Pages:
Author

Topic: Bit coin trading sites. - page 2. (Read 264 times)

jr. member
Activity: 116
Merit: 2
October 23, 2019, 04:07:06 AM
#3
Maaring tama ka kabayan na ang titingnan naten ay serbisyo. Kung ang pag babatayan mo ay ang pang sariling kapakanan. Pero kung para sa Pilipinas ang pag babatayan mo sa tingin ko ay dapat nating tangkilikin ang sariling atin. Dahil paano sila uunlad at tatangkilikin ng ibang tao kung sariling kababayan nila di sila tinatangkilik. Parehas din lang yan sa mga produktong lokal dito sa Pilipinas. Kaya na hihirapang umunlad ang ating bansa dahil sa kolonyaledad na nasa isip ng bawat tao. Meron namang produkto ang lokal subalit mas ginugusto ng ibang tao ang produkto ng ibang bayan. Kung sa bagay hindi ko sila masisi lalo na ang masa na kulang ang kinikita. Dahil sa mura ng produkto na nangagaling sa china bakit ka bibili ng gawa sa Pilipinas na mas mahal. Subalit kung matututo lang tayong mag sakripisyo ng konte sa pag tangkilik ng ating mga produkto mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal nating mangagawa upang maparami ang kanilang suplay at makasabay sa presyo ng ibang bilihin. Sa palagay ko isa ito sa mga dahilan kung bakit nahihirapa sa pag unlad ang ating bans. Gayon pa man ay maraming sa lamat sa iyong tugon sa akin katanungan dito sa thread na ito.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
October 23, 2019, 03:59:40 AM
#2
Pagdating sa cryptocurrency exchanges, sa tingin ko least concern na ng isang trader kung Pinoy ang may-ari. Ang mahalaga ay lisensiyado at aprubado ng BSP o kaya SEC to operate. Hindi din dapat gawing batayan yung "sariling atin" sa pagpili ng palitan. Kung hindi sila makasabay sa technology at service ng ibang palitan dito sa Pinas na pagmamay-ari ng iba, bakit natin tatangkilikin?


Para sa listahan ng mga palitan dito sa Pinas, pwede mo tignan dito https://bitcointalksearch.org/topic/m.51067534
jr. member
Activity: 116
Merit: 2
October 23, 2019, 03:49:07 AM
#1
Mga kabayan maitanong ko lang may mga legit bitcoin trading sites ba na Filipino owned and manage? Kung meron ano ano yun at may advantage ba yun sa ibang bitcoin trading sites na hindi Filipino owned and manage.? Ginawa ko itong thread na ito upang makatulong sa mga miyembro na gustong mag umpisa sa trading. Na baka pwedeng tangkilikin ang sariling atin. Upang tayo ay makatulong sa kapwa naten Pilipino.
Pages:
Jump to: