Author

Topic: Blockchain Technology "AMA" (Read 419 times)

hero member
Activity: 1680
Merit: 655
May 26, 2020, 03:02:47 PM
#22
Commonly, I have seen people using bitcoin tx accelerator called:

https://www.viabtc.com/tools/txaccelerator

The downside of using this is that it gets easily full after a few minutes kasi 100 lang yung ina-accept ng pool every hour (e.g., 12:00-12:03) to be precise. This services only offers to accelerate your tx to be included in the next block they are currently mining, so swertehan din talaga.

As per the RBF or Replace-by-fee, only a handful of bitcoin client I think supports this feature and it is Electrum to be specific. I tried it personally though using testnet, the RBF function really works if your transaction is stucked in the bitcoin network due to low tx fee. As per my experience, RBF can only be used if the transaction is still unconfirmed, meaning it is still not added into the next block, only by then RBF can re-broadcast the tx with a higher tx fee (sat/byte) para maisama na siya sa next block.

CFFP, medyo wala pang idea. And I think this is similar to RBF eh.

Merong ginawang guide si Zepher on accelerating your transaction for free, most of the sites na binigay nya ay gumagana pa din pero recently nung gagawin ko sana ay hindi na gumagana yung paraan niya para makuha yung hex format ng isang transaction, ito kasi yung kailangan mo para ma broadcast ulit yung transaction dahil lahat ng Bitcoin accelerators ay kailangan yung hex format ng transaction.


Dati ito kailangan itype mo sa dulo ng url ng tx-id mo para ma re-direct ka sa hex format nga tx id mo
Code:
?format=hex

Pero since nag-bago na yung Blockchain.info at naging Blockchain.com parang nag-bago din yung format nila para makuha yung hex format ng isang tx id. Now if ilagay mo yung "?format=hex" sa dulo ng URL ng tx id mo ay either ma reredirect ka sa same page ulit or bibigay ka ng "Oops! We can't seem to find the page you're looking for". I'll keep you updated kung makakita ako ng ibang paraan para makuha yung hex format since ito lang naman kailangan mo para mag-accelerate ng mga transactions ng hindi nag-babayad.
legendary
Activity: 1904
Merit: 1563
May 26, 2020, 08:06:11 AM
#21
Commonly, I have seen people using bitcoin tx accelerator called:

https://www.viabtc.com/tools/txaccelerator

The downside of using this is that it gets easily full after a few minutes kasi 100 lang yung ina-accept ng pool every hour (e.g., 12:00-12:03) to be precise. This services only offers to accelerate your tx to be included in the next block they are currently mining, so swertehan din talaga.

As per the RBF or Replace-by-fee, only a handful of bitcoin client I think supports this feature and it is Electrum to be specific. I tried it personally though using testnet, the RBF function really works if your transaction is stucked in the bitcoin network due to low tx fee. As per my experience, RBF can only be used if the transaction is still unconfirmed, meaning it is still not added into the next block, only by then RBF can re-broadcast the tx with a higher tx fee (sat/byte) para maisama na siya sa next block.

CFFP, medyo wala pang idea. And I think this is similar to RBF eh.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
May 26, 2020, 01:38:44 AM
#20
Appreciate all the contributions sa thread na ito. Hopefully, marami tayong natutunan kahit nagbabasa lang tayo pero mas maganda sana kung tayo mismo ang magtatanong sa mga paksang gusto natin maliwanagan.

Ituloy natin ang usapan dito pero ibang tanong naman.

Paano natin mapapabilis ang bitcoin transactions natin kapag matagal itong natengga sa mempool?

^ Alam ko may Bitcoin accelerators, Replace by fee (RBF), at Child pays for parent (CPFP) methods. Paki-paliwanag.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
May 25, 2020, 07:43:05 AM
#19
  • Basically gagawa ka lang ng legacy wallet sa Electrum kasi yung legacy wallet nila ay compatible sa pag send at received ng transactions with a bech32 address
Based kasi sa mempool napakataas ng transaction fee ngayon lalo na monday which is busy day for bitcoin users. I'll be sticking with addresses that starts either with 3 or bc1

Meron din isang option pero hindi ko mai-suggest is yung pag-send ng BTC mo sa isang crypto exchange na kayang mag-send sa mg bech32 addresses, pwede mo gawin ito if gusto mo maka-iwas ng fees pero wag mo itong gawin kung wala ka pang existing crypto exchange na account baka ma-freeze lang Bitcoin mo dahil gagamitin mo lang yung crypto exchange nila as a wallet.
Seryoso po ba yon? makakaiwas ako sa fee? I thought may tx fee pa din kasi wala naman siyang kaibahan sa normal na pag broadcast ng tx sa bitcoin network eh.

What I mean about this one is yung sagot ko sa second option na binigay ko which is yung Legacy Wallet to SegWit Wallet mo from Electrum to Electrum. Yes meron pa din fees involved sa crypto exchanges pero if meron ka ng crypto exchange na compatible sa pag-send ng withdrawals sa SegWit addresses pwede ka na mag-send ng BTC straight without creating a Legacy Wallet, yun yung ibig kong sabihin na "maka-iwas ng fees".

mukhang ang ginamit ni Maus0728 para ma-setup yung Ledger Nano S niya ay ang Electrum Wallet
Opo, gumamit ako ng Electrum as an interface sa Ledger  Cheesy



So ang naisip ko na lang po eh mag transfer ng funds from coins.ph sa existing mycelium account ko then sa Ledger Nano S.

This will also work, sorry if medyo complicated yung nabigay kong work around sayo hindi ako aware na may Mycelium wallet ka. Pero since may Mycelium wallet ka check mo yung post ni bL4nkcode after nung sakin yan din sana yung sasabihin ko, and ang alam ko supported na din ang SegWit addresses sa pag-setup ng hardware wallet. Sa tingin ko mas magiging convenient sayo yun kasi pwede sya mag change ng wallet type. May mga tutorial naman yung Ledger about using Mycelium para ma-setup yung hardware wallet mo, medyo outdated nga lang yung statement nila na "Please note that Mycelium does not support Segwit BTC addresses." dahil ang alam ko 2018 pa lang SegWit enabled na ang Mycelium wallets.
legendary
Activity: 1904
Merit: 1563
May 24, 2020, 11:34:00 PM
#18
Matagal na yang announcement na yan, mycelium integrate segwit native or nested address, way back 2018. Compatible din sa ledger at trezor both segwit at legacy.
Try ko muna yung testnet then try ko din kung possible gumawa ng panibagong script type sa Electrum using the same priv keys sa Ledger Nano with a different derivation path.
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
May 24, 2020, 09:49:35 PM
#17
Kasi kung iintegrate ko yung Mycelium sa Ledger Nano, hindi naman supported ng Mycelium ung Segwit Addresses.
Please note that Mycelium does not support Segwit BTC addresses.


So ang naisip ko na lang po eh mag transfer ng funds from coins.ph sa existing mycelium account ko.
Matagal na yang announcement na yan, mycelium integrate segwit native or nested address, way back 2018. Compatible din sa ledger at trezor both segwit at legacy.
legendary
Activity: 1904
Merit: 1563
May 24, 2020, 09:41:05 PM
#16
  • Basically gagawa ka lang ng legacy wallet sa Electrum kasi yung legacy wallet nila ay compatible sa pag send at received ng transactions with a bech32 address
Based kasi sa mempool napakataas ng transaction fee ngayon lalo na monday which is busy day for bitcoin users. I'll be sticking with addresses that starts either with 3 or bc1

Meron din isang option pero hindi ko mai-suggest is yung pag-send ng BTC mo sa isang crypto exchange na kayang mag-send sa mg bech32 addresses, pwede mo gawin ito if gusto mo maka-iwas ng fees pero wag mo itong gawin kung wala ka pang existing crypto exchange na account baka ma-freeze lang Bitcoin mo dahil gagamitin mo lang yung crypto exchange nila as a wallet.
Seryoso po ba yon? makakaiwas ako sa fee? I thought may tx fee pa din kasi wala naman siyang kaibahan sa normal na pag broadcast ng tx sa bitcoin network eh.

Or you can just use mycelium wallet, may feature si mycelium na kaya niyang ma change ang wallet address from legacy (1) to nested segwit (3) or to native segwit (bc1) just by taping the qr code see image.

You just need to import yung legacy private key sa mycelium and then you can either use yung segwit (native or nested) at legacy, same account ma rereceive mo btc mo whether you used any of those wallet address.
Yes, I've been using Mycelium wallet before and aware na din po ako sa wallet features niya. The thing is, may existing wallet na ako pero walang laman, I can just easily restore the wallet using seed phrase na naitabi ko and then transfer it from coin.ph ==> Mycelium ==> Ledger Nano S.

Kasi kung iintegrate ko yung Mycelium sa Ledger Nano, hindi naman supported ng Mycelium ung Segwit Addresses.
mukhang ang ginamit ni Maus0728 para ma-setup yung Ledger Nano S niya ay ang Electrum Wallet
Opo, gumamit ako ng Electrum as an interface sa Ledger  Cheesy



So ang naisip ko na lang po eh mag transfer ng funds from coins.ph sa existing mycelium account ko then sa Ledger Nano S.
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
May 24, 2020, 07:48:36 PM
#15

I was gonna suggest this too pero natandaan ko yung post ni Maus0728 about sa pagkaka-tanggap niya ng Ledger Nano S and based na din sa post niya sa Development and Technical Discussion board mukhang ang ginamit ni Maus0728 para ma-setup yung Ledger Nano S niya ay ang Electrum Wallet
Mycelium suit with that purpose kung ganun, ledger nano s din gamit ko yung nasa image sa post ko, mas covenient siya since no need of exporting/importing private keys, just connect ledger sa mycelium

@Theb ano masasabi mo sa ginawa ko ^^, secured po ba ito considering na ini-export ko yong private keys?
If using hardware wallet din tulad ni Maus0728? then na wala ang purpose ng pagiging hardware wallet nun if enexport mo private keys mo.

If only using electrum and hindi with the hardware wallet, then take DroomieChikito's advice medjo technical nga lang or just import your private keys to mycelium like what I explain on my earlier post.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
May 24, 2020, 04:24:46 PM
#14
Gandang gabi!

Ask ko lang kung pwedeng mag send ang coins.ph na may script type na Pay-to-Script Hash (P2SH) which starts with 3..sa Bech32 addresses na nag start sa bc1

Ito rin yong problema ko noong nag-send sana ako ng BTC from I'm Token to Electrum native segwit address, may nag-prompt na kailangan daw na yong address na padadalhan ko ay nagsisimula sa 3 or 1. Sabi noong tinanungan ko na problema ito ng wallet developer na in my case ay ang I'm Token dahil hindi daw supported ang Bech32 addresses.

To achieve a nested segwit address, ginawa ko rin yong payo ng isang user which is to export the private key then import it to the new one.
Steps:
> In your Electrum wallet na mayroong native segwit address, go to Wallet then, Private Keys, then Export.
this will be exported to your local drive at excel file ito.

>Then you have to create another wallet, this time for the native segwit address. Go to File, then New/Restore, then Import Bitcoin addresses or Private Keys

>Then you have to copy your private key in the excel file then paste it to the dialogue box pero kailangan palitan mo yong nasa unahan ng private key ng  p2wpkh-p2sh:

>Create wallet at holla may native segwit address ka na...



Sagot ni pooya87 sa tanong ko

Sagot ni DroomieChikito sa tanong ko

edit:
@Theb ano masasabi mo sa ginawa ko ^^, secured po ba ito considering na ini-export ko yong private keys?




  
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
May 24, 2020, 03:26:43 PM
#13
    Basically gagawa ka lang ng legacy wallet sa Electrum kasi yung legacy wallet nila ay compatible sa pag send at received ng transactions with a bech32 address
Or you can just use mycelium wallet, may feature si mycelium na kaya niyang ma change ang wallet address from legacy (1) to nested segwit (3) or to native segwit (bc1) just by taping the qr code see image.

You just need to import yung legacy private key sa mycelium and then you can either use yung segwit (native or nested) at legacy, same account ma rereceive mo btc mo whether you used any of those wallet address.

