Malaking HINDI. Unang una kase napakaliit pa ng population sa Pinas ang nakakaalam ng bitcoin, magkakagulo at mapupuno lahat ang kalsada ng mga taong nagrarally. Pangalawa, napakabagal ng internet dito sa ating lugar, meron pa ngang mga lugar na hindi man lang uso ang internet, facebook at twitter, mas lalo na kaya ang bitcoin. Pangatlo, napakahirap ng mga tao sa Pinas, sa tingin mo ba ganun na lang papayag na papalitan ang pera nila na ganun kababa ang palit? Meron akong 20K papapitan na lang bigla ng .12 bitcoin? Syempre ang iisipin ng tao niloloko na sila. At panghuli, mahirap man, pero matatalino ang mga Pinoy, oo mapagaaralan nila, pero sa pabago bago na presyo ng bitcoin ba sa tingin mo papayag sila? Hindi. Kaya para saken napakaaga pa para isipin naten ito. Baka nga umabot na ng $20K ang bitcoin, di pa ito dapat pagusapan.