Laking tagumpay ng Gilas Pilipinas ang panalong ito, masasabi ko talagang napaka genius ni coach Tim Cone, malayo talaga ang coaching ni Chot Reyes compared sa kanya, dahil kahit mukhang talo na tayo, nagagawa pa rin nating manalo.
Hindi nga makapaniwala si coach Tim Cone sa nangyari kagabi dahil sabi niya, "It only happens in the movies, not in real life" hehe pero may Magic talaga tong si Justine Brownlee at sadyang tinadhana talaga na mangyari ang lahat ng ito na wala si coach Chot Reyes at Jordan Clarkson. Bumalik tuloy ang tanong "what if kung si JB ang dinala ng SBP sa FIBA World Cup 23".
Nabasa ko rin, parang may words of encouragement si Tim Cone para kay Brownlee. Ito ata yun " you win for Ginebra, that's awesome and people will be happy, but if you win for Philippines, that's already in the history and people will not forget you"... And that's exactly what happen.
Bukas na ang Finals vs Jordan at dahil sa mga dikit na panalo natin laban sa Iran at China, marahil ay mataas na ang kompyansa ng Gilas sa laro nila bukas at kalimutan muna nila na tinambakan sila nito noong una nilang pagkikita.
Nakapusta na ako kanina sa Gilas +10.5 @2.05, baka magbago ang isip ng mga bookies at bawasan yong spread. Tingin ko kaya nilang ma-cover yong spread at posible pang manalo, napakataas ng moral nila ngayon kasi.
Good luck kabayan, natatandaan ko parang sa Jordan ka pumusta nung una silang nagharap, so kung manalo man ang Gilas, perfect ang naging analysis mo. Ako sa Gilas rin ako, pero di na siguro sa handicap, mas exciting sa moneyline, konteng bet lang naman.