TAMA, ISANG BLOCKCHAIN-INSPIRED NA GASOLINE STATION ANG MAKIKITA SA PANGASINAN!
Nakakita ang isang netizen ng isang gasolinahan na tumatanggap ng Bitcoin:
Ang litrato na ito ay kuha ni Ardy Mejorada, ASEAN Secretary of the World Blockchain Organization (WBO). Ito ay ang Blockchain Fuel, isang gasoline station sa Matalava, Lingayen, Pangasinan na tumatanggap ng Bitcoin bilang bayad. Ayon kay Mejorada, fiat na pera pa rin ang kanyang ibinayad dahil nagkataon na wala ang may-ari ng gasolinahan upang maisagawa ang transaksyon.
Ang mga sumusunod ang kuhang litrato:
Isa lang na naman ito sa mga patunay na unti-unti na talagang ina-adapt ng Pilipinas ang cryptocurrency!
Kung ikaw ang magpapakilala sa cryptocurrency sa inyong lugar, sa paanong paraan mo ito gagawin?
Napakagandang balita na mayroon na nga ng tinatawag na blockchain fuel na dito sa Pilipinas . Pat unay Lang na , Malaya ang ang pag gamit ng bitcoin dito sa ating bansa. Ito na ang kauna unahang gasolinahan na tumatanggap ng bayad na bitcoin. Ito na ang umpisa dito sa ating bansa na pwede na magbayad ng bitcoin sa lahat na pamilihan , groserya man o sa mga malls at supermarket. Unti unti ng matututunan ng mga Pilipino ang tinatawag nilang bitcoin.
Tunay na magandang balita nga ang pagkakaroon ng ganito. Pero paano kaya ang sitwasyon ng mga natanggap nilang kabayaran ng bitcoin? Paano ang pagbabayad ng buwis?
Paano naidadagdag ang excise tax? Ibinebenta ba agad nila ito upang mapakinabangan? Maraming tanong sa aking kaisipan.