Just today I made a transaction on p2p using GCASH to receive my proceeds.
ang problema, may na receive akong text na pumasok na daw yung pera ko sa gcash pero upon checking my balance, wala naman pala.
Meron rin palang scammer sa Binance kahit verified na ang user.
meron bang naka experience tulad ng nito?
Nakailang gamit na ako ng P2P binance and thru gcash rin ang cash out ko madalas pero never ko pa naman na experience yung ganyan. As long as di mo pa naman nirerelease yung fund hindi naman mattransfer sa nagbebenta yun. At as far as I know system generated yung text notification ng gcash at automatic yung pag labas nito sa balance mo once nag notify na sila thru text. Pero mabuti na rin at nag doble ingat ka at chineck mo yung balance mo bago mo nirelease yung fund.
Tama, kung sakaling gagamit ka ng P2P sa binance dapat medjo alisto ka rin at hindi ka agad maniniwala sa katransact mo especially kung wala ka pang narereceive na funds from them. Matagal ko na rin ginagamit yung P2P feature ni binance at until now, never pa naman ako na-scam pero may mga trader talaaga na gusto mang-scam sa binance P2P like magsesend sila ng fake receipt as proof na nagsend sila kahit wala naman pumasok para maconvince ka nila na late lang at marelease mo yung crypto.
Meron akong kaibigan nabiktima neto dahil tinry nya yung bank transfer at sinendan sya ng receipt at ang sabi na pwede umabot ng 1-hour bago pumasok dahil bank transfer at yun after nya marelease yung crypto, wala na syang nareceive na pera. Good to know rin na i-check mo yung successful rate ng ka-transact mo dahil dun mo makikita kung gaano sila katrusted at iwasan yung mga too good to be true na price dahil usually scammer yun.
Buti nalang updated ang gcash, wala talagang pumasok kaya di ko rin na release. First time ko rin lang na experience kaya medyo nag panic ako, scammer talaga, gagawa ng paraan para makakuha ng pera.
Just today I made a transaction on p2p using GCASH to receive my proceeds.
ang problema, may na receive akong text na pumasok na daw yung pera ko sa gcash pero upon checking my balance, wala naman pala.
Meron rin palang scammer sa Binance kahit verified na ang user.
meron bang naka experience tulad ng nito?
Be vigilant lang. Iyong iba kasi makareceive lang ng text confirmation di na nila chinecheck sa mismong application.
"Walang ma-sscam kung walang magpapascam"
Basic pa nga galawan dyan sa Binance P2P ewan ko bakit may naloloko pa.
No offense sa mga nabiktima a pero sana paganahin ang alertness at common sense kapag ganyang pera ang transaction.
hindi naman ako na scam, nagtaka lang ako dahil verified users naman at marami na ring successful transactions ang naka transact ko, kaya hindi ako nag expect na mag attempt mang scam. Buti nalang talaga hindi ako nagmamadali.
About P2P transaction. Ingat lang layo lagi sa paggamit nito at siguraduhing trusted yung ka transaction nyo dahil pwede kayo maging biktima ng money laundering kung sakaling banko ang gamit nyo sa pag received ng funds. Madaming issue dati sa Binance P2P na ang mga buyer ng crypto ay gumagamit ng pera galing sa nakaw para mag mix at makalusot sa batas. Kayo kasi ang matra2ce na suspect dahil kayo ang huling gagamit ng funds. Kaya mas preferred ko na sa mga trusted merchant lang magtrade sa P2P at hindi sa mga normal seller lang.
Salamat sa suggestion kabayan. Paano ba i distinguish ang trusted merchant at normal seller lang? Kasi sa p2p ng Binance, nakikita lang naman doon ang offer nila tapos parang approval rate based sa successful transaction rate. Bago lang rin ako gumagamit nito kaya medyo hindi pa kabisado.