Nice, mukhang mas maganda na ito at meron ng PVP meron ng interaction sa ibang players.
Hindi kaya magiging paid to win na ang sitwasyon pag ganito?
Sa kasamaang palad nabibilang ang larong ito sa pay-to-win kung gusto mong mapunta sa mataas na rank.
Pero dahil sa mga whales na iyon, napapanatili ng devs ang laro at nagkakaroon ng magagandang updates.
Wag mag alala dahil tingin ko'y mas malaki pa rin ang nagastos ng mga whales kaysa sa nakukuha nila sa laro.
Hindi talaga naten matatapatan ang mga payers pero ang lamang nating mga free players ay walang lumabas na malaking halaga sa ating bulsa.
Merong attendance event ang larong ito kung saan may tsansang makakuha ng magandang gamit / pet / in-game perks.
Sa raid naman basta tama ang gears na suot kahit medium build ay may paglalagyan na magandang pwesto at makakahati sa prize pool.
Di na masama diba, kahit maliit pero meron at libre pa.