Nakakatawa kasi totoong pera lang naman ang lahat kaya uncommon ng suicidal cases due to cryptocurrency loss, NGUNIT nakakalungkot kasi totoong may natatalo right after nilang mag buy nung time na antaas ng BITCOIN tapos ngayon is kalahati.
Well, marahil bihira naman ang mag susucuide nang dahil sa loss ng investment nila sa ano mang platform, pero ang kaso kasi dito, kung ang isang tao ay mayroon ng iniinda katulad ng break ups, at iba pang mabigat na problema, kung sasabay ang market sa ganitong pagkakataon, talagang makaaapekto ang market sa desisyon ng isang tao. Dahil diyan, hindi imposible na may madepres talaga kaya mahalaga ang mga hotline na inilahat mo OP.
Kahit ako naisipan kong bumili noong time na pataas yung price nya specifically midst ng 500,000 PHP pa yun. LOL. But then kung ako din yung bibili sa ganoong halaga tapos pagkagising ko kalahati ng yung presyo, talagang ako rin mismo sa sarili ko mas pipiliin nalang mawala dahil anlaking pera ang mawawala sa iyo nun tapos maghahalo pa yung doubts at confusions kasi nga ang crypto is so volatile at parang bula lang.
Minsan nga madalas iniisip ko nalang na hindi pa ako talo sa market hanggat hindi ako nag bebenta, eh paano kung kailangan mo na talaga ng pera, doon natin marerealize ang pagkatalo natin sa market, kaya mainam na maging mapag matyag tayo sa galaw ng market at panatilihing mag basa basa ng mga thread kahit na speculation man yan, minsan kasi may matibay naman na rason ang mga speculators para paniwalaan natin sila gamit ang market analysis at pakikinig sa mga news at updates.