~ Being said naisip ko lang po, if we do this process to store our money sa mga wallets natin we are not helping the growth of our economy.
Almost the same with saving fiats sa ating mga piggy banks actually. Pagkakaiba nga lang, yung fiat ay patuloy na bumababa ang value/purchasing power samantalang ang bitcoin naman ay pataas (most likely).
In case of storing bitcoin, I wouldn't say hindi siya totally nakakatulong sa growth ng economy. If storing up and hodling would make someone rich in a few years, who knows anong pwede niyang gawin sa pera niya. Maybe he could also start a business of his own and hire employees...the list goes on. Baka nga mas malaki pa yung maiambag niya sa ekonomiya bilang mayaman kumpara sa pagiging middle class o mahihirap na maraming gastos araw-araw.
~
First of all, ang pagsasave ng ating pera sa bangko doesn't mean it will grow. it depends if you'll just store it, or let the bank make it grow through either Mutual Funds or Investments. Kaya lang naman kumikita ang bangko, AFAIK, is dahil sa fees through transactions and somehow they manipulate those savings onto making it big nang hindi mo choice, kasi in fact pera lang yun eh may label lang ng pangalan ng owner. Hence, saving money in banks doesn't always ends up na nakakatulong sa economy. (mas malaki padin ang tulong ng taxes)
Allow me to expound on the OP's point on how depositing money helps boost the economy.
Kung ikaw nag-deposito sa bangko (hindi na mahalaga kung anong klaseng account), papaikutin yan sa iba't ibang klase ng business o investment.
Halimbawa, nakapagpatayo ang isang negosyante ng isang start up business dahil pinautang siya ng bangko.
Dahil dun, nakapag-provide siya ng trabaho sa tao.
Si bagong empleyado naman, nagkaroon sweldo at meron nang panggastos.
Kapag bumili si empleyado sa isang tindahan, babalik puhunan nung may-ari at kikita.
Dahil dun, magpapatuloy siya sa kanyang negosyo at patuloy din siyang makakapagbigay ng trabaho sa iba.
Paano naman ito nakaka-boost ng ekonomiya? Well, mula sa pasweldo hanggang pamimili at pagbebenta, may nakakabit na tax ang mga yan (personal/corporate income tax, percentage tax, VAT, atbp.)
Sa side naman ni bangko - nag-safe keep siya ng pera ng ibang tao > pinautang niya > kumita ng interest > yung interest pwede niya ulit paikutin by lending o kaya naman sa traditional business at investments.
Nasusundan mo na ba yung flow ng pera?