I was gonna suggest this too pero natandaan ko yung post ni Maus0728 about sa pagkaka-tanggap niya ng Ledger Nano S and based na din sa post niya sa Development and Technical Discussion board mukhang ang ginamit ni Maus0728 para ma-setup yung Ledger Nano S niya ay ang Electrum Wallet kaya binase ko nalang yung sagot ko dun sa current na sitwasyon niya. But kung may chance pa para mag-palit ng wallet setup si Maus0728 sa tingin ko din mas convenient yung Mycelium Wallet sa sitwasyon niya if he wants a SegWit address para sa kanyang Ledger Nano S.
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
May 24, 2020, 02:21:14 PM
#12
    Basically gagawa ka lang ng legacy wallet sa Electrum kasi yung legacy wallet nila ay compatible sa pag send at received ng transactions with a bech32 address
Or you can just use mycelium wallet, may feature si mycelium na kaya niyang ma change ang wallet address from legacy (1) to nested segwit (3) or to native segwit (bc1) just by taping the qr code see image.

You just need to import yung legacy private key sa mycelium and then you can either use yung segwit (native or nested) at legacy, same account ma rereceive mo btc mo whether you used any of those wallet address.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
May 24, 2020, 12:35:53 PM
#11
Gandang gabi!

Ask ko lang kung pwedeng mag send ang coins.ph na may script type na Pay-to-Script Hash (P2SH) which starts with 3..sa Bech32 addresses na nag start sa bc1

From what I know SegWit (P2SH) addresses, yung kaparehas ni Coins.ph na nag-iistart sa (3) ay pwede makatanggap ng transaction from Coins.ph base na rin sa mga nakita kong experience ng ibang mga members dito tungkol sa address compatability ni Coins.ph. Pero kung straight naman from Coins.ph (P2SH) to a SegWit bech32 address (bc1) ang usapan ito ay hindi compatible. So para sakin meron kang 2 options o work around para ma-send yung BTC mo to a SegWit address.

  • Creating a P2SH SegWit Wallet - Which is really technical if i-coconsider mo yung Electrum wallet sa Windows, ang default kasi ng Electrum SegWit wallets ay bech32 addresses
  • Sending BTC to a legacy wallet that is compatible on sending in SegWit (bech32) address (Electrum [Legacy address] to Electrum [SegWit address]) - Pwede mo ito magawa sa software nila kasi pwede ka naman gumawa ng multiple wallets sa software ng Electrum. Basically gagawa ka lang ng legacy wallet sa Electrum kasi yung legacy wallet nila ay compatible sa pag send at received ng transactions with a bech32 address

Meron din isang option pero hindi ko mai-suggest is yung pag-send ng BTC mo sa isang crypto exchange na kayang mag-send sa mg bech32 addresses, pwede mo gawin ito if gusto mo maka-iwas ng fees pero wag mo itong gawin kung wala ka pang existing crypto exchange na account baka ma-freeze lang Bitcoin mo dahil gagamitin mo lang yung crypto exchange nila as a wallet.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
May 24, 2020, 09:51:05 AM
#10
Gandang gabi!

Ask ko lang kung pwedeng mag send ang coins.ph na may script type na Pay-to-Script Hash (P2SH) which starts with 3..sa Bech32 addresses na nag start sa bc1

Currently, not. Tried it myself and may error na lumabas "not a valid address". Unfortunately, may mga ibang wallets rin na hindi pa supported ang P2SH to bech32.

For reference for other wallets: https://en.bitcoin.it/wiki/Bech32_adoption
legendary
Activity: 1904
Merit: 1563
May 24, 2020, 08:40:33 AM
#9
Gandang gabi!

Ask ko lang kung pwedeng mag send ang coins.ph na may script type na Pay-to-Script Hash (P2SH) which starts with 3..sa Bech32 addresses na nag start sa bc1
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
May 19, 2020, 04:39:53 PM
#8
@Bttzed03 @Theb @GreatArkansas, thanks to you guys, I have now my first Electrum btc wallet.



Medyo nagkaroon kasi ako ng takot dito sa mga wallet download dahil nabiktima ako ng isang phishing site. Myetherwallet ata yon dahil balak ko mag-invest sa isang ICO pero sa kasamaang palad ay nawala lahat ng Ether ko na nilagay sa wallet na yon dahil sa ito ay fake, mula noon hindi na ako nag-down load pa ng anumang wallet. Android wallet nalang gamit ko from Playstore dahil tingin ko safe sila gamitin.

But the confidence is slowly coming back now, thanks to your help.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
May 19, 2020, 10:21:12 AM
#7
~
Anong wallet ba ang pwede na makapag-send ng bitcoin to a multiple address kabayan?
Kailangan ba lumikha ng panibagong wallet para dito?
I'm assuming questions 1 & 2 are related.

^ With both wallets, you can send to many using only one address. Meron silang "pay to many" feature.

AFAIK, wala pang mobile wallet ang kayang gumawa nito.

Alam ko mas may karanasan sila @mk4 o @bL4nkcode pagdating sa electrum or bitcoin core. Hoping they can add more.

Ito yung sagot para kay bisdak40

AFAIK, wala pang mobile wallet ang kayang gumawa nito.

Alam ko mas may karanasan sila @mk4 o @bL4nkcode pagdating sa electrum or bitcoin core. Hoping they can add more.

Tama ka dito @Bittzed03 kahit yung mobile wallet app ng Electrum walang capacity to send to multiple addresses in one transaction hindi ka nga din pwede mag-sign ng message, lahat ng ito pwede gawin sa desktop version ng Electrum. Mukhang ang tanging purpose lang talaga ng Electrum Mobile app is gawing wallet sya for on the go payments at hindi meant for storing.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
May 19, 2020, 01:10:56 AM
#6
~
Anong wallet ba ang pwede na makapag-send ng bitcoin to a multiple address kabayan?
Kailangan ba lumikha ng panibagong wallet para dito?
I'm assuming questions 1 & 2 are related.

^ With both wallets, you can send to many using only one address. Meron silang "pay to many" feature.

AFAIK, wala pang mobile wallet ang kayang gumawa nito.

~
"im Token" kasi ang wallet ko sa ngayon, safe po ba ito?
There was a security breach before noong nasa beta stage pa lang yung 2.0 version. Mukhang naayos naman na nila yan at nag-launch pa sila ng bug bounty program before to find and fix other vulnerabilities. Another important thing to note is it's a closed source wallet. Kumbaga walang outside developers ang nakapag-review ng codes nila at kailangan mo na lang paniwalaan yung sasabihin ng mga IM token developers. Kung hindi ka naman concern about open/close sourced at willing ka to take the risk, pwede na siguro. Non-custodial wallet din naman siya. 



Alam ko mas may karanasan sila @mk4 o @bL4nkcode pagdating sa electrum or bitcoin core. Hoping they can add more.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
May 18, 2020, 05:37:51 PM
#5
Okey, hindi na ako mahihiya na magtanong lol. Hinalungkat ko na lahat ng thread dito sa local natin pero hindi ko pa rin makita yong tutorial about sa gusto ko. i'm not into the technicals of bitcoin so malaking bagay ang "AMA" na ito sa gustong matuto.

Ang tanong ko:

Anong wallet ba ang pwede na makapag-send ng bitcoin to a multiple address kabayan?

Kailangan ba lumikha ng panibagong wallet para dito?

"im Token" kasi ang wallet ko sa ngayon, safe po ba ito?

Maraming salamat kabayan sa mga sagot niyo in advance.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
May 18, 2020, 08:28:07 AM
#4
Yung iba makikita niyo dito - Informative threads in our local section

Pwedeng basahin mga topics dun. Kung may hindi covered o kung may karagdagang katanungan, comment lang natin dito.

@Bttzed I guess ito yung tamang gawin ng mga newbies, dapat matuto muna silang mag-basa ng mga topics bago sila mag-tanong posible kasing may naka-sagut na ng mas maganda o di kaya naipaliwanag na ng maayos sa mga in-depth threads na nasa listahan na yan. Dapat magsilbi yung thread na ito na lugar para sa mga katanungan na hindi pa nasa-sagot o yung mga sagot na nahihirapan yung mga members na intindihin. Para maiwasan na din yung mga low-ranking members na nag-popost ng walang sense o di kaya mga tanong na generic na o yung mga tanong na na-sagot na ng maraming beses, makikita mo kasi kung sino yung nagbabasa/nagre-research at yung hindi eh.

Aside sa Index natin for Local Topics meron din ginawang List of Guides si LoyceV kung gusto mong magbasa ng mga topics na nasa English Language.

Topic: [GUIDES] on Bitcointalk. Index thread (until there is a dedicated subforum?)

Pangungunahan ko na kayo kung yung threads na babasahin niyo is yung na-compile ni LoyceV mostly yung mga topics na kasama dito is dapat may kaunting ka-alaman ka na sa Bitcoin dahil hindi ito pang beginner friendly na topics katulad ng mga "What is Bitcoin?" o "Introduction to Bitcoin". Although merong topic na "Terminology" dito na ginawa ni yogi na nakalagay sa "Other" section karamihan ng topics dito ay hindi related sa introduksyon para sa Bitcoin. Aside from the OP ng thread na ito if titignan niyo yung post ng ibang members makikita niyo na nag-popost din sila ng ibang topics, nasa sainyo na yun kung gusto ninyong basahin o hindi may mga topics kasing hindi na-isama sa main post kaya i-check niyo nalang if sa tingin mo makakatulong sainyo.
legendary
Activity: 1708
Merit: 1280
Top Crypto Casino
May 17, 2020, 03:41:37 AM
#3
Some topics na nagpapaliwanag sa ibang terms ay available din dito sa lokal kagaya ng mga ito:

Para sa mga kabayan natin gusto makita at paano makita ang code sa pag gawa ng hash ay may gusto ako ibihagi na ginawa ko gamit sa c# programming language at ang hashing algorithm na gamit ko dito ay SHA256.


Code:
Random r = new Random();
        char[] codes = "abcdefghijklmnopqrstuvwzyz0123456789ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ".ToArray();
        string output;
        void generateKey(int gkey)
        {
            output = null;
            for (int x = 0; x < codes.Length; x++)
            {
              output += codes[r.Next(0, codes.Length)];
            }

            t1bx.Text = output;
        }

        private void B_generate_Click(object sender, RoutedEventArgs e)
        {
            generateKey(10);
        }

        static string ComputeSha256Hash(string rawData)
        {
            // Create a SHA256  
            using (SHA256 sha256Hash = SHA256.Create())
            {
                // ComputeHash - returns byte array  
                byte[] bytes = sha256Hash.ComputeHash(Encoding.UTF8.GetBytes(rawData));

                // Convert byte array to a string  
                StringBuilder builder = new StringBuilder();
                for (int i = 0; i < bytes.Length; i++)
                {
                    builder.Append(bytes[i].ToString("x2"));
                }
                return builder.ToString();
            }
        }


        private void B_hash_Click(object sender, RoutedEventArgs e)
        {
            txtbx_hash.Text = ComputeSha256Hash(output);
        }

    

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
May 16, 2020, 12:52:06 AM
#2
Some topics na nagpapaliwanag sa ibang terms ay available din dito sa lokal kagaya ng mga ito:

Yung iba makikita niyo dito - Informative threads in our local section

Pwedeng basahin mga topics dun. Kung may hindi covered o kung may karagdagang katanungan, comment lang natin dito.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
May 16, 2020, 12:45:37 AM
#1
This thread is not exactly Ask Me Anything dahil hindi pa naman ako ganun kagaling pagdating sa mga usaping ito. This is more like a Ask The Local Community Anything related sa blockchain technology.

Pansin naman natin na kokonti lang engagement sa mga technical topics dito siguro dahil maraming nahihiyang magtanong. Pagdating sa technical topics, nakakalamang talaga ang mga may background/courses related sa blockchain. Kaya regardless of ranks, Legendary ka man o Newbie, let us use this avenue para mas lalong matuto.

Kung may katanungan kayo sa mga technical terms kagaya ng mga salitang Hash, Hashrate, Nodes, Blocks, Mempool, at marami pang iba, just drop them here. Sabi nga sa isang commercial, huwag mahihiyang magtanong...





Summary of questions and answers from the comment section:

Q: Anong wallet ba ang pwede na makapag-send ng bitcoin to a multiple address kabayan?
A: [1] [2]

Q: Pwede bang mag send ang coins.ph na may script type na Pay-to-Script Hash (P2SH) which starts with 3..sa Bech32 addresses na nag start sa bc1
A: [1] [2] - sundan ang mga sumunod na komento para sa karagdagang talakayan.

Q: Paano natin mapapabilis ang bitcoin transactions natin kapag matagal itong natengga sa mempool?
A: [1] [2]
Jump to: