Useless na dn na magtransfer kung bumagsak na ang holdings value tapos magbabayad kapa ng mataas na fee. Hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng ganitong dilemma since gusto ko sana bumili ng altcoins gamit ang parte ng Bitcoin ko kasi instant loss agad sa fee kapag magtransfer kaya power hold na nga lang talaga hanggang matapos itong Rune shit hype.
Unless nalang kung kailangan na kailangan ay mura narin yan kahit pano kumpara sa mga nakaraang araw. Pero kung hindi naman ganun pa need ng financials ay hold nalang din muna
for awhile. Kaya mabuti nalang din ay kahit papaano ay bumabalik na ulit sa normal, at mukhang nanawa narin yung mga sumusuport sa Rune.
Sana nga at magtuloy-tuloy na ulit hanggang sa magbalik sa normal na ulit yung fee ng bitcoin. Though in some angle, ay may pakinabang naman talaga at yun ay hindi man makapagtransact nakakapaghold naman tayo ng Bitcoin.
Yun lang talaga ang drawback kasi aminin man natin o hindi may mga ilan satin na umaasa talaga sa mga campaign payments para makaraos linggo linggo. Kaya pag tumaas ang fee eh talagang mapapakamot ka ng ulo mo dahil kailangan mo ang pera.
Pero buti na lang, halos normal na ang fee ang mababa na hindi katulad nung after Halving.
So pwede na ulit tayo mag withdraw, kaya lang tumaas naman ang presyo hehehe, at dahil dyan, HODL na lang ulit.
Actually ngayon sa Bitpay, yung transaction fee nag rrange siya around $1-$1.50 kaya medyo nag mura na siya compared nun time of the halving na around $50 yung fee.
Actually totoo- blessing in disguise na mataas ang transaction fees kasi medyo forced ka to HODL your coins instead of sending it to a certain exchange for liquidity to peso. Medyo ganun kasi yung nagagawa ko weekly na every BTC na pumapasok sa Bitpay wallet ko, sinesend ko siya agad sa coins.ph account ko for liquidation. Pero since mataas ang fee during that time (and ngayon medyo din), medyo forced ka talaga to hold your coins and dahil dito indirectly kang nakakapag invest for long-term.
Kayo guys, kamusta naman yung pag HODL niyo? Bumaba yung price ng BTC to around p3.3m and ngayon tumaas na siya to p3.7m. Nakapag take advantage ba kayo during nun dip ng price and nag purchase din ba kayo ng BTCs during that time?