Hello mga madame mga sir,
Gusto ko po sana humingi ng oras ninyo para magshare ng at least 2 best practices ninyo na nakatulong sa inyo para maging successful sa bitcoin.
Mas maganda po kung specific at hindi yung mga tipong 1.) sipag 2.) tiyaga. Feeling ko kasi given nmn na yun.
Example po ng best practice kunyari eh. 1.) nagmine ako gamit ang GTX1080... etc blah blah.
mas specific po mas magiging helpful sa mga newbie na kagaya ko.
Maraming salamat.
Ok ganito nalang, first of all wag ka magmimina ng bitcoin dahil mahal ang kuryente at mahal mag assemble ng rig. (yung mga nakikita mong mining sites and apps sa android ay mga bogus) malulugi ka sa puhunan mo sa mining at soooobrang tagal bago ang ROI mo. Instead na mag invest ka sa mining, magbuy ka ng bitcoins and HODL for long term. Isang strategy para madagdagan ang bitcoins mo is thru lending via bitfinex or poloniex (ipapautang mo yung bitcoins mo for 2 days with 0.02% interest); gawin mo yan for long term para maramdaman mo yung tubo. Kung nasa 100k ang puhunan mo in pesos mas very good.
Next, huwag na huwag kang magbebenta ng bitcoins to pesos kapag mas mababa ang selling price mo vs sa buying price mo (yung price noong nagconvert ka from php to btc...) not unless sobrang emergency ang pag gagamitan mo ng pera.
Next, magbasa ka ng magbasa ng mga topics about bitcoins... huwag ka magsasayang masyado ng oras sa mga off topic discussions, politics, and etc...
Next, gumawa ka ng twitter account tapos ifollow mo yung mga wolf. makakakuha ka ng tips dun sa kanila kung ano ang altcoin na pwedeng tumaas ang value in the next few days... maginvest ka sa altcoin na yun ng as little as 1% ng hawak mong bitcoins (wag all-in).
Last... mag apply ka sa mga signature campaign para kumita ka ng bitcoins dito sa forum, then wag mong icacas-out ha, hold mo yung bitcoins mo long term. I repeat, hold mo yung bitcoins mo longterm.
Pasensya ka na kung hindi ako magaling mag explain via forum ha, pero sincerely, sana makatulong sayo yung mga advice na yan...
Good read sir and thank you for taking your time. Very helpful!
Follow up questions if you may.
1.) share naman po kayo ng mga accounts sa twitter na you refer as "wolf"
2.) can you give us a step by step kung pano po yung sig campaign?
Salamat ulit ng marami kapatid.