Sa tingin ko wala ng kakayahan si Nakamoto na controllin ang bitcoin kasi sabi nung nabasa ko sa bitcoin discussion wala daw nag cocontroll ng bitcoin. Pero napakahirap rin paniwalaan. Pano ito tumaas at pano ito bumababa if walang nag cocontroll? napaka hirap hanapin yung sagot nito kasi purpose ng bitcoin is to be anonymous yung user.
Wala talagang makaka-control ng bitcoin kasi nasa protocol nya yan. Nakadisenyo ang bitcoin para ma-usisa ng lahat at mausisa ang lahat tungkol sa bitcoin. Transparent kasi siya, ang code open source. So lahat pwedeng i-analyze at i-validate. Ang transactions at balances tamper-proof kasi massively peer-reviewed ang buong network kaya sinasabing walang nagcocontrol.
About sa presyo naman ng bitcoin, basic economics lang yan. Law of supply and demand ang sinusunod dahil kung tumaas ang demand sa natitirang bitcoin na umiikot sa mercado, ang presyo umaakyat/nagmamahal. Ang supply di ba finite, ibig sabihin bilang lang. So, pag high demand = price increase; pag bumaba ang demand, price decrease
Sa issue naman ng anonymity, wala kasing pangalang naka identify sa bitcoin transactions. Yung wallet ad lang ang meron ka, kumbaga yun na ang digital name mo at yung transaction hash ang paraan para ma-trace mo ang transaction mo kaya anonymous ka