parang dumadami na ang sumasakay sa mga issue ng Binance ah , obvious na yong iba eh siasamantala ang mga regulation cases ng Binance para mapansin ang mga sites nila for free promotions na din.
kasi kung tutuusin halos lahat naman ng mga ibinabato sa Binance now eh nauna ng naging issue nung mga nakaraan , nagkaron lang ng Simpatya now mula ng magkaron ng settlement si CZ sa US government at lalo pa silang sumikat now.
pero anot ano man ang mangyari, sure naman ako na hindi ganon kadaling hahayaan ng Binance na mawalan sila ng business operation dito kaya tyak gagawan nila ng paraan to.
Kaya nga may pinapasikatan ata ang SEC sa pinas kaya gumawa ng ingay sa mundo ng crypto. Baka balak din nila pumera kay CZ dahil imagine 4billion USD ang settlement ni CZ sa US SEC kaya siguro kumislap ang mga mata ng mga opisyal sa pinas dahil napaka laking pera nun kung tutuusin. For sure naman di gusto ng Binance na mawala sila sa Pinas at siguro gagawa din yan ng settlement para patuloy silang mag operate since malaki ang market nila sa mga Pinoy at malaki ang mawawala nila kung hahayaan lang nila mawala sila sa radar.
Is Binance even the one doing the selling of securities to people? Intermediary lang sila — tao rin lang ang nagbebenta sa kapwa tao ng cryptocurrencies.
As for ung announcement na to, sumakay lang naman ung gobyerno natin sa laban ng US SEC laban sa Binance lol kala mo naman may trinabaho talaga sila. Baka problemahin muna nila ung government platfoms nila na every few months e may database breach.
Alam mo naman sila gagawa talaga ng rason para may maisampa lang na reklamo at maalerto yung isang platform at sumunod sa mga pinag uutos nila kaya expect na talaga na ganito ang mangyari since baka gusto lang talaga nila kumobra ng pera.
Iba ata sa kanya at ito ang updated sa case ng issue nato, Di ko din nakita yang thread na ginawa ni cheezecarls kaya napagawa ng thread.