Sa tingin nyo ba maging katapusan na ito ng Binance dito sa Pinas? Or will the new CEO Richard Teng will do something about it to turn things around para satin mga nag ta-trade sa Binance?
Would really appreciate mga opinions nyo dito guys. Salamat.
Unang-una, pasensya kana kabayan, pero ang OA ng tanung mo na ito sa totoo lang ah. Nabasa mo lang yan kung ano-ano na ang iniisip mo, sa nababasa ko sayo masyado kang nababahala, yan ang problema minsa sa atin. Yung may nabasa lang tayo na artikulo kagaya nyan ay sa part mo kung ano-ano na nglaro sa utak mo. Huwag kang magagalit o maoofend sa sinasabi ko sayo op.
Heto hayaan mong irefresh ko yung memory mo kabayan, Una wala naman sinasabi sa article na yan na hindi na maaprubahan ang Binance dito sa pinas para makapag-operate, kelan ba nagsubmit ang Binance ng kanilang application dito sa bansa natin sa SEC? Dahil sa aking pagkakaalam hindi pa naipapasa ng Binance ang lahat ng mga kinakailangan upang maging isang rehistradong virtual asset service provider (VASP) sa Pilipinas. Bakit? dahil Sinusuri ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang aplikasyon ng Binance mula noong Nobyembre 2022, ngunit hindi pa nabibigyan ng lisensya ang kumpanya. Ibig sabihin, kung denied ang application ng Binance dito sa bansa natin edi sana nung last year ay na disapporve na agad yan ng SEC dito sa atin. Isipin mo op yun?
Ito breaking news lang: https://bitpinas.com/regulation/ph-sec-binance-advisory/
So within 3 months, ma totally blocked na si Binance sa buong Pinas.
Saka sa sinabi mong nag submit sila VASP application, yes wala pa na denied pero mag antay pa tayo until 2025 until ma reopen na ni BSP ang VASP applications. Pero chances are very slim dahil naka receive daw pushback from regulators and consumer groups.
Sa tingin ko kasi yung SEC PH starts acting like SEC US na. Binance would be the first at mag create ito unti2x ng domino effect sa ibang unregistered foreign-owned CEXs.
Crypto will never be the same na in the next few years dahil unti2x na nag tighten ang regulations dito sa Pinas which nangin few steps backward na tayo instead of moving forward to innovate.
Yun lang ang nakakalungkot, kumbaga sa sinasabi ng iba ay tumatanda paurong, parang ganyan ang ngyayari ngayon sa bansa natin na kung saan ang SEC natin ay hindi mo maintindihan pero alam naman ng karamihan sa cryptocommunity na naghahanap lang ng under the table na tulad ng may nabasa ako nagsasabi sa bagay na tulad nito.
Obvious naman din kasi na parang nainggit ang SEC ng bansa natin sa ngyaring settlement na ginawa ng Binance na nagbayad ng nasa 4Billion dollars ba naman, nakakalulang halaga, at sa tingin ko naman naghahangad din na makipagsettle ang Binance sa SEC natin.