1.
Basic Tutorial sa Trendline -
https://bitcointalksearch.org/topic/--54848592.
Basic Tutorial sa Candlestick:
https://bitcointalksearch.org/topic/basic-tutorial-sa-candlestick-at-indicators-5484362
Ang Relative Strength Index ay isang oscilator o indicator na sinusukat ang momentum sa market. Sa topic na ito ay pag-uusapan natin ang mga sumusunod:
* RSI formula
* Pagsukat ng momentum gamit ang RSI
* RSI levels
1. ito yung formula ng RSI:
RSI = 100 - [100/1+RS]
RS = Average Gains/Average Loses
Siguro kung minsan napapaisip kayo kung ano ba ang koneksyon ng RSI lower timeframe? Sa lower timeframe kasi kahit scalping o day trade ang ginagawa mo ay kailangan mo paring tumingin sa higher timeframe. So hindi dahil ginagawa mo ang daily trade o scalping ka ay hindi mo na titignan ang higer timeframe. Dahil ito kasi ang magiging basis natin kung pano yung gagawin mong trade.
2. So para masukat natin yung momentum at yung posibilidad na pagbabago ng direksyon ng trend ay meron tayong tinatawah na 2 levels . Ito ay ang Overbought and Oversold levels.
Overbought kapag tumama sa 70 or above at yung Oversold naman ay kapag ito ay tumama sa 30 or below. Kung minsan naman may mga ibang gumagamit nitong mga traders bilang mga support and resistance levels, Pero mali yun. Dahil pwedeng manatili ng matagal sa ibabaw ng overbought level, or sa ilalim ng oversold levels kapag malakas ang momentum ng market.
Ang RSI ay palaging Lagging and Leading Indicator.
Lagging: ito ay palaging delayed ang binibigay na signal.
- Kailangan munang gumalaw ng price bago ang indicator. Katulad ng ibang indicators ay nakabase ito sa mga nakalipas na market data.
Leading: ito naman ay advance ang binibigay na signal .
- Ito naman din ay nagpapakita ng mga signs na maari ng magbago ang direksyon ng market. Ang tanung pano naman yun?
1.
Overbought and Oversold levelsKung mapapansin nio everytime na nagkakaroon ng pagtama ng overbought at oversold ay nagkakaroong ng reversal o pullback sa chart na ito.
2.
Divergence SignalNangyayari na ito kapag nagkakaroon ng salungat sa direksyon ng indicators. Katulad nalang ng nakikita niop sa imahe na yan sa itaas.
3.
RSI TrendlinesDito naman mapapansin nio na nagkaroon nang advance or naunang break out sa RSI kumpara sa price chart. At tinatawag din ang RSI na leading indicator.
Reference:
*
https://coinswitch.co/switch/crypto/what-is-an-rsi-indicator-and-how-to-use-it-in-crypto-trading*
https://www.lcx.com/what-is-the-relative-strength-index-rsi-indicator/