Sa mga nagamit ko, try ko mag identify ng pros and cons...
1. Jaxx / Jaxx Liberty - started using this in late 2015.
Yung Jaxx ang una kong ginamit na non custodial wallet. Madaling gamitin and mas mababa ang fees compared sa iba. Tapos nung time na yun, nag partner sila sa Shapeshift so pwede magconvert (buy/sell) ng assets like for example, yung btc convert to Doge. Tapos ang bilis maka receive and magsend.
Last kong ginamit nung 2016 nung lumipat ako sa exodus. That time kasi, although mas mura ang rates, parang btc, eth, doge, and litecoin lang ang supported assets. Pero nag add na rin sila ng ibang assets after 2016 nung nilabas nila yung Jaxx Liberty. Yun nga lang last year, nagretire na si Jaxx Liberty and yung mga devs, nag recommend na magtransfer sa exodus dahil same sila na multi-asset wallet and same standard nila for interoperability. Same din na commited ang devs and staff sa pag lend ng support sa users.
2. Coinomi - Habang gamit ko yung Jaxx, sinubukan ko din yung coinomi dahil maraming supported coins noon si coinomi na wala sa jaxx. Kaya lang ang bagal ng refresh ng coinomi. Yung coins mo, ang tagal magrefelect so di mo sure kung may natanggap ka ba or wala. Tapos madalas , para siya nao-oofline! So wala na, di ko na ginamit.
3. Exodus - nadiscover ko yung exodus parang early 2016. Yung dev dun, dating nagwork sa apple so nabilib na ko agad. Palagi silang may update, maya't maya may update, parang twice a month nagu-update sila ng versions tapos parami na ng parami yung mga supported nilang digital assets. Buti nga ngayon supported na nila yung BEP-20. Dati kasi panay ERC so ang sakit sa bulsa ng fees and panay ang kaltas sa eth holdings kung nagho-hodl ka ng erc coins.
Pwede kang gumamit ng exchange from within exodus. So kung medyo tamad ka na mag transfer ng assets palabas ng exodus pero may type kang bilin na asset, magagawa mo yun within the platform.
May staking na din sila for assets na may staking like algo, ada, yung trx din ata, atbp.
4. Metamask - ok din ang metamask pero bihira ko lang ginagamit, Mukhang simple pero may pagka complicado haha
5. Safepal - ala masyadong supported assets
6. Trust - Ginagamit ko lang pag gagamit ng pancake