko hindi basta basta papayag ang mga taga binance dahil sobrang daming pinoy na gumagamit nito dati, ewan ko lang ngayon kung tumaas ba yung mga user ng binance dito o bumaba.
Pages:
Jump to: