Pages:
Author

Topic: Bounty hunting - Paraan sa ligtas at tamang pagpili ng lalahukan. - page 3. (Read 811 times)

full member
Activity: 434
Merit: 100
Maraming salamat dito kabayan. Bihira nalang sa mga Philippine forum ang may paki sa kababayan nila. Malamang ang dahilan dito ay hindi naman nabibigyan pansin ang kanilang hirap sa paggawa ng isang sulatin. Sana kahit ganon ay ipagpatuloy mo parin yan at sana dumami pa ang katulad mo !

Kaya naman kasi di to masyadong pinagtutuunan ng pansin ay kasi marami na ditong taong hindi na nagbibigay ng magandang dulot para sa iba kasi puro nalang mema nalang ang ginagawa nila na parang katulad sa ibang section na parang basura nalang halos lahat ng post at thread nila.
newbie
Activity: 182
Merit: 0
Maraming salamat dito kabayan. Bihira nalang sa mga Philippine forum ang may paki sa kababayan nila. Malamang ang dahilan dito ay hindi naman nabibigyan pansin ang kanilang hirap sa paggawa ng isang sulatin. Sana kahit ganon ay ipagpatuloy mo parin yan at sana dumami pa ang katulad mo !
copper member
Activity: 266
Merit: 0
Disclaimer: Hindi binuo itong aking sulatin upang i-promote lamang ang pagsali sa mga bounty campaigns, ako ay isa sa mga naniniwala na hindi lang dapat pera ang ipinunta mo sa forum na ito kung hindi pati na rin dapat ang mga kaalaman sa mundo ng crypto.

Hindi maikakailang marami ang sumali sa atin dito sa forum na ito  sapagkat nakita natin sa internet o nasabihan ng kaibigan na maaaring kumita at magkaroon ng pera rito.Okay lang naman kung gusto mong kumita sa forum na ito, ngunit , isinagawa ang forum na ito upang mas madami pa tayong malaman at tayo ay matuto sa mundo ng cryptocurrency. Habang gusto nating kumita ng pera, kailangan matuto din tayo para makatulong sa iba pang mga kababayan o mga lahi na rin na makapagbigay ng kaalaman.

Isa sa mga paraan para kumita sa forum na ito ay ang pagsali sa mga bounty campaigns. Dito, ating pinopromote ang proyekto ng isang management at kapalit nito ay maaaring bitcoin, ethereum o kadalasan, kung ano ang kanilang sariling coin. Ngunit sa panahon ngayon, karamihan sa mga proyekto ay mga scam at ang iba ay nagbibigay lamang ng mga shitcoins at mayroon ding mga ico na hindi binibigay ang  pinagaguran ng mga bounty hunter pagkatapos nilang pakinabangan. Kung magbabayad man, ang iba ay kulang o halos mas mababa pa sa 10$ . Hindi maiiwasan ito sa forum na ito ngunit eto ang mga ilang tips kung paano mo masisiguro na ligtas at kikita ka kahit papano:

Una, magresearch ng maigi patungkol sa proyekto. Wag sali ng sali at lahok ng lahok sa mga proyekto. Siguraduhin na ang proyekto ay SMART.

Specific - dapat makikita mo rito kung ano ang iyong ipopromote at kung ano ang proyekto ng management. May isa ba silang goal o madaming goal? Ano ba ang mga magiging resulta pag natapos ang proyektong ito? Para dito, kailangan mong basahin ang kanilang whitepaper o i-visit ang kanilang website upang makasigurado na specific at may patutunguhan ang proyekto.
Measurable - dapat makikita mo kung gaano katagal ang gugugulin ng proyekto at nag uupdate ng progress ang sinalihan mong proyekto.
Attainable - dapat ang proyekto ay kapani-paniwala na kanilang makakamit ito. Gamitin ang iyong "common sense". Kung alam mo naman na hindi nila kayang gawin ang proyekto, wag ka nang sumali. Sapagkat maaaring hindi nila maabot ang kanilang goal at masayang lang ang iyong trabaho.
Relevant - ano ba ang kahalagan pag nabuo ang proyektong ito? Ano ang magiging impact at matutulong nito sa crypto world. Magiging kapaki-pakinabang ba ito? Kung oo, maari kang sumali dito ngunit tandaan kung Attainable ba ang proyekto.
Time-bound - dapat alam mo kung sinasabi ng proyekto kung kelan matatapos ang kanilang layunin. Kung sinasabi nilang sa loob ng isang buwan tapos na nila ang napakahirap na proyekto, huwag ka nang sumali dahil malamang, ito ay isa nanaman sa mga shitcoins o di kaya maaaring ma extend din ang iyong trabaho.


Pangalawa, hindi basta nakakita ka ng 10,000,000 coins in reward ay malaki na ang reward ng campaign. Maaaring 10,000,000 na ito ay katumbas lamang ng 10000 dollars lamang at paghahati-hatian niyo pa ito ng mga lumahok sa bounty campaign. Tignan din kung makatotohanan ang reward. Halimbawa, sinasabi nilang magrereeard sila ng 50,000,000 tokens at ang kanilang hardcap ay 100,000,000, hindi ka na dapat sumali dito dahil imposibleng ang 50% ng kanilang pagkakakitaan ay mapupunta sa mga bounty hunters dahil magiging mahina ang pundasyon ng kanilang proyekto.

PangatloPangatlo, tignan ang team or management ng proyekto. Kung nakikita mo na walang mga larawan ng mga CEO at ibang mga tauhan, magiging kataka-taka ito. Kung talagang desidido sila at naniniwala sila sa kanilang proyekto, bakit nila itatago ang kanilang mga katauhan?

Pang-apat ang mga bounty managers ay mayroon ding malaking gampanin kung paano mo malalaman kung ang ito ay great ICO . Ang mga ICO na gusto talagang ipromote ang kanilang proyekto ay pipili ng kilalang bounty manager (hero , legendary rank ). Itong mga bounty manager din na ito ay hindi nag mamanage ng scam na bounty dahil ang kanilang pangalan ang masisira dito.

Ito ang mga ilang bounty managers na aking kilala na masasabing subok na at may pakielam sa mga bounty hunters

Amazix
Tokensuite
needmoney
Arteezy.rtx (pinaka approachable para sa akin)
Wapinter
yahoo62278
HOTACHY
btcldigger


(kung may idadagdag kayo, maari lamang na mag comment kayo para ma iupdate ko pa itong post ko at madami pa tayong matulungan na mga hunters.)

Sa forum na ito, kailangan mong mag tiyaga. Kumalap ng kaalaman,dahil doon palang panalo ka na. Kung hindi ma narewardan ng isang scam na proyekto, huwag agad susuko, ang mahalaga natututo tayo.

Pages:
Jump to: