Ipagpatuloy na yang curfew hours. Sobrang ganda niyan.
Nung panahon ko eh mga 10 times yata ako nahuli ng curfew sa kakulitan ko at kakatambay ng hangang hating gabi.
Ngayon tumanda ako naisip ko na maganda nga ito.
Maiiwasan ang krimen at ang mga bata hindi na magligalig.
Wag lang masyadong maaga. 9pm to 4am siguro ay pwede na.
Pansin na pansin ang katahimikan dito sa subdivision.
Basta yung may trabaho maiprove lang na pang gabi sila at maganda ay makilala na din sila ng mga tanod para hindi na sila sitahin araw araw.
Yung mga tindahan din, hayaan dila na magsara ng lagpas ng kaunti sa curfew hours just for emergencies.
Ang sarap sa mata na makita mong malinis ang paligid at kalsada tapos walang ingay na masakit sa tenga.
Kung kayo ang authorized person na maglabas ng bahay upang mamelengke sa nakatakdang araw at oras na nakasaad sa quarantine o leave pass, mapapansin nyo yung mga nakakasabay mong tao na lahat ay marunong ng magmasid at magkakilatis sa iba, kaya yung mga kriminal ay magdadalawang isip na gumawa ng masama dahil alam nilang marami ng matang nakatingin sa kanila at syempre dahil na rin sa mga authorities na mga nakakalat sa checkpoint.
Ang hindi na lang talaga mawala-wala ay itong mga scam activities online. haha 😂