Well, di ko rin expected na lilipad ng ganto si bitcoin as early as today, medyo overwhelmed lang siguro ako na currently nasa 44-45ish price range siya which is more than what I expected. Tinigil ko muna DCA ko in BTC and focus ako sa alts ngayon pero once na magka correction yung price ni bitcoin ay bibili ako ng maramihan since I personally think na may last dump pa na mangyayari at yun yung last time na makakabili tayo ng discounted bitcoin before bull run. It's just my speculation guys pero sa ngayon focus muna ako on alts, even if mag tuloy tuloy man tumaas yung bitcoin ay ok na ako sa hodlings ko.
I just hope na mangyari ngayon ang katulad na nangyari last 2021 na umabot sa ATH of around p3.5m ang BTC noon. Yun nga lang, after a few months after that, nag crash yung BTC and bumalik siya sa around ~p2.0m range.
Since papalapit na din ang fork, ano ang expectations niyo? Ngayon ba ay nag sisimula na din kayo mag HODL para ma take advantage niyo ang papalit na bull run ng BTC? Sa current situation ko, medyo forced akong mag HODL due to high transaction fees ko sa BitPay kaya nagiging win-win situation din ito sa akin.
pero bago tumaas ang presyo ng Bitcoin ay palaging nagkakaroon ng isang malaking pagbagsak ng presyo sa Bitcoin sa araw mismo ng halving or siguro bago ito mangyari.
Lahat may posibilidad na mangyari at kailangan lang natin maghintay at huwag nalang tayo magexpect para tamang galaw at react lang din tayo. Kung sa ganito naman, di na ako magexpect na baka magkaroon ng malaking correction pero dahil lahat naman posible, pupuwede din mangyari.
Tama ka jan kabayan naalala ko rin noong nakaraang halving ay tuloy tuloy rin ang aking bili at accumulate noon ng Bitcoin dahil akala ko ay dirediretso na talaga ang pagtaas ng presyo neto sa market, pero sobrang lakas pa rin talaga ng hype lalo na kapag nakikita naten ang chart na patuloy na tumataas maraming mga newbie ang nagpapasok ng pera at madaling maglabas ng pera dahil na ein masyadong volatile ang market naten sa ganitong pagkakataon kaya masmaganda siguro DCA pa rin.
DCA pa rin talaga kasi kahit anong gawin natin tapos nandiyan na yung halving, isa at isa lang talaga ang magiging galaw ng market. Mas maganda na maging handa nalang kasi kapag dumating na mismo yung bull run ay may madudukot tayo. Yung FOMO nandiyan lang yan kasi ang mahalaga ay dapat hindi ka din maiwan lalo na kung medyo matagal tagal ka na din dito sa market na ito. Ang mahirap lang naman ay yung mga baguhan na mahahype ulit at baka sa peak bumili, samantalang tayo matagal tagal na nakapagDCA.
anlaking bagay na sana ng patuloy na umangat ang presyo sa paglipat ng taon pero syempre may biglang pagbagsak dahil sa corrections , now maganda nnman ang takbo ng presyo ang tanong na lang eh mananatili kayang mataas hanggang mapag desisyunan ang ETF? malaki ang magbabago sa susunod na mga araw depende kung anong kalabasan .
pero maganda na ang 45k na kinalabasan ng pump kaya ok na din siguro na mag dump if ever walang approval na mangyari .
I think na tuloy tuloy pa sa pag taas itong magiging price ng BTC. Since malapit na nga din ang fork, it is really recommended na to HODL muna ang BTCs natin to take advantage of this price boost in a few months coming from now.
As someone na nandito sa forum since 2017, biggest regret ko talaga is cashing out my BTCs agad agad without fully taking advantage of the time. Kaya this time, natuto na ako and naka focus na ako for long-term advantage and investment.