~snip~
Sa presyo ngayon na $49,000 per BTC at sabihin na nating Php50 per USD, tumataginting na Php 757.46 Bilyon Ilang henerasyon na siguro mabubuhay nyan
Grabe ang pasensya ng taong ito at tingin ko maiiging pagtitipid ang kanyang ginawa upang makamtan ang tagumpay para maabot ang malaking kita na galing sa bitcoin. Kung maibabalik ko lang din ang panahon meron na din sana akong milyon. Kaso naubos ko lahat at nagastos ang mga iyon noon 2017 hanggang 2018 dahil sa pagpagawa ng bahay. Hindi namanl lugi kaso, kung nakapag hold pa sana naging triple pa yung pera ko at sino naman mag aakala ganyan mangyayari kay bitcoin lolobo ng ganyan kalaki.
Kahit ako rin maraming nailabas na BTC noon, oo alam nating profit siya sa paningin natin pero ang isang bagay na wala tayong control ay ang kinabukasan. Oo, alam natin na lalaki ang bitcoin at tataas ang presyo, ang hindi lang natin alam ay kailan siya mangyayari. Maraming naglalabas ng pagsisisi na sana ngayon lang nila nilabas ang crypto kasi yun nga eh hindi natin alam ang future saka may mga pangangailangan tayo sa mga panahon na iyon at kailangan maglabas ng kaunting BTC. Magpasalamat nalang tayo at kahit papano nakakatulong ang crypto sa mga pangangailangan natin.