Anyway, kung security ang concern mo pwede ka naman talagang mag panggap and sa tingin ko safe naman ito kase mga pinoy lang naman den ang kasama mo. Parang seminars lang ito about sa Bitcoin, yun nga lang need talaga mag spend if you really want to join. Kung weekend lang den ito, baka iconsider ko ang pagpunta dito.
Pero ito kase sa Boracay at medyo malayo, iba pa yung fare mo at iba pa yung sa accomodation at iba rin sa entrance. Tingin ko ok rin naman yung ganyan kasi nga yung mga willing lang talaga ang a-attende kapag ganyan.
Mas maganda sana kung wala ng registration fee at hindi limited ang slots ng sa ganon yung gustong pumunta habang nasa boracay ay magka interes na sumali. Kaso ang layo ng venue para samin na taga south luzon, kaya kahit gustuhin man eh imposible at isa pa ang laki din ng magagastos. Anyway, maganda naman may ganitong klaseng event ang Pouch kasi mas marami pang maiimpluwensiyahan na tao ang gumamit din ng Bitcoin at maging aware sa uses nito.