~snip
Kapag nakakakita ako ng ganitong post naiisip ko talaga "Yun lang ba pinunta netong mga 'to dito?". Kung sinusubukan mong makakuha ng merit sa ganyang post, tingin ko malabo yan. Ang forum na 'to ginawa para pag usapan ang bitcoin at cryptocurrency. Karamihan sa mga binanggit mong managers ay nagrerequire ng Jr. Member Rank pataas kung saan sa ngayon ay nangangailangan ka ng at least 1 merit or Copper membership upang makasali. Tapos may magbubukas ng ganitong thread na pawang Newbie ang rank. Parang may mali, paano mo nasabing reliable lahat ng nabanggit mong managers? Nakasali ka na ba sa kanila? O binatay mo lang sa ibang thread na tulad ng ginawa mo? Sana sa susunod kung gagawa ka ng ganito yung ikaw mismo ang naka experience ng kanilang management. Hindi sapat yung nabasa mo lang kung saan. Alam mo ba si Sylon na-ban ng 60 days? Alam mo rin ba na may nahawakan si yahoo62278 na scam ICO (buti may mga nakapansin kaya halos 1 week lang yung campaign at naisara na)?
Hindi masamang mag-share ng mga list ang managers, pero as much as possible may experience ka sa kanila. Dapat reliable information, yung pwede mong ipaglaban. Hindi yung "Sabi kasi ni ganito eh, High Rank yun kaya tiwala ako", wag yung ganun. Do your own research palagi.
Meron akong campaign na nasalihan na yung project mismo ang nag conduct din ng bounty. Sila lang din nagmanage ng bounty nila. Maganda naman kinalabasan ng campaign. At higit sa lahat hindi sila naging scam. Existing na kasi yung project nila at nagexpand sila to cryptocurrency. Sa ngayon above ICO price na sila at yung project is still on going and improving. Na-share ko lang kasi hindi sila nag hire ng campaign manager. This means na nakabase pa rin kung niresearch mo maige yung project, hindi lang yung campaign manager na maghahandle nito.
Unahin mo muna siguro ang pag aaral dito sa forum na ito, sigurado naman mag eenjoy ka at marami kang maiisip na application ng bitcoin sa totoong buhay. Umpisahan mo sa Bitcoin, marami pang features ang bitcoin na hindi ko pa nakikitang pinopost sa section naten na sigurado namang makakatulong. (Clue: RBF and CPFP) research mo yan, malaking tulong nagagawa nyan kung gagamitin ang bitcoin sa pang araw araw.
Wag mo sana masamain, hindi lang ito para sayo, para sa ating lahat din.