Tunay na kahit kailanman ay hindi sagot o solusyon ang pagsuko sa kahit anong pagsubok na ating nilalabanan. Kapag sumuko ka, para mo naring pinigilan ang karapatan at kakayahan mong magtagumpay dahil hindi naman sa hirap at sa kung gaano katagal nasusukat ang tagumpay. Nasa kung papaano ka magtatrabaho at gagawa ng sarili mong paraan para malampasan mo lahat ng paghihirap. Napakaraming paraan upang umasenso sa cryptocurrency basta't wag lang susuko dahil marami pang mangyayari hangga't patuloy kang nagsusumikap.
Tama iyan, sa oras na sumuko tayo ay tapos na ang laban. Ano man ang ating pagkabigo ay hindi na ito mababawi pa dahil nga sa tayo ay sumuko na. Hindi tulad ng pagbangon tuwing mabibigo at pagkuha ng aral mula dito para muling harapin at subukang pagtagumpayan ang mga pagsubok na nabigo tayo at least sa ganitong pamamaraan ay magkakaroon tayo ng muling pagkakataon para pagtagumpayan ang mga ito.