Possible nga nag $1000 to $1500 ang bitcoin yan ay kung ang price growth ng bitcoin ngayong december ay natural. Pero kung ito ay isang manipulasyong ng isang balyena Malamang pagtama ng lampas $1000 magkakaroon nanaman ng pagtatama sa presyo ng Bitcoin. Sa tingin ko magkakaroon ng pagtaas at pagbaba ng mula 920 dolyares hanggang 1000 dolyares.
Sa ibang angulo posible ring mangyari ang nangyari noong 2013 to 2014. Ibig sabihin ang 2016 ang kumakatawan sa 2013 kung saan nagkaroon ng mataas na pag-angat ng presyo ng bitcoin hanggang umabot it ng pinakamataas na presyo at susundan ng unti unting pagbaba ng 2017. at ang 2018 ay magiging katulad ng 2015 kung saan panahon ng pagrecover ng bitcoin mula pagkakabagsak ng presyo ng 2014 at ang posibleng maging 2016 ngayon ay ang taon ng 2019. Pagsasaalang-alang ng pagulit sa mga naganap na pangyayari noong lumipas na taon.