Pages:
Author

Topic: Banks in the Philippines that the BSP classifies as a Digital Bank - page 2. (Read 378 times)

member
Activity: 219
Merit: 19
Maraming mga bangko na sa Pilipinas ang nag-aalok ng mga serbisyo sa digital banking ngunit mayroon lamang anim na entity sa Pilipinas ang nakakuha ng kanilang lisensya mula sa Monetary Board (MB) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para mag operate bilang mga digital na bangko.

Narito ang listahan ng 6 na BSP-licensed Digital Banks sa bansa.


Kung naitatanong niyo kung bakit 6 lang ang BSP-licensed sa bansa, ito'y matapos nabigong
maipasa ng ibang aplikante ang mga kinakailangan na requirements nito. Bagama't mayroon lamang tayong 6 na BSP-licensed banks sa Pilipinas, sinabi din ng BSP na ang kasalukuyang mayroon tayo ay maihahambing din  sa mga kalapit na bansa tulad ng Singapore, na mayroong apat, at Malaysia, na mayroong lima.

Gayunpaman, kinikilala din ng BSP ang ilang mga bangko na gumagamit ng salitang "digital bank" sa kanilang marketing kahit na hindi sila classified as “digital banks” alinsunod sa kanila.

Sinabi rin ng BSP na maaaring rin naman i-market ng ibang mga bangko ang kanilang mga sarili bilang isang bangko na nag-aalok ng “digital banking products or services” basta’t nakuha nito ang kinakailangang lisensya ng BSP sa electronic payment at financial services para sa mga digital banking products o services.


Source : https://www.yugatech.com/fintech/the-6-bsp-licensed-digital-banks-in-the-philippines/
Pages:
Jump to: