Pages:
Author

Topic: Bitcoin price trajectory gamit ang AI (Read 155 times)

hero member
Activity: 2926
Merit: 567
May 01, 2023, 10:32:16 AM
#21
Ang alam ko ang mga AI na yan ay nagagamit pang extract ng mga kaalaman na nasa data base, kaya nga suitable ito sa engineering at architeture at history, kasi establish na yung mga facts at solution, pero pag dating sa prediction hind ko sigurado ang kakayahan ng mga AI, aasa lang ito sa mga i fefeed sa database pero yung mga unforseen events tulad ng nangyari sa FTX di sigurado na magagawa nila ito.

Pwede mo ito i test at i compare para maka come out ka ng comparison pero 100% na aasa ka dito parang mahirap ata.
sr. member
Activity: 952
Merit: 303
April 30, 2023, 08:54:56 AM
#20
      -  Alam naman natin na pagsinabing prediction, pwedeng mangyari at pwede ring hindi, kaya nga hula lang. Ngayon, yung sinabi na sagot mula sa AI kahit sino naman ding tao pwede ring sabihin yang sagot ng AI. Saka kung ako yung gumawa ng AI, natural kung ano yung ilalagay ko sa program nya yun lang naman din ang sasabihin nya regarding dun sa tanung sa kanya na ganyan.

Saka mas maganda ng iasa natin sa ating mga sarili ang pagredict sa bitcoin kumpara sa iasa natin sa AI system. Kaya nga lalabas pa nyan sa huli ay pwedeng hindi na maging updated yang AI pagdating ng panahon.
sr. member
Activity: 1666
Merit: 426
April 28, 2023, 11:53:29 PM
#19
Well technically kaya ng AI mapredict ang price trajectory ng Bitcoin but don't expect a high accuracy on this one. Pwede itong gamitin as a reference tho, but I suggest don't rely too much on this one because as you have said the information are gathered from the internet, then it means the source could not be reliable or whatsoever. So, it is much better if we will verify the information presented by the application or make our own.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1225
Enjoy 500% bonus + 70 FS
April 28, 2023, 07:19:34 AM
#18

Kahit na maperpekto ang AI, no one can fortell the future.   Kaya subject pa rin sa error ang mga predictions na gagawin ng isang AI program kahit na maenhance pa ito.
Bumabase lang kasi sila sa mga data na available sa database nila o sa compilation sa online pero wala ito insight, sa di perpektong market lahat ay pwede mangyari kaya tulad mo di ko rin iaasa sa AI, may mga biglang pangyayari na hindi sakop ng AI, factual ang AI kung magsalita pero ang fact na ito ay dahil sa mga nakaraang series of events.

Tao pa rin talaga ang may kakayahan na madesisyon dahil mayroon sila intuition sa mga series of events na pwedeng mangyari, hindi pwedeng magtatanong ka sa AI tapos hindi mo na susundan ang market, pag nag invest ka sa Crypto market dapat protektahan mo ang portfolio sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kaganapan sa market at sa industry.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
April 22, 2023, 04:32:43 PM
#17
Kayang magpredict ng bull run gamit ang AI pero hindi lang natin sigurado ang accuracy nito.  Alam naman natin na ang Chatgpt answer ay naayon lamang sa mga data na nafeed sa kanya.  At kung sakali man na may access ito sa internet, ay lilikumin lang nito ang mga nagkalat na prediction online at isassumarize niya ito.

Kaya hindi maaring gamiting solidong basehan na mangyayari ang ipipredict ng AI.

Quote
May point ka kabayan pero siguro pagdating ng araw na umunlad pa ang Artificial Intelligence siguro ay maaari itong maging basihan man lang sa market hindi man neto kayang mapredict ng accurate ang market.

Kahit na maperpekto ang AI, no one can fortell the future.   Kaya subject pa rin sa error ang mga predictions na gagawin ng isang AI program kahit na maenhance pa ito.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
April 22, 2023, 04:18:26 PM
#16
Ok ito kung mangyayari talaga pero syempre, AI is just basing its prediction on the data being recoded on its system, mahirap paren mag base with this prediction especially if its not supported ng kahit anong analysis. Anyway, ang bull market naman talaga ay paparating na as we try to get more positive momentum, let’s hope na mangyare ito this year at sana makabangon na ang mga projects kung saan tayo nalugi.
full member
Activity: 1028
Merit: 144
Diamond Hands 💎HODL
April 22, 2023, 11:40:59 AM
#15
Hindi ko masyado iaasa sa prediction ng AI yung magiging desisyon ko pagdating sa holding. Oo, pwedeng nape-predict niya yung mga sasabihin niya tungkol sa market at pwedeng may sense mga sinasabi niya. Pero hindi natin masasabi na magiging sakto yung pagkapredict niya.
Ang mahirap lang diyan kapag may mga taong umaasa ang desisyon nila sa AI pagdating sa desisyon nila sa paghold ng bitcoin, wala silang masisisi kundi yung chatgpt.  Grin
Tandaan natin na masiyadong volatile ang bitcoin para ma predict ng tama.

Tama ka jan kabayan hindi pa talaga accurate or siguro hindi talaga kayang mahulaan ang paggalaw ng market dahil maraming mga dahilan ang nakakaaperkto sa paggalaw neto.

If you believe in predictions you will probably believe at least any predictions you read here in the crypto space. Because I don't believe in the predictions I read here in this industry.

     If the person who has his own emotions and feelings cannot correctly predict the future because no one knows the future, how about an AI that is not human. That's why it's called AI which means "Artificial Intelligence" that the word "Artificial" in other translations is "FAKE" not true, so why would you believe something you know is not true.

May point ka kabayan pero siguro pagdating ng araw na umunlad pa ang Artificial Intelligence siguro ay maaari itong maging basihan man lang sa market hindi man neto kayang mapredict ng accurate ang market.

With the rise of AI. Still mahirap padin mag tiwala kasi wala pang AI history na na predict yung galaw nf bitcoin pero according sa image na included sa post is mukang logical naman yung sagot ng AI and possible siya. Naka depende nalang sa point of view natin if ok ba saatin yung sinabi ng AI. Long term personally is bullish ako sa bitcoin and I know majority satin yung ganun kaya yung laman ng internet is bullish din long term, this is why I see na ganun din ang AI since finefeed lang sila ng data galing din sa internet.

Makikita sa link na hindi pa kaya ng Chatgpt ang mga ganitong katanungan at limitado rin hanggang 2021 lamang ang mga impormasyon na kaya netong mabigay sa atin. Mayroong posibilidad kung latest ang mga impormasyon na nakukuha ng Chatgpt maaaring mapredict ang galaw ng market pero dahil hanggang 2021 lang ang impormasyon limitado ito, sa link gumamit ng "jailbreak" ang user para malabas ang kakayahan o maunlock ang ibang feature ng ChatGpt pero para sa akin wala pa rin naman itong kinaibahan.

member
Activity: 1103
Merit: 76
full member
Activity: 2086
Merit: 193
April 21, 2023, 03:50:38 PM
#13
Bumabase lang din naman ata yung AI sa price historical data at mga narrative na nakukuha online so ang prediction na iyan ay half valid at Isa paring espekulasyon. Para sa akin, patuloy lang itong aakyat base na rin sa history neto at malapit na rin yung halving na isa ring turning point kung saan tataas ang Bitcoin o start ng bull market.
Ito ren ang nasa isip ko, since may historical data mas madali sa AI to predict the future and many is expecting the price to pump kase nga halving is coming so I believe possible ito and it will depend on you if you are going to believe on this or not.

For me, I have to be prepared, and doing some DCA now para at least for the next pump ay ready ako. Bitcoin will make its new ATH in time, let’s believe on this.  Cheesy
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Degen in the Space
April 21, 2023, 11:53:05 AM
#12
...

U just asked what's ChatGPTs view sa bitcoin, no analysis, no statistical explanation kung ano ang future ng crypto. Medyo madami ngang masyadong nagamit ng ChatGPT nowadays, pero ang data gathered niyan is based lang din sa historical data at sa ibang analysis na makikita sa internet. So ang mabibigay lang ni chatgpt is view niya regarding bitcoin which is SAME lang din naman sa perspective ng ibang influencers, analyst and experts pagdating sa market so katulad nalang ng response niya sayo which is a general response ng halos karamihan patungkol sa crypto.

Yes oks gumamit ng price analysis gamit AI pero I think chatgpt isn't the best for that. Or pwedeng gamitin ang model ni GPT para gumawa ng AI na focused sa structure ng chart para mapredict ang price or gumawa ng sariling model (sariling data mo at algorithm sa pagnconclude ng gusto mong output) pero still, mahirap pa din maachieve yun dahil nga sobrang volatile ng crypto, kasi based sa mga experience natin sa crypto, alam nating madaming kaganapan sa crypto. Sobrang unpredictable or mababa ang chance para tumama ang prediction dahil nga decentralized, Whales can influence the environment in many different ways sabi nga nila and bigla bigla ito nangyayari, mas ahead pa din ang tao pagdating sa part na 'yon.

It doesn't mean that AI is powerful, no emotions and such, eh super reliable na. Saktong paggamit lang pero mas okay na ikaw mismo eh kayang mag TA sa crypto, dami namang inooffer diyan, even Binance nagooffer ng ganyang course. Mas kontrolado pa mga galawan sa crypto.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
April 15, 2023, 01:24:24 PM
#11
Bumabase lang din naman ata yung AI sa price historical data at mga narrative na nakukuha online so ang prediction na iyan ay half valid at Isa paring espekulasyon. Para sa akin, patuloy lang itong aakyat base na rin sa history neto at malapit na rin yung halving na isa ring turning point kung saan tataas ang Bitcoin o start ng bull market.
sr. member
Activity: 1820
Merit: 436
April 15, 2023, 01:21:30 PM
#10
Maganda ang concept dahil kung ikukumpara ang tao sa AI ay walang emosyon ang AI at maaaring maging isang asset sa pagkuha ng prediksyon pagdating ng araw pero sa tingin ko ay maramin pang kulang dito sa ngayon dahil na rin sa nakulangan ng data ng Chatgpt ay hindi neto magagawang malaman ang mga napapanahong balita tungkol sa crypto at hindi ko ipagkakatiwala ang pera ko sa isang AI. Tingin ko pagkalipas pa ng ilang taon ay mastataas pa ang chance ng mga AI na makapredict ng mga ganitong paangyayari dahil na rin sa trending ang AI ngayon maraming investors ang naginvest sa AI technology ay sa tingin ko  hindi man ito makapredict ng ng accurate sa market ay maaari itong makapredict ng mayroon mataas ng chance na tumama.

I mean mostly naman ay predictions lang naman talaga and hindi naman talaga accurate ang mga lumalabas so possible basta maging high chances lang ang mga prediction ng AI ay okey na ito.
hero member
Activity: 2268
Merit: 789
April 15, 2023, 12:48:42 PM
#9
Hindi ko masyado iaasa sa prediction ng AI yung magiging desisyon ko pagdating sa holding. Oo, pwedeng nape-predict niya yung mga sasabihin niya tungkol sa market at pwedeng may sense mga sinasabi niya. Pero hindi natin masasabi na magiging sakto yung pagkapredict niya.
Ang mahirap lang diyan kapag may mga taong umaasa ang desisyon nila sa AI pagdating sa desisyon nila sa paghold ng bitcoin, wala silang masisisi kundi yung chatgpt.  Grin
Tandaan natin na masiyadong volatile ang bitcoin para ma predict ng tama.

Actually, hindi ko din alam kung ano ang basis ng AI dito kasi pwede lang naman din siyang kumuha ng various data na walang confirmed sources at the end. At the end of the day, medyo risky if completely tayo mag dedepend sa AI sa prediction kung tataas man ang price ng BTC or hindi.

Sa mga ganitong sitwasyon, better pa rin kung tayo mismo ang gumawa ng ating sariling forecast based din sa sarili nating research. Since pinag uusapan din kasi dito pera and investment, better do it on your own to reduce the risk of you losing money in the end.
hero member
Activity: 2954
Merit: 796
April 15, 2023, 12:19:28 PM
#8
Sa palagay ko ay posible ito dahil ang price trajectory analysis naman ay base sa historical data na related sa Bitcoin. Kailangan lng ng tamang source ng data ay maaring magkaroon ang AI ng maayos projection. May mga data analysis company na kagaya ng glassnode na pwedeng kuhaan ng AI ng data para sa price analysis.

Kaya kung posibilidad lang ang paguusapan ay masasabi ko na pwede talaga pero hindi plang talaga nagagawa sa kasalukuyang mga AI na available sa web. Malaki ang potential ng AI project kaya malaki ang investment ng mga mayayaman sa project na ito.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 315
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
April 15, 2023, 12:15:12 PM
#7
Kahit sa ibang discussion binabanggit na kung kaya bang ma-ipredict ng AI yung value ni Bitcoin. Tulad nang sinabi ko 'don, possible naman siya since most information na binibigay ng AI na si ChatGPT is based din sa mga facts information online kumbaga nag concluded lang yung AI na pwede yon mangyari sa mga nalakap niyang information. Pero kung ganon basehan 'di pa rin goods na dun tayo magbased since volatile nga yung Bitcoin and may mga news pa na pwede makaapekto sa pagtakbo ng value dito. Much better pa rin to do your own analysis and research gawin niyo nalang second opinion yang sinasabi ni AI pero never kayo dun mag rely ng calls niyo in Bitcoin.
sr. member
Activity: 1764
Merit: 260
Binance #SWGT and CERTIK Audited
April 15, 2023, 11:41:09 AM
#6
Kaya bang mapredict ng AI ang Bullrun?
Ang artikulong ito ay nakakatugon sa interes sa pagtatanong kay Chatgpt tungkol sa presyo ng Bitcoin. Bilang isang trader, ginagawa natin ang maraming research upang maaring mabantayan ang posibleng pagtaas o pagbaba ng presyo sa market. Ang mga sagot ng AI na nakalap din naman sa internet na maaaring magbibigay ng posibilidad na maaring netong magpredict ng presyo ng Bitcoin. Kung mayroong masamang balita tungkol sa Bitcoin, maaaring bumaba ang presyo nito ng kaunting porsyento depende sa mga balita. Kung nakikita ito ng Chatgpt, maari itong magpredict ng presyong darating? o gumawa ng isang trader bot?

General answer naman din ang ibinigay nya. Nagmention lang din ng mga reason kung bakit yun yung tingin nyang mangyari. Walang technical or chart analysis base sa market chart ng Bitcoin mismo. I do agree din naman sa sagot ni GPT sa part na yan, pero paano naman yan kung itatanong mo is hindi popular na cryptocurrency? I doubt na makakapagbigay sya ng prediction.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
April 11, 2023, 07:52:38 PM
#5
With the rise of AI. Still mahirap padin mag tiwala kasi wala pang AI history na na predict yung galaw nf bitcoin pero according sa image na included sa post is mukang logical naman yung sagot ng AI and possible siya. Naka depende nalang sa point of view natin if ok ba saatin yung sinabi ng AI. Long term personally is bullish ako sa bitcoin and I know majority satin yung ganun kaya yung laman ng internet is bullish din long term,
Pu-puwede din kasing hype palang ito sa ngayon at hindi pa natin masasabi na kapag related sa AI at bitcoin at cryptocurrency projections saka predictions, parang ang hirap lang na aasa ka sa ganyan. Siguro kung nangangalap ka lang ng mga impormasyon, okay lang at magandang basehan at source yang ai o chatgpt.

this is why I see na ganun din ang AI since finefeed lang sila ng data galing din sa internet.
Oo, mga data na binibigay ni ai galing lang din sa web pero maganda kasi factual ang halos lahat pero sa usaping future, hindi natin masasabi na perfect at accurate.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
April 11, 2023, 06:28:04 PM
#4
With the rise of AI. Still mahirap padin mag tiwala kasi wala pang AI history na na predict yung galaw nf bitcoin pero according sa image na included sa post is mukang logical naman yung sagot ng AI and possible siya. Naka depende nalang sa point of view natin if ok ba saatin yung sinabi ng AI. Long term personally is bullish ako sa bitcoin and I know majority satin yung ganun kaya yung laman ng internet is bullish din long term, this is why I see na ganun din ang AI since finefeed lang sila ng data galing din sa internet.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
April 11, 2023, 06:21:02 PM
#3
If you believe in predictions you will probably believe at least any predictions you read here in the crypto space. Because I don't believe in the predictions I read here in this industry.

     If the person who has his own emotions and feelings cannot correctly predict the future because no one knows the future, how about an AI that is not human. That's why it's called AI which means "Artificial Intelligence" that the word "Artificial" in other translations is "FAKE" not true, so why would you believe something you know is not true.
hero member
Activity: 2632
Merit: 582
Payment Gateway Allows Recurring Payments
April 11, 2023, 04:42:39 PM
#2

Jump to: