Hindi lang ito ang unang mixers na na seize pero kung merong na close, meron namang bagong mag ooperate, parang recycle lang talaga ang nangyayari. Kinatatakutan ko is baka balang araw wala na talagang mixers na mag exist. Anong say ninyo didto?
Hindi mawawala ang mga mixers kasi mayroon silang malaking market, pero kung sakali na gawing ilegal na talaga lahat ng mga mixers baka sa clearnet lang sila mawala pero sa darknet na lang sila mag exist.
Pero kung makakagawa sila ng paraan na wag sila magamit ng mga money launderers may posibilidad na maging legal na sila at pwede na sila makapag promote dito sa Bitcointalk.
Sa tingin patuloy na mag eexist ang Bicoin mixer maaring di na lang sila maging maingay dito sa clearnet sa darknet na lang sila kasi mas ligtas sila doon.
And hindi naman lingid sa kaalaman natin na meron other side hindi lang ang clear net and yung mga gumagamit ng mixer sa illegal na actibidad patuloy lang silang mag eexist, mahirap lang talagang banggain yung gobyerno pag tinutukan na sila kaya posibleng matuluyan yung pag papasara sa mga ganitong uri ng negosyo unless magawan nila ng paraan yung pagbabawal ng mga illegal na transaksyon na dumaan sa serbisyo nila.
Tignan na lang natin ang itatakda sa mga darating na panahon kung makakasurvive ba sila or tuluyan na silang mawawala at
ipagbabawal na magamit sa usual internet base access ng publiko.
Tama, paniguradong hindi lang dito sa forum nag eexist ang mixer pero hopefully malinis na nila ang mga dapat maiayos lalo na ang usaping illegal activities like money laundering para tuluyan padin silang makapag promote dito sa bitcointalk. Sa ngayon, ang mga member ng mixer campaign ay gumagawa na ng paraan para makahanap ng mallilipatang campaign dahil mas mabuti ng maaga dahil wala pang kasiguraduhan kung ano ang magiging lagay ng mixer pagdating ng bagong taon.
Hindi natin kontrolado yan, sa aminin naman natin o hindi, ginagamit talaga ang mixer ng mg kriminal sa mga illegal activities. Ang pinakamalaking gumamit nito eh ang state sponsored hacking group na Lazarus ng North Korean. Alam naman natin na ang North Korean ay maraming kaaway, isa na rito ang US kaya talagang pag nag suspek ang US na ang isang mixer ay ginagamit nila, talagang hahabulin to at ipapasara. Hindi naman bawal talaga ang mixer, kahit ako dati gumagamit nito, talaga lang sa lahat dito sa mundo, may maganda ang masama nadudulot ang mga serbisyo katulad ng tumbler na to. So dito sa tin sigurado na wala ng promotion at lipat na ang karamihan ng campaign sa kabilang forum.