May mga custodial din naman akong ginagamit pero more on pang cash out lang. Hanggat maaari is wag mag stuck ng crypto sa mga wallet na ito.
Same, recommend ko din pero siguro kung malakihang funds, and security ang after talaga natin, much better ang hardware wallet.
Ang Trust halimbawa, non custodial wallet. Meaning yung private details (keys, recovery info, etc) access mo and controlled mo. Hindi na kailangan ng kahit ano pang kyc para magamit mo, and ang dami nyang supported na crypto and nfts.
Maraming advantages ang Trust, kaso hot wallet sya tulad ng karamihan na free and accessible sa interwebs kaya susceptible sa phishing attacks. Kaya kung ang device na gamit ay may malicious software / program, delikadong gamitan ng hot wallet.
Siguro kung may hot wallet ka sa device mo, never use that same device to access sites na may tendency na mang infect ng device ng malicous programs para di macompromise ang funds.
Kung nabalitaan nyo yung nangyari sa Trust nung November 2022, nagkaron sila ng security vulnerability kaya ang daming users ang nagkaron ng losses. Nadiskubre na lang yung vulnerability na yun nung 2023 na kaya kung may hardware wallet kayo, much better pa rin.