As of now, halos testing and researching palang ang ginagawa patungkol sa mga cryptocurrencies. Although nag aaccept tayo ng mga business na involve ang digical currency, hindi parin tayo handa sa ganitong sistema. I think ang mangyayari nyan is stablecoin in PHP ang kalalabasan na magpapadali ng transactions sa Pilipinas at international.
Sa atin kaya , tangkilikin din kaya ng bangko sentral ang ganitong sistema lalo na't panahon ng pandemya? At kung sakaling mangyari man , siguradong may mga buwis na naman silang maipapataw.
Sa tingin ko ay ang buwis lang naman na ipapataw nila ay ang income tax na nakukuha mo kapag gumagamit ka ng digital currency. Wala naman ito masyadong apekto sa mga mamamayang transactions lang ang habol.
Malabong tangkilikin ng gobyerno or ng Bangko sentral ang ganitong idea ng ""digital currency"". hindi ba't threat ito sa mga bangko dahil mas convenient and efficient ang paggamit nito, dagdag pa natin ang dumaraming scammers ngayon lalo na't pandemya.
Though baka nga ito ang maging issue since let's say na may sariling mga wallets na ang mga tao at wala na silang plano mag store ng mga pera nila sa banko, hihina ang kita nila since loans ang major way nila para kumita ng pera. Kung walang mag dedeposit ng pera sa kanila, wala sila ma loloan sa ibang tao, wala din silang kita.