Magandang ideya ito, okay sana ngunit sa panahon ngayon ang iniisip nating medium na mapagkakatiwaalan ay hindi pala palaging available. Halimbawa, kung gusto natin bilhin ang dip ng bitcoin noong nasa around 5k ang price nito. Ang Coins ph ay hindi nakikisama. May nabasa nga akong thread dito na nagsasabing nag eerror ang coins at sinsasabing out of balance ito ng bitcoin kaya't hindi makapagconvert. Hindi sa lahat ng oras eh makakabili tayo ng dip or matatake natin ang opportunity. Kaya mas maigi para sure tayo na mayroon din tayong funds direkta sa exchange. Ngunit taliwas ito sa ating konsepto na mas maiging ang cryptocurrency natin ay nasa ating personal wallet para mas safe. So saan tayo lulugar ngayon?