Hindi ko na iniisip masyado kung ano man ang dahilan ng minor correction na nangyayari sa bitcoin, alam naman natin na normal lang ang ganitong sitwasyon. Kahit papano nakapag sell ako kahit konti nung nag $50k yung price ulit kaya ayos na rin. Ganun din ang sa akin, yung kinikita ko sa campaign yung pinaka main source ko sa pag iipon ng bitcoin.
Tama ka dyan kabayan, iba iba kasi ang practice at mindset ng mga tao, meron nag sscalp at meron naman talagang long term ang habol, sa current na nangyayari maganda pa din naman kasi may mga support pa rin na naghohold at bumibili, hindi pa naman totally bagsak na bagsak,
sa madalas na pangyayari kasi itong setyembre talaga ang hindi magandang buwan, abangan na lang siguro natin yung mga susunod na mangyayari.
Possibleng tumaas at posible ring bumaba, depende sa mangyayaring updates at mga development sana lang mas madaming adoptions at mga bagong investors para positive ang maging impact sa market.