Pages:
Author

Topic: Blockhain token para sa Anime - page 2. (Read 237 times)

sr. member
Activity: 1274
Merit: 264
October 09, 2019, 01:36:37 AM
#3
Sa aking palagay ay walang tatangkilik sa ganitong coin kasi iisipin lang ng mga investor na ito ay isang meme or para sa katuwaan lang. At siguro ay may tatangkilik nito at lalo sa mga fan ng mga anime.

Pero maganda ito para sa community ng mga anime fans kung meron mga serbisyo na pwede pag gamitan.
hero member
Activity: 2660
Merit: 608
Vave.com - Crypto Casino
October 09, 2019, 01:29:51 AM
#2
Kung kayo ang tatanungin, ano sa tingin niyo mga magagandang use case ng token para sa anime?
Siguro yung pagbili lang din ng manga at mga merchandise ng iba't ibang anime. Siguro kapag may seryosong gagawa ng ganitong token pwedeng isang kumpanya lang na meron ng established business at ang pinaka produkto yung katulad sa comic alley. Tapos yung token na ilo-launch nila pwede din nilang gamitin parang digital cash nila at meron ding points system. Wala na akong ibang maisip na pwedeng magiging gamit ng token na yan, siguro pag may mga cosplay event pwede nilang additional prize na pwede gamitin ng mananalo pambili ng merch din nila.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1147
https://bitcoincleanup.com/
October 09, 2019, 12:32:09 AM
#1
Napansin ko sa [Off-Topics] Pilipinas board na marami-rami din ang mahilig sa anime. Siguro marami sa atin ang kinalakhan ito  Grin

Kaya napaisip ako kung meron na bang nag-attempt  na gumawa ng proyekto para sa mga anime. Sa aking paghahanap sa internet, nakita ko meron na nga pero mukhang wala pa talaga naging successful sa kanila.

Ito yung mga ilang nakita ko (hindi ko sila pino-promote).
https://cointelegraph.com/news/can-blockchain-save-anime-startup-to-protect-the-culture-from-unavoidable-decline
https://coincentral.com/what-is-anime-coin/
https://www.jmfsgp.com/
https://deadline.com/2019/07/blockpunk-anime-enables-sale-on-blockchain-1202642574/

Sa dami ng anime fans sa buong mundo, malamang meron at meron pa din susubok pasukin ito. Kung kayo ang tatanungin, ano sa tingin niyo mga magagandang use case ng token para sa anime?
Pages:
Jump to: