Pages:
Author

Topic: Bitcoin at $10,000 = P510,500 - page 2. (Read 683 times)

full member
Activity: 1339
Merit: 157
Enjoy 500% bonus + 70 FS
February 24, 2020, 10:02:45 AM
#45
Maraming nagbigay na nang prediksyon sa mga darating na panahon kung ano ba ang magiging presyo ng bitcoin at marami dito ay siguradong tataas. Nung nakaraan pagtaas ng bitcoin marami din ang nakinabang dito. Marami na din sigurado ang nagresearch na tungkol sa magiging takbo ng presyo nito pati na din ang teknolohiya. Para sa akin, mataas man sa ngayon ang presyo nito sigurado ako mas tataas pa ito at patuloy pa din. Ito na ung makabagong teknolohiya ng susunod na henerasyon. Nasa presyo man tayo nagbabase o sa benepisyo nito. Patuloy at patuloy pa din tinatangkilik at mag.aadopt na din ang kompanya dito sa iba't-ibang sektor. Dahil dito patuloy itong tataas at lalago.
member
Activity: 420
Merit: 28
February 24, 2020, 05:58:09 AM
#44
Parang malabo bumalik yung mga nalugi karamihan sa kanila natuto na at baka nga yung ibang nag invest noon nakaabang na lang.

Malamang sa malamang yung karamihan na nag invest dati sa bitcoin sa kasagsagan ng bullrun e hirap na pabalikin ngayon, halimbawa nalang sa tulad ko na bumili ng bitcoin dati sa halagang $20,000 na akala ko tataas pa pero biglang bagsak pala. Siguro iniisip ng ibang nag invest na di talaga familiar sa pinasukan nila e scam nanaman si bitcoin.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
February 24, 2020, 05:32:24 AM
#43
Actually karamihan talaga ng tao na nasa mundo ng crypto ay ganyan ang mindset, iniisip nila na bakit nga ba bibili sa mababang presyo kung di naman siguradong aangat ang presyo nito, pero panay tingin sa presyo at mag sisisi kapag biglang taas na ang price nito.
kung sa presyo ka lang naka depende sa pag iinvest dito sa crypto at hindi sa teknolohiya at sa ibang pakinabang nito pagdating ng araw eh talagang hindi natin mauunawaan ang mga benepisyong maari nating makuha.
dapat ay naniniwala talaga tayo at magtitiwala para hindi man ngayon pero sa hinaharap natin.
sabagay kaya nga Naging sikat na word dito ang HODL/HOLD dahil yan ang isa sa mga paraan para mapakinabangan natin ng mabuti ang ating investments dito.
member
Activity: 406
Merit: 13
February 24, 2020, 05:23:21 AM
#42
Marahil ay nag cecelebrate kana ngayon dahil sa bahagyang pag angat ng BTC sa 10,000 o mahigit kumulang P510,500 piso at marahil ay iniisip mo na tayo ay nasa bullrun na nga talaga.

  • Ayon sa cryptocrunch sa kanilang artikulong inilathala, bahagyang tumataas ang bilang ng mga bagong wallet addresses na nabubuksan sa panahong ito. Ang maganda dito, tinatawag na non-zero addresses ang mga ito kung saan, maikokonsiderang hindi lamang pagtaas ng bilang ng addresses ang magandang balita, kundi pag taas ng presyo ng bitcoin dahil may laman ang mga wallet na ito. Patuloy ang pag angat ng adapsyon sa bitcoin, sa katunayan, ang presyo nito ay umangat ng 30 porsyento ngayong january, at ang bilang naman ng mga address na na generate ay 400,000 sa loob lamang ng pitong araw.


  • Sa aking palagay, ang bahagyang pag angat ng presyo ng bitcoin ay hindi mapipigilan lalo pa't papalapit na ang bitcoin halving. Hindi man ito direktang makaapekto sa pag taas ng presyo ng bitcoin, ito ay mag sisilbing suporta para ang mga buyers at investors ay may asahang kinabukasan sa kanilang investment.

Bilang parte ng ating pagsasaya magandang balitang ito, naisipan ko mag drawing at mag practice,

Isa nga itong magandang balita para sa mga nag bibitcoin at sa mga investor. At sana nga ay hindi na ito bababa ulit sana ay mag stay na sa presyo niya ngayon or sana ay mas tumaas pa at para maka hikayat pa ito ng ibang tao at upang hindi na din mag dalawang isip mag invest yung mga investor.
member
Activity: 420
Merit: 28
February 23, 2020, 11:47:42 PM
#41
Actually karamihan talaga ng tao na nasa mundo ng crypto ay ganyan ang mindset, iniisip nila na bakit nga ba bibili sa mababang presyo kung di naman siguradong aangat ang presyo nito, pero panay tingin sa presyo at mag sisisi kapag biglang taas na ang price nito.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
February 23, 2020, 11:08:35 AM
#40
Tama ka mas maganda mag ipon kapag mababa o bumaba ang price kasi once tumaas dun tayo kikita.

The problem is, kahit kung bumababa ung price, pano mo malalaman kelan ito hihinto bumaba? Kaya the safest parin in my opinion is Dollar-Cost Averaging(or Peso in this case). Kahit kung sa peak ng BTC price kayong nagstart na mag DCA isang tao, kung tinuloy lang ng consistent ung pag DCA, nasa profit na siya ngayon.

Bitcoin DCA back-testing tool: https://dcabtc.com/
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
February 23, 2020, 05:43:37 AM
#39
Dapat talaga pag nakita nating masyadong mababa ang bitcoin imbis na tignan natin to in a negative way ay mas maganda kung titignan natin ito bilang isang oportunidad para sa hinaharap ay makalikom tayo ng sapat na pera. Ganoon dapat ang mind set nating mga Pinoy hindi yung kung kelan natin nakita na mataas ang bitcoin o ibang coin ay saka tayo bibili nito at malulungkot kung biglang bumaba ito. Maging mautak sa mga desisyon mga kapatid.
Hindi na siguro mawawala yung kung kelan bibili kapag nakita na tumataas na ang price. Yung iba kasi naghihintay pa na gumanda ang takbo ng market bago mag ipon kasi kala natin continuous ang magiging pagtaas which is mali ang ganung mindset. Tama ka mas maganda mag ipon kapag mababa o bumaba ang price kasi once tumaas dun tayo kikita. Sa ngayon nakaka recover na ulit ang btc, i expect na talaga natin na magkakaron ng correction kapag tumaas ang price.
May mga times talagang ganyan, Yung feel mo na nabumili kasi ramdam mo na mag poprofit ka kaso biglang babagsak yung price. Been there many times and medyo sanay nako. Tinatry ko talaga na sa dip bumili kaso mas bumababa pa minsan yung price, Pero it's ok if long time holder ka kasi mag poprofit ka padin jan.

May mga kakilala akong ganyan ang mindset, Almost lahat sila bumibili lang kapag nakita nila na tumataas na ulit ang price ng bitcoin kaya naabutan sila ng price correction kaya lugi ang outcome nila kasi hindi naman sila holder. I teached them before pero Idk kung bakit di pa sila natuto, sad to say profit lang din kasi talaga ang habol nila.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
February 23, 2020, 05:28:51 AM
#38
Dapat talaga pag nakita nating masyadong mababa ang bitcoin imbis na tignan natin to in a negative way ay mas maganda kung titignan natin ito bilang isang oportunidad para sa hinaharap ay makalikom tayo ng sapat na pera. Ganoon dapat ang mind set nating mga Pinoy hindi yung kung kelan natin nakita na mataas ang bitcoin o ibang coin ay saka tayo bibili nito at malulungkot kung biglang bumaba ito. Maging mautak sa mga desisyon mga kapatid.
Hindi na siguro mawawala yung kung kelan bibili kapag nakita na tumataas na ang price. Yung iba kasi naghihintay pa na gumanda ang takbo ng market bago mag ipon kasi kala natin continuous ang magiging pagtaas which is mali ang ganung mindset. Tama ka mas maganda mag ipon kapag mababa o bumaba ang price kasi once tumaas dun tayo kikita. Sa ngayon nakaka recover na ulit ang btc, i expect na talaga natin na magkakaron ng correction kapag tumaas ang price.
sr. member
Activity: 882
Merit: 258
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
February 23, 2020, 04:59:16 AM
#37
Tumaas na ulit si bitcoin at sana mag stay na sya sa gantong level though possible paren ang short term correction pero tiwala lang tayo na para sa bull run na talaga ito. Maganda ang unang quarter para kay bitcoin at naniniwala ren ako na mas tatas pa ito lalo sa March.
Pabalik-balik lang ang presyo ng Bitcoin sa $10k at sa mga unang buwan pa lang taon ay maganda na talaga pinapakita nito. Nakakalungkot din isipin na hindi man lang ako nakapag-ipon ng sapat na bitcoin nung bumaba ito. Magandang opurtunidad sana ito para bumili habang mababa pa. May nabasa pa ako na isang artikulo o prediksyon na mas lalo pa itong tataas sa mga susunod na buwan at hindi lang ako ang naniniwala dito halos lahat tayo gusto itong mangyari. At update ko lang kayo, ngayon ayon kay Coins.ph 1BTC=P514,938 ang presyo nito.
Dapat talaga pag nakita nating masyadong mababa ang bitcoin imbis na tignan natin to in a negative way ay mas maganda kung titignan natin ito bilang isang oportunidad para sa hinaharap ay makalikom tayo ng sapat na pera. Ganoon dapat ang mind set nating mga Pinoy hindi yung kung kelan natin nakita na mataas ang bitcoin o ibang coin ay saka tayo bibili nito at malulungkot kung biglang bumaba ito. Maging mautak sa mga desisyon mga kapatid.
sr. member
Activity: 882
Merit: 253
February 23, 2020, 02:21:23 AM
#36
Tumaas na ulit si bitcoin at sana mag stay na sya sa gantong level though possible paren ang short term correction pero tiwala lang tayo na para sa bull run na talaga ito. Maganda ang unang quarter para kay bitcoin at naniniwala ren ako na mas tatas pa ito lalo sa March.
Pabalik-balik lang ang presyo ng Bitcoin sa $10k at sa mga unang buwan pa lang taon ay maganda na talaga pinapakita nito. Nakakalungkot din isipin na hindi man lang ako nakapag-ipon ng sapat na bitcoin nung bumaba ito. Magandang opurtunidad sana ito para bumili habang mababa pa. May nabasa pa ako na isang artikulo o prediksyon na mas lalo pa itong tataas sa mga susunod na buwan at hindi lang ako ang naniniwala dito halos lahat tayo gusto itong mangyari. At update ko lang kayo, ngayon ayon kay Coins.ph 1BTC=P514,938 ang presyo nito.
sr. member
Activity: 1414
Merit: 260
February 22, 2020, 08:03:40 PM
#35
Tumaas na ulit si bitcoin at sana mag stay na sya sa gantong level though possible paren ang short term correction pero tiwala lang tayo na para sa bull run na talaga ito. Maganda ang unang quarter para kay bitcoin at naniniwala ren ako na mas tatas pa ito lalo sa March.
Yan din ang inaasahan natin na tumaas talaga ito lalo ang bitcoin para naman makasabay na rin itong ibang altcoins na matagal ng natulog. Kahit na sa folio ko may mga altcoins ako na sobrang bagsak talaga presyo nito pero aakyat din ito kaya di ko muna sila gumalaw. At magandang balita na rin na nakikita talaga natin na gumalaw yung bitcoin pati ang etherium at sana ito na simula na pag angat nila.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
February 17, 2020, 10:28:57 AM
#34
Bumaba ulit ang presyo ng bitcoin pero sa tingin ko ay mag bbounce back ulit it bago matapos itong buwan. Malaki talaga yung kita sa pag take advantage nun umabot ng $10k.
Madalas kasing laruin talaga yung presyo. Pansinin mo na lang  biglaang pumped and then nag dumped na ulit, bahagyang bumaba baka nagtetest nanaman kung sinoman ang nakakainplwensya sa galawan ng market. Pero tama ka sa palagay ko rin magbobounce ulit yan, malakas ang impact ng
halving kaya maraming maglaalro at magiinvest pag nakakuha ng tamang tyempo.
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
February 17, 2020, 10:24:29 AM
#33
Bumaba ulit ang presyo ng bitcoin pero sa tingin ko ay mag bbounce back ulit it bago matapos itong buwan. Malaki talaga yung kita sa pag take advantage nun umabot ng $10k.
Tama ka diyan napakagandang opportunity para makabili ng mura kung umabot ng $9100 ang pagbaba at biglang bumaliktad asahan natin na as muling pagtaas niyan bka umabot na ng $12k pataas habang papalapit ang halving mas lalong magpapakita ang bitcoin ng biglang taas at baba.
sr. member
Activity: 1372
Merit: 264
February 17, 2020, 08:39:34 AM
#32
Bumaba ulit ang presyo ng bitcoin pero sa tingin ko ay mag bbounce back ulit it bago matapos itong buwan. Malaki talaga yung kita sa pag take advantage nun umabot ng $10k.
sr. member
Activity: 2422
Merit: 357
February 15, 2020, 08:47:51 AM
#31
Tumaas na ulit si bitcoin at sana mag stay na sya sa gantong level though possible paren ang short term correction pero tiwala lang tayo na para sa bull run na talaga ito. Maganda ang unang quarter para kay bitcoin at naniniwala ren ako na mas tatas pa ito lalo sa March.
sr. member
Activity: 644
Merit: 252
February 15, 2020, 06:56:05 AM
#30
Magandang isipin na muli na namang tumataas ang presyo ng bitcoin kahit na hindi pa din ito tuluyang nakakabangon simula ng bumagsak ang presyo noong december 2018. Oo, maganda yung effect ng pagtaas nito ngayon kasi maganda ulit mag ipon, nakakaengganyo ulit bumalik sa pagbibitcoin pero para sa katulad ko na matagal na natigil, simula noong bumagsak ang presyo ay panandalian kong itinigil ang pagbibitcoin , mahirap din magsimula ulit kumita.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
February 15, 2020, 06:51:59 AM
#29
Maganda ang pasok ng 2020 sa merkado ng cryptocurrency dahil sa mabilisang pagangat ng presyo ng bitcoin. Madami nang mga investors ang nag-aacumulate ngayon dahil nalalapit na ang halving pero ang tanong ay magtutuloy-tuloy pa ba ito? Mukhang nagkakaroon lang ng maliit na pullback at patuloy na itong aakyat patungong All-time-high. Napakaswerte ng mga taong nakabili dati noong kasagsagan ng bear market na halos 150k pesos lang ang presyo ng bitcoin, mahigit x3 din ang tubo kung nakabili ka noon.
Yes nitong taon na ito maganda ang pasok dahil nagsisitaasan ang mga coins lalo na ang bitcoin.
Pinapalangin ko at sana pati na rin kayo na magsunod sunod o magtuloy tuloy ang  pag-angat ng bitcoin hindi lamang ngayon buwan kundi sana buong taon itong mangyari.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
February 15, 2020, 12:45:32 AM
#28
yung mga umalis dati dahil sa pagkalugi ay magbabalikan ay magkakainterest o maeengganyo na magpasok ulit ng pera sa bitcoin
Sa tingin ko, mga nalugi dati hindi na babalik pero may mga bago na un din ang target kaya feeling ko dadami nanaman ang bilang ng transactions kaya cguro tataas [soon] din ang Tx fees [tulad dati] at maraming transaction na magiistuck ulit...

hopefully, magtuloy tuloy na ito patungong new ATH.  But honestly, I didn't feel that way.  I feel na mababa pa rin ang presyo ni BTC.  I do not know, probably due to the 2017 ATH.
Para sa akin, mas okay yung presyo ngayon kasi feeling ko mas safer ang support level ngayon compara noon...

I like to see Bitcoin to break its previous all time high, at siguro doon pa lang ako mag-sasaya. 
Paano kung ang sumunod dun is isang malaking pagbagsak [usually un ang kinalabasan]?

At kailangan din naman siguro sumabay din ang mga altcoins sa sobrang dami ng altcoins na hold natin halos yung iba walang presyo at nakaimbak nalang sa folio natin dahil wala na itong pansin sa gumawa.
Pag dating sa less known altcoins, madalas di magbabago un presyo sa mga ganitong panahon pero un ibang known alts, madalas tumataas din ang value.

But once na bumagsak ito panigurado marami ulit ang maga-out sa space na ito. I am not saying na bad thing ito,
Agree ako sa una mong point pero dun sa pangalawa, hindi...
  • Sa mata ng marami, BTC is just an investment [unfortunately] kaya di nila ginagamit ito sa tamang paraan.
sr. member
Activity: 658
Merit: 274
Wish for the rain? Then deal with the mud too.
February 14, 2020, 11:27:03 PM
#27
May two sides itong adapsyon na ito sa kasalukuyan. Well wala rin naman akong authority para magsabi nito, pero, nadagragdagan ang pagtaas nitong bitcoin dahil sa hype nito ngayon. But once na bumagsak ito panigurado marami ulit ang maga-out sa space na ito. I am not saying na bad thing ito, my point is kung gaano nila pinanghahawakan itong paga-adopt nila sa bitcoin, not only for the sake of having profit, para na rin sana maka-contribute sa pagpapalago sa environment, community at as well price na mayroon si bitcoin ngayon.



I like the art, man.
sr. member
Activity: 1400
Merit: 283
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
February 14, 2020, 07:48:34 PM
#26
Maganda ang takbo ng price ng bitcoin ngayon dahil kung mapapansin mo unti unti syang tumataas. Kasi kung biglang taas o makikita ko yung long green candle in a short period of time napapabenta talaga ako kasi inaasahan ko na ang kasunod nyan. Sa ngayon maganda ang takbo mabagal pero pataas kaya hold muna.
Uu nakikita talaga natin na maganda ang takbo ng bitcoin sa ngayon at sana nga lang mag tuloy2x ito hanggang sa sinasabi natin noon sa malaking halaga. At kailangan din naman siguro sumabay din ang mga altcoins kasi sa sobrang dami ng altcoins na hold natin halos yung iba walang presyo at nakaimbak nalang sa folio natin dahil wala na itong pansin sa gumawa.
Pages:
Jump to: