Makukulong ba si CZ?
Grabe, yan na ang isa sa pinakamalaking penalty na obtain from a corporate defendant, 4.3 bilyon dollars.
Malinaw na ang lahats sa akin ngayon kung bat humantong sa ganyan, maraming nalabag gaya ng AML program, KYC procedures, operations of unlicensed of money transfer business at pag facilitate ng transactions between US users and users in sanctioned countries.
Mas magiging strikto na nito ang Binance sa KYC.
Hindi siya makukulong kasi nasettle naman na yung investigation by paying 4 billion ata tsaka base sa mga article na nabasa ko, hindi naman siya makukulong pero bababa na siya sa pwesto niya bilang CEO ng Binance, si Richard Teng yung papalit sa kanya at sa ngayon medyo maayos yung mga nasasabi sa kanya. Siguradong maghihigpit na ang Binance ngayon dahil sa mga nangyari sa kanila, ang laking problema din kasi na nagagamit yung platform nila sa mga lugar na sanctioned ng US.
Akala ko talaga na babagsak ang presyo ng Bitcoin dahil sa balitang ito. Nakapalaki ng impluwensya ni CZ mundo ng Bitcoin at napakarami ang sumusubaybay sa kanya. May pangunahing rason talaga kung bakit bumitaw si CZ sa pagiging CEO nya sa Binance. Akala ko aabot hanggang sa $30k ang presyo dahil sa balitang ito ngunit nakakatuwa kasi hanggang $35k lang ibinagsak nito. Nagpapakita lamang ito na marami na talaga ang naghohold ng Bitcoin at hindi na sila nagpapanic agad kapag may mga hindi magandang balita. Sa tingin ko may mga taong nasa likod nito upang makabili sa murang halaga ngunit ang kanilang plano na pabagsakin ang Bitcoin ay hindi naging epektibo. Masasabi ko talaga na hindi na kagaya ang Bitcoin dati na madaling manipulahin.
Eto din initial na reaksyon ko nung nakita pero naalala ko na hindi naman big deal kasi hindi naman yung Binance yung magkakaroon ng damage kundi mapapalitan lang pala ng CEO dahil nga sa criminal investigation at sa settlement na din. Minsan di talaga maiiwasan na may mga magpapanic kasi big deal yung balita na ito sa karamihan kasi nga naman si CZ yung nasa headline